Chapter 42: Mother's Apology

106 2 0
                                    

Nasa kwarto parin niya itong si Jillieanne, maya-maya pa'y may kumatok sa pintuan kaya agad niya itong tinanong.

Jillieanne: Sino po yan?

Trina: Ang Mama mo 'to, mag-usap tayo sandali anak.

Wala namang nagawa si Jillieanne kundi buksan ang pintuan ng kanyang kwarto.

Pagkabukas niya ng pintuan....

Trina: Salamat naman at pinagbuksan mo ko ng pinto anak. Mag-usap tayo, please anak.

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
Nasa kwarto ngayon ni Jillieanne silang mag-ina.

Jillieanne: Ano po ba yun 'Ma?

Trina: Tungkol dun sa kanina, anak patawarin mo sana kami ng Papa mo at nagpataasan kami ng boses kanina habang kumakain tayo.

Hindi naman alam ni Jillieanne ang sasabihin kaya nakatahimik lang siya at nakikinig.

Trina: Pagpasensyahan mo na kami kasi gusto lang naman namin na mabigyan kayo ng magandang buhay. Kaya lang, hindi talaga maiwasan minsan na magkasagutan kami ng Papa mo, kagaya kanina.

Jillieanne: Ma, mahal niyo po ba si Papa?

Trina: Oo naman! Magpapakasal ba kami kung hindi?

Jillieanne: Eh bakit hindi niyo po siya matanggap ng buo?

Trina: Anong ibig mong sabihin anak? (mahinahong tanong niya sa anak).

Jillieanne: Kung talagang mahal at tanggap niyo siya ng buo, bakit hindi niyo po matanggap si Tito Danny?

Hindi naman nakakibo pa si Trina kasi alam niya na Jillieanne made sense.

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖

TRINA'S POV

Pagkalabas ko ng kwarto ni Jillieanne, napaisip ako bigla. Bakit nga ba napakakitid ng utak ko at hindi ko kayang unawain ang kondisyon ng asawa ko at ng kapatid niyang si Danny. Pakiramdam ko tuloy napakamakasarili ko. Tama si Jillieanne, kung mahal mo ang isang tao, dapat tanggap mo ang lahat-lahat sa kanya. Sa kaso ko, hindi iyon ang ipinakita ko... Mas pinapairal ko ang pride ko kaya hindi kami magkasundo ng asawa ko lalo na kanina.... Dapat pala marunong din tayong prumeno kasi parang kotse lang yan, kapag hinayaan mo na mabilis ka lang, may tendency na marami kang mabangga kahit di mo sinasadya at kapag nasa sitwasyon ka na, na may nasaktan ka ng iba, wala ka nang kontrol na balikan at maitama pa ang nagawa mong kasalanan. Nahihiya ako sa anak ko, kung sino pa ang mas nakakatanda at ang magulang siya pa ang makitid ang isipan. Mula ngayon hindi na ko kokontra pa sa gustong gawin ni Ricky kay Danny. Mahal ko siya eh, kaya dapat lang na tanggapin ko ang lahat sa kanya— ng buong-buo.

END OF POV

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
Maraming learnings ngayon from Mama Trina... Kay Papa Ricky kaya? Ano kayang matututunan natin sa kanya lalo na si Jillieanne? And, what's next for the BryJilWard love triangle?
Abangan!

ksheriemarreyy 💖

Flipped (CharDawn Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon