Chapter 17: Daddy's Gift

205 6 2
                                    

Pagkaalis nina Macy at Dianna, nanatili parin si Jillieanne sa kanyang kwarto. Ilang sandali pa ay may kumatok sa pintuan ng kwarto niya.

*Tok-tok*

Jillieanne: Pasok po.

At iniluwa ng pinto ang daddy niyang si Ricky.

Ricky: Ianne anak.

Jillieanne: Dad! Bakit po?

Ricky: Alam ko medyo malungkot ka parin ngayon dahil dun sa puno.

Jillieanne: Dad, wag na po kayo mag-alala, okay na po ako, nakamove on na po ako dun sa puno.

Ricky: Hindi anak, nakikita ko sa mga mata mo at nararamdaman ko na malungkot ka parin. Kaya naisipan kong gawin to at ibigay sayo.

Inilabas ni Ricky ang isang kwadrado na bagay na nakabalot sa malinis na Manila Paper saka iniabot kay Jillieanne.

Jillieanne: (nagtataka) Ano po ito Daddy?

Pagkabukas niya ay bumungad sa kanya ang napaka gandang painting na gawa mismo ng tatay niya. Nakaframe na ito. At ang mas ikinatuwa niya, yung mismong itsura ng sycamore tree na iniiyakan niya ngayon ang nakapinta doon. As in gayang gaya ng daddy niya... Galing diba? XD

Ricky: Kung nawala man yung mismong puno, sana kahit papaano napasaya kita ng painting ko na yan, talagang ginaya ko yung mismong puno para sayo anak.

Jillieanne: Dad, thank you po, gustong gusto ko po talaga, pero hindi niyo naman po kailangang gawin pa to, puno lang po yun.

Ricky: Kahit na, e ayokong nakikita ang anak ko na malungkot e, mahal na mahal kaya kita anak.

Jillieanne: (sweetly smiles) Thank you Daddy, I love you!

Ricky: I love you too anak.

At nagyakapan ang mag-ama.

Ricky: Sabit ko na sa pader mo a.

Jillieanne: Sige po thank you po!!

At pagkatapos noon ay lumabas na si Ricky at naghanda na sa pagtulog si Jillieanne. Habang nakahiga siya sa kama ay may iniisip siya.

JILLIEANNE'S POV

Grabe, saya ng araw na ito, kahit nawala man ang paborito kong sycamore tree, meron parin akong mga bagay na dapat i-treasure sa buhay ko, ang mga taong mahal ko!! Sila na laging nandiyan handang damayan at suportahan ako sa lahat ng bagay. Siguro talaga ngang napakaswerte ko, kasi kahit sinosoplak ako ni Bryann, may mga nagmamahal parin sakin na pwede kong sandalan. Wait..  Speaking of Bryann, talagang napaka lakas ng tama ko sa kanya, hindi lang yata tama e, bagok na ata to.. Napuruhan na ata ako. Kahit ilang beses na niya akong nasaktan, eto parin ako, minamahal siya. Napaka manhid ko nga no? Ngayon ko lang narealize. Wala e, ganun ako magmahal e, sobra sobra. Sana dumating ang araw na mamahalin niya rin ako pabalik. Kahit imposible yun, aasa parin ako na darating ang araw na yun.

END OF POV

================================================================
Wala e, inlababo ang Lola mo, kaya handang magpakamanhid. Tiis tiis na lang.

ksheriemarreyy 💖

Flipped (CharDawn Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon