Chapter 34: Hold On

1.5K 110 10
                                    

GLAIZA'S POV: 

         Umuwi akong laglag ang balikat. Nag-empake ako agad ng gamit. Tinawagan ang lahat na maiiwan ko sa flowershop at sa garden. Nagcheck-in ako sa hotel na pinaka-malapit sa ospital. Titingnan ko kung hanggang kailan ko kayang mamalagi dito. 

         The next day ay kinausap ko si Doctor Suarez, ang attending physician ni Rhian. Depende na raw sa mga kaanak ni Rhian kung hanggang kailan nila gustong lumaban.

         Hindi ako kilala personally ng pamilya ni Rhian kaya malaya akong nakakasilip sa ICU. Ilang araw lang daw ay ililipat na sa regular room dahil hindi na kaya ang gastusin. 

      Sa loob ng apat na araw ay nasa hallway lang ako kung saang floor naka-admit si Rhian. Gusto ko siyang nakikita kahit malayo. Iniiyak ko na lang ang sakit na nakikita ko siya abot kamay pero hindi ko malapitan.

            Hindi ako magkaro'n ng tyempo na pumunta mag-isa dahil laging may bantay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


            Hindi ako magkaro'n ng tyempo na pumunta mag-isa dahil laging may bantay. Minsan, gusto ko ng magpa-kilala pero nando'n si DJ.

         Alam ko ang eskandalo ay kumalat na involve kami pareho ni Rhian at ayaw kong isipin nilang wala akong respeto. Pero bawat araw na lumilipas na gano'n ang itsura ni Rhian puro tubo at tanging makina na lang ang bumubuhay, wala na akong  pagsidlan ng sakit. Para na rin akong namatay.

            Isang gabi ay hindi muna ako tumambay sa ospital. Hapong-hapo ang katawan, puso at isip ko. 

          "Glaiza, nagluto ako ng hapunan. Tarang kumain," alok ni Ate Glyndale. Nagka-usap na kami pareho at tinanggap na niya kung ano ang namagitan sa 'min ni Rhian.

       "Salamat Ate, pupunta ako ng ospital mamaya pagkapahinga after dinner. Maraming salamat sa pang-unawa. Baka mamaya, bukas o sa isang bukas ay dadalawin ko na si Rhian, no matter what. Hindi ito ang panahon ng pride."

          "Sis, wala ka namang intensiyong masama. Puwede ka namang magvolunteer na pumalit sa bantay sa madaling araw. Tulungan na lang."
       "Oo, gagawin ko 'yan."

           That night, alas onse na ng gabi ako nakabalik ng ospital. Nakita kong nasa loob si DJ. Nakaupo at hawak ang kamay ni Rhian. Kahit sa ganitong pagkakataon, karibal ko pa rin siya. Hindi rin siya sumusuko. Alam ko namang hindi basta-basta nawawala ang pagmamahal sa isang tao pero mahal ako ni Rhian, 'yon ang huling alam ko. Lalaban din ako para sa kanya.

          Ilang minuto ang lumipas ay nakasilip lang ako sa isang sulok at inaabangan ang iba pang gagawin ni DJ. Ginagap niya ang kamay ni Rhian at hinalikan. Umiiyak siya. Masyadong nadurog ang puso sa senaryo at parang gusto ko ng umalis. Hinalikan ni Dj ang noo ni Rhian bago tuluyang lumabas. Inayos pa muna niya ang bulaklak sa sidetable. Mabilis akong nagtago sa likod ng elevator. 

          Ilang salit ay naupo akong muli sa hallway. Pumikit at sumandal sa upuan. Inaantok na ako. Sampung minuto nang makita kong ang kapatid niyang lalaki ang pumasok. Naka-uniform pa ito galing sa school. Walang ginawa kundi mag-stretching dahil marahil sa pagod sa maghapon.
 Umupo ito sa couch at pumikit.

Of Poems and Flowers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon