Chapter 26: The Sweetest Break-up

217 9 1
                                    

Kinabukasan, maganda ang naging gising ng dalawa. Maaga-aga rin silang nakapasok sa Paombong U. Nauna si Bryann ng kaunti at sa pagpasok niya ay bumungad sa harapan niya ang girlfriend niyang si Sheryl at ito'y tila galit na galit sa kanya.

Bryann: Bakit? May problema ba? (medyo cold na tanong niya)

Sheryl: Ikaw! Ikaw ang problema ko!!

Bryann: Bakit? Ano nanaman ba ginawa ko sayo?!

Sheryl: Hindi mo sinasagot lahat ng tawag ko sayo kagabi. Pati sa mga texts ko di ka man lang nagrereply!! Lagi mo na lang akong binabalewala!!

Bryann: Anong binabalewala, busy lang ako kagabi kaya di ko masasagot ang mga tawag at narereplyan ang mga texts mo. Sorry na!!

Sheryl: Sorry, sorry palagi na lang sorry!! Lagi mo na lang akong pinapaasa sa wala!!

Medyo nainis na si Bryann.

Bryann: Ako pa ngayon?!! Ako pa ngayon ang paasa?!! E sino kaya dito yung nangako-ngako na pupuntahan at susuportahan daw ako sa Science Fair pero ano nangyari? Drawing! Drawing lang! Tapos wala man lang pasabi na hindi makakarating o kaya kinamusta man lang ako kung ano na nangyayari sa Fair. E ngayon ka nga lang nagparamdam sakin e. Kung di mo pa sinabi na nagtetext at tumatawag ka hindi ko pa malalaman na may problema ka!! Kung meron man satin ngayon ang nagkulang, hindi ako yun. Ikaw na rin ang nagsabi, na palagi kitang pinapaasa sa wala, na binabalewala lang kita, e paano naman ako? Sa tingin mo ba hindi ako nasaktan? Kung naiinis ka dahil sa iniisip mo na wala akong pakielam sayo, pwes, isipin mo na rin na ginawa ko talaga yun para bawian ka, bawian ka sa pagpapaasa mo sakin.

Hindi na nakakibo pa si Sheryl.

Bryann: Sheryl please, kung ito lang ang isasalubong mo sakin ngayon, mas mabuti na wag na muna tayong mag-usap. Ayokong masira ang araw ko ng dahil lang dito.

Sheryl: Ako pa ngayon?!! Siguro kaya ka ganyan kasi may gusto ka na sa kanya!

Bryann: Kanino?

Sheryl: Kanino pa, edi dun sa nerdy girl na yun!! Yung Jillieanne!! Yung Jologs manamit at hindi kagandahan!! Hindi na nga siya maganda, mang-aagaw pa siya!! Panget na malandi pa.

Bryann: Wag na wag mong lalaitin si Jillieanne!! Hindi mo siya kilala!! Kung meron man senyo dito ang malandi at mababaw ang pagkatao ikaw yun!!

Nasampal naman ni Sheryl si Bryann. At saktong dumating si Jillieanne at nakita ito.. Nagulat siya at nagtago sa gilid para di siya makita ng dalawa.

Sheryl: (umiiyak na) Ang sakit mo ng magsalita a.

Bryann: Masakit? Kasi totoo. Kung nasaktan man kita ngayon, I'm so sorry. Pero ito ang tandaan mo, hindi ikaw ang pinakanasasaktan dito sa relasyon na ito. Hindi ikaw ang binabalewala, hindi ikaw ang pinapaasa ng sobra.

Nagwalk-out naman si Bryann pagkatapos nun at naiwan si Sheryl na umiiyak, hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa galit at sama ng loob. Samantala, si Jillieanne naman ay nandun parin.

Jillieanne: Hala, ano nangyayari sa kanila? Naku, baka kaya maghiwalay na sila, kawawa naman si Bryann. Ano kayang nangyari?

================================================================
Kinahapunan, papunta na sa parking lot si Bryann dahil uuwi na siya. Nang biglang may tumawag sa kanya.

Sheryl: Bry! Babe!

Hindi na sana siya papansinin ni Bryann kaya lang nagpumilit pa siya.

Sheryl: Babe wait!!

Bryann: Ano, sisigawan mo ulit ako? Wag na Sheryl, pagod na pagod na ko gusto ko ng umuwi. (Cold na sagot niya).

Pasakay na sana talaga siya kaya lang nagsalita ulit si Sheryl.

Flipped (CharDawn Version)Where stories live. Discover now