RHIAN'S POV:
PAREHO pa rin kaming nakatapis ni Glaiza at nakabalot pareho ang buhok namin ng tuwalya.
May kinuha si Glaiza sa drawer niya matapos ay humarap sa akin. Binuksan niya paikot ang takip ng hawak niya."Ano 'yan?" tanong ko sa kanya.
"Upo ka sa kama Rhian, halika." Sumunod naman ako. "Pikit ka," utos niya at sumunod ulit ako.Maya-maya ay naramdaman ko ng may malamig na cream siyang pinapahid sa mukha ko.
"Moisturizer 'to Rhian. Dapat tuluy-tuloy ang pag-aalaga natin sa katawan natin," sabi niya habang pantay paitaas-pababa ang stroke ng daliri niya sa mukha ko. Patuloy lang akong nakapikit dahil ang sarap sa pakiramdam ng pagdampi at masahe ng kamay niya sa mukha ko. Nakakarelax, maginhawa.
"Tayong mga babae, mabilis tayong tumanda at madeteriorate. We shouldn't allow stress to strike us out. Kailangan... lagi tayong maganda. Para kahit nagkaka-edad tayo sa paglipas ng panahon, dapat.... mataas pa rin ang market value natin. Oh dilat na, para ka ng makakatulog eh."
Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at sinalubong ang magandang mata ni Glaiza. I smiled... sweetly.
"Oh, bakit ka nakangiti?" tanong niya.
"Wala lang," sagot ko na ramdam kong pati mga mata ko ay ngumingiti. "Masaya lang ako kasi nakilala kita."
"Ow?"
"Oo promise. Mula ng nakilala kita, nagkakulay ang buhay ko. Alam kong marami akong matututunan sa 'yo at masaya ka talaga kasama."
"Bakit? Wala bang kulay ang buhay mo sa piling ng fiance mo?"
"Basta iba eh. Di ko maexplain."
"Okay sige na, magbihis na tayo at ng makatulog na."Sinuot ko ang pinahiram niyang undies at pantulog. Sumampa na ako sa kama.
"Halika na, tulog na tayo," akag ko sa kanya. She just smiled. "Ano'ng nakakatawa?" asik ko.
"Ikaw."
"Oh...bakit ako? Ano'ng ginawa ko?"
"Para kang bata sumampa sa kama at daig mo pang parang ikaw may-ari ng kama."
"Ha! Ha! Ha! Sorry naman excited lang. Halika na, sumampa ka na rin."Glaiza smiled. Bakit ang ganda-ganda ni Glaiza ngumiti? Umiiba tibok ng puso ko sa tuwing ganyan siya, nakakainis! Pinatay niya ang main na ilaw. Dahan-dahang lumapit si Glaiza at tumabi sa akin. Kinuha niya ang kumot at tinabing hanggang dibdib niya. Pag-kalapat ng ulo niya sa unan ay pinatay na niya ang lampshade.
Inangat ko ang katawan ko at dumukwang sa ibabaw niya. I turned-on the lampshade. Then she turned it off agad.
"Glaiza...hindi ako nakakatulog ng walang ilaw."
"Hindi ako nakakatulog ng maliwanag."
"Eh pa'no ako matutulog? Naman oh!"
"Eh di do'n..."
"Ano'ng do'n?"
"Du'n...du'n ka sa couch matulog, sa labas."Ilang ulit kong niyugyog ang balikat niya. Nakatalikod siya sa akin. "Huuuy!!! Glaiza naman eh...huy!!"
Binuhay niya ang lampshade. "Ha! Ha! Ha! O sige na nga, bisita ka naman eh."
"Ha! Ha! Thanks."Dumeretso ng upo si Glaiza at sumandal sa kama. "Oh bakit?" tanong ko.
"Nawala antok ko eh."
Ginaya ko siya ng puwesto at sumandal na rin ako sa kama. Our blanket covered our laps.
"Alam mo Glai, napanaginipan kita."
"O? Weird. Ano'ng panaginip mo naman, aber?"
BINABASA MO ANG
Of Poems and Flowers (Completed)
FanfictionCredits to: Rome and Juliet My fave les movie July 2016 - Feb. 2017