Chapter Four : Dark Twins

31.5K 912 57
                                    

HIS GANGSTER QUEEN : Four

FIGHT! FIGHT! FIGHT! ~

CHASE

Isang malakas na suntok ang binatawan ko at tuluyan na siyang bumagsak. Muling naghiyawan ang mga tao sa paligid. Walang pinagbago. Ganito parin ang sistema sa loob ng underground.

Muli akong napatingin sa harap ko nang makita kong tumayo muli ang tinatawag nilang 'leader' kasama ang kanang kamay nito. Hindi pa ba sila pagod? O talagang naghahanap lang sila ng sakit sa katawan? Kahit hirap at pagod ay pinilit parin nilang makatayo at tumakbo papalapit sa akin.

Tsk.

Sila ang naghamon pero hindi nila kayang tapusin ang sinimulan nila? What a weak.

Agad nila akong pinaulanan ng mga suntok at sipa ngunit madali ko lang itong naiiwasan. They're too slow. Nang makita kong tuluyan na silang mapagod ay agad ko silang binigyan ng tig-isang malalakas na sipa. Tulog. Ito ang mga napapala ng puro yabang lang.

The're weak. Akala ko pa naman masisiyahan ako kapag nagpunta ako rito pero ito ako ngayon, hindi manlang pinagpawisan. Lalabas na sana ako sa loob ng stage nang biglang nagringback ang mike at nag-salita ang MC roon.

"Woah~ That was a great fight, King." Sabi nito. Tss, that word. "Pero mukang may naghahamon pa sa ating hari!" Napatigil naman ako sa sinabi niya at muling nag-ingay ang paligid. Meron pa? Buti may naglakas loob. "Wag na nating patagalin pa at tawagin na natin...... The Dark Twinsssss!"

Dark Twins?

Agad namang tumuntong ang dalawang tao sa stage at lumapit sa gitna.

So, sila pala ang Dark Twins. Sa pagkakaalam ko ay sila ngayon ang nasa ikalawang rank sa most strongest gang in the Philippenes. Isang babae at isang lalaki. Walang duda, although I can't see their faces because of their mask but I can sense their strong and dark auras. Napangisi nalang ako. They are dangerous.

Lumapit narin ako sa gitna hanggang sa ilang metro nalang ang layo ko sa kanila. Agad namang tumunog ang bell hudyat na simula na ang laban.

Nagulat ako sa biglang nawala ang babae sa harapan ko at nakaramdam ako ng presensya na papalapit sa akin kaya mabilis akong umikot at lumayo sa pwesto ko kanina. Nakaramdam naman ako ng isang bagay na dumaan malapit sa gilid ng pisngi ko. Tinignan ko kung ano ito at hindi nga ako nagkamali.

Dagger.

Agad akong lumingon sa likod ko at muling umiwas nang may maramdamn muli akong papalapit. Muntik na akong matamaan. Tinignan ko ang babae at nakita kong may hawak pa itong dalawang dagger sa magkabila nitong kamay.

Tumakbo siya papalapit sa'kin kaya ganoon rin ang ginawa ko. Sinalubong ko lahat ang bawat tira niya sa'kin pero lahat naman iyon ay naiiwasan ko. She's fast. Balak niya sana akong saksakin ngunit agad kong nahawakan ang isa niyang kamay na may hawak na dagger pero hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa.

Agad niyang iniikot ang kamay niya dahilan para mabitawan ko siya kasabay ang pag-ikot niya papunta sa likod ko. Malibilis niya akong pinipa sa likod dahilan para mawalan ako ng balanse at isang hiwa ang dumaplis sa kanang braso ko. Hindi ko iniinda iyon at ibinalanse ang katawan upang hindi bumagsak.

Naramdaman ko ang pag-tulo ng dugo ko sa aking braso ngunit hindi ko na ito binigyan ng pansin at muling sinangga ang mga suntok na ibinibigay niya sa akin. This time, nag-simula ng sumuod ang lalaki sa'kin.

Magaling. Mabilis at malalakas ang mga binibitawan niyang mga suntok. Muntik na akong matamaan ng isa pero agad ko namang iyong naiwasan. He gave me punches and hard kicks and I did the same. I don't plan to lose. Bigla naman akong nakaramdam nang isang malamig na bagay na bumaon sa kaliwang braso ko. Dahil sa gulat ay medyo bumagal ako dahilan para matamaan ako ng suntok nitong kaharap ko. Sh*t! I forgot that there are two of them.

Lalong umingay ang paligid. Pinapasakit lang nila ang tenga ko. Nakakainis! Bakit kasi hindi ko naisipang dalin ang dagger–– wait... Agad akong kinapa ang likuran ko at doon nalang ako napangisi nang may mahawakan ako mula roon. Ngayon, mas magiging maganda ang laban.

Agad kong hinugot ang dagger ko at mabilis tumakbo papalapit sa kanila. Mabilis naming gumalaw ang babae at ipinangsangga ang hawak niyang dagger. Mabilis akong umikot papunta sa likuran nila at binigyan ng malakas na sipa ang kakambal nito. Narinig ko ang pagdaing niya na lalong nagpalawak ng ngisi ko.

Nakaramdam muli ako ng papalapit sa'kin kaya agad ko siyang hinarap at ipinansangga ang dagger ko. Mabilis kong inikot ang aking kamay dahilan para matabig ko ang hawak niyang dagger at mabitawan niya ito. Mabilis ko siyang binigyan ng sipa, napalayo naman siya dahil doon. Napatingin naman ako sa kakambal nito na sumugod muli pero bago pa man niya maitama ang kamao niya sa'kin ay agad ko itong pinigilan. Mukang nagulat pa siya at hindi na nakuhang gumalaw.

I twist his fist that made him cried in pain. Muling sumugod ang kakambal niyang babae. Mabilis kong hinila ang hawak kong kamao at pumunta sa likod nito. Sa halip na ako ang masuntok ng kakambal niya ay siya ang natamaan nito.

Nagulat naman ang babae sa ginawa ko kaya kinuha ko itong pagkakataon para mabilis na pumunta sa harapan nito at binigyan siya ng brazilian kick. It's a cut or roundhouse kick mid or low into a higher kick. Tumama ito sa kanyang leeg na agad niyang ikinatumba at dahil hawak ko parin ang kamao nitong kapatid niya ay muli ko siyang hinila papalapit sa'kin at iniikot upang maitalikod ko siya at pindutin ang isang parte sa batok niya dahilan para mawalan ito ng malay.

THIRD PERSON

Mula sa malayo ay tanaw niya ang laban na nagaganap sa gitna ng arena.

Natutuwa siya dahil ngayon lang ulit siya nakatungtong sa loob ng underground at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nandito rin ang taong matagal niya ng hindi nakikita.

Napangisi siya bigla ng makita niyang bagsak na ang Dark Twins.

"Walang pinagbago." Naiiling na sabi nito. "As expected, you became more stronger....

King."

His Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon