Chapter 37: Far away

1.6K 104 3
                                    

RHIAN'S POV:

       PARANG pagod na pagod ako. Hindi ko alam kung bakit. Nasaan ba ako? Alam kong nasa kadiliman ako pero samu't-saring pigura ang nakikita ko. Paiba-iba, magulo.

        Nakikita ko ang family kong nagkakasayahan, nagsasayawan sa isang lugar. Umiinom at nagtatawanan. Pero nasaan ako? Bakit hindi ko sila malapitan?

        Sa isang baling ko ng direksyion, nakita ko ang mga kaibigan ko sa iba't-ibang parte ng buhay ko. Mula pagkabata hanggang ngayong nagka-isip ako. Bakit parang hindi nila ako napapansin gayong, andon'n lang naman ako?

       Hindi ko maintindihan. Malabo ang mga lugar pero nakikita ko sila. Napunta ako sa isang bar. Medyo pamilyar. May dalawang babaeng nakasuot ng puti, manipis na manipis at may belo ang isa. Nakita kong ikinakasal sila at nakatayo sa isang entablado habang nagbabasa ng wedding vow ang isang babae. Nakikita ko ng malinaw ang mga itsura nila pero hindi ko sila kilala.

         Para akong napadpad sa isang lugar na hindi ako kabilang. Maya-maya ay nakita ko na ang dalawang babaeng sumasayaw sa isang makalumang tugtog. Makikita ang pagmamahal sa kanilang dalawa. Kumurap ako at nakita ko pa rin sila pero sa isang silid na lang.

        Nasa intimate silang posisyon at nakakadala kung paano nila hawakan at….halikan ang bawat isa. Maya-maya'y napunta na ako sa isang maliwanag na lugar. Ang sarap huminga. Nakita ko ang repleksyion ko sa isang batis pero nagtataka ako dahil bigla akong may naktiang isang babae na nasalamin sa tubig. Nilingon ko siya sa likuran ko at bigla ko siyang niyakap. Malabo ang  mukha pero ang lakas ng kabog ng puso ko. 

           May sinabit sya sa leeg ko na para bang nakasalalay doon ang kabuuan ng buhay ko. Bigla parang nagkaro'n ako ng koneksiyon sa kanya. Na parang may bahagi ako na tangan niya. 

        Nagpaalam siyang aalis. Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya. Nabitawan ko siya at nang pipigilan ko siyang umalis ay walang lumalabas na boses sa akin. Natakot ako.

        "Rhian!"

        Hinanap ko ang alingawngaw na 'yon kung saan nang-gagaling. Hindi ko mahagilap dahil sa pakiramdam kong napakalalim ng pinang-gagalingan no'n. Naramdaman ko ang malamig na ihip ng hangin.

            "Rhian, naririnig mo ba ako?" 'yong pamilyar na boses na 'yon, nasaa'n ba 'yon?  Takbo ako ng takbo para mahanap ang boses ng babaen 'yon. Kailangan ko siyang makita at mahawakang muli.

           Nakita ko na lang muli ang sarili ko sa isang hardin. Umupo ako at napagod kakatakbo. Mula sa kalawakan ay maraming boses na akong naririnig. Nagbubulungan o sumisigaw o nag-uusap, hindi ko maintindihan. Nakita kong mula sa kalangitan ay sumilay ang mukha ng isang babae at inilahad ang kamay niya sa akin. Pilit ko 'yung inaabot. Bigla, dahan-dahan akong dumilat. 

          Hindi ko pa maaning kung sino ang mga nasa paligid ko. Puti, saradong silid, malabong mga titig. Binuka ko ang aking bibig.

          "Tubig. Gusto ko ng tubig."

         Mabilis silang kumilos at pinainom ako ng tubig. Sa pagod na pakiramdam ko, muli akong nakatulog. Nanaginip akong muli pero mapayapa at malinaw na ngayon kumpara sa nauna. Nasa isang hardin akong muli.

           Katulad noong una ay may nakita akong dalawang babaeng mabining nagsasayaw. Nangungusap ang mga mata, may matatamis na ngiting pinupukol sa bawat isa.

          Pumintig ng mabilis ang puso ko. Ako ang isa sa dalawang babae. Pilit kong hinukay sa diwa ko kung sino ang kasayaw ko. Oh, si Glaiza. Ang mahal kong si Glaiza. Asa'n na siya? 

Of Poems and Flowers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon