Chapter 29: Box of Eggs

178 5 0
                                    

Kinabukasan, agad na inihanda ni Jillieanne ang mga inorder ni Edward na itlog sa kanya. Gumising talaga siya ng maaga para dito.

Jillieanne: Good morning Chicky!! Good morning Ken!! Good morning Kenny!! Kamusta naman kayo? Hindi ba't kay ganda ng araw ngayon?

Siyempre dahil mga manok sila, hindi sila sasagot kay Jillieanne, bagkus ay tumilaok lang ang mga ito.

Jillieanne: Kailangan ko ng ihanda yung mga inorder ni Edward. Ilan nga ba yun? Ay 50 nga pala, naku medyo matagal-tagal na egg hunt ang gagawin ko dito. Buti na lang walang pasok ngayon.

Nagsimula na si Jillieanne sa page-egg hunt niya at pagkatapos ng halos dalawang oras ay natapos na rin siya at napakarami niyang nakuhang mga itlog, sumobra pa sa inorder ni Edward. Pagkatapos nun ay nag-ayos na siya at agad na umalis para magdeliver ng mga paninda niya. Gamit ang bisikleta niya ay nagsimula na siyang mag-ikot. Huli niyang pinuntahan ang bahay— este mansyon nila Edward.

Jillieanne: Wow, talaga ngang sa mall nakatira itong si Eddie. Grabe ang laki!! Nagkakakitaan pa kaya silang mag-anak dito?

Sakto namang paglabas ni Edward para sana abangan si Jillieanne pero nanduon na pala siya. Tinitigan niya muna si Jillieanne na manghang-mangha sa mansyon nila. Pagkatapos nun ay tinawag na niya si Jillieanne.

Edward: Maha- ay! Ano ba yan Edward, Jillieanne!!

Jillieanne: Eddie!!

Agad na lumapit si Jillieanne kay Edward.

Jillieanne: Grabe, hindi mo naman nabanggit na sa mall ka nakatira. Ang ganda ng bahay niyo— ay mansyon pala, ang laki-laki!! Grabe, nagkakakitaan pa ba kayong mag-anak dito?

Natawa naman si Edward sa mga pinagtatatanong ni Jillieanne.

Edward: Ang cute mo talaga.

Jillieanne: Ano?

Edward: Ah wala, sabi ko oo naman, nagkakakitaan pa kami. Siyempre naman no.

Jillieanne: Talaga? Grabe, ano kaya feeling pag nakatira ka sa ganitong bahay?

Edward: Hayaan mo at ititira kita dyan balang araw.

Jillieanne: Huh?

Edward: Ah wala, wala, sabi ko balang araw makakatira ka din sa mansyon.

Jillieanne: Ikaw Eddie a, kanina ka pa may sinasabi dyan bakit parang ayaw mong sabihin sakin? Ano ba yun?

Edward: Ay, wala! Wala no! (defensive niyang sagot kay Jillieanne)

Jillieanne: Sus, wari ka pa e. O siya, eto nga pala mga inorder mo.

Sabay abot ng 5 bundles ng 10 boxes ng itlog na inorder ni Edward.

Edward: Ay! Salamat!

Sakto namang labas ng Mommy ni Edward.

Bianca: Ed anak! Andyan na ba yung—

Nakita niya si Jillieanne.

Jillieanne: Good day po Ma'am!

Bianca: Oh, you're Jillieanne? Right?

Jillieanne: Ah, opo Ma'am. Nice to meet you po!!

Bianca: Grabe, totoo nga ang sinasabi sakin ni Edward, you're so pretty nga!! Kahit nerdy ang look mo  nakikita ko na napakaganda mong bata. Kaya naman pala inlo-

Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil sumingit na si Edward bago pa man niya masabi ang sikretong matagal ng dala-dala ni Edward kay Jillieanne.

Flipped (CharDawn Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon