Chapter 27 : She

24.7K 747 123
                                    

HIS GANGSTER QUEEN : Twenty-seven

ISANG MALAMIG na tubig ang biglang gumising kay Chesca. Napaupo naman ito ng wala sa oras habol-habol ang kanyang hininga.

"Wake up, sleepy head." tinig ng isa na ikinatawa ng lahat.

Nakangising lumapit ang isa kay Chesca na ikinaatras niya. Hindi katulad ng iba, meron itong suot na mask na natatakpan ang kalahating mukha kaya hindi makita ng dalaga ang itsura nito.

"It's time to meet the queen, lady." sabi nito at marahas siyang itinayo at hinila palabas ng silid na iyon.

Hindi naman maiwasang kabahan ni Chesca sa maaaring gawin sa kanya ng mga ito. Hindi niya rin alam kung sino at kung ano ang kayang gawin ng tinatawag nilang 'reyna'.

Sa hindi kalayuan ay bigla niyang natanaw ang pigura ng isang babae. Nakaupo ito at dahan-dahang tumayo nang siya'y makita. Wala itong suot na maskara ngunit nasa madilim na parte sila ng gusali kaya't hindi niya maaninag ang mukha nito.

Huminto sila sa pag-lakad ilang metro ang layo sa kanila. Bigla siyang itinulak ng taong humila sa kanya kaya wala siyang nagawa kundi mapaupo nalang. Isang malakas na tawa ang pumalibot sa buong lugar na ikinatahimik ng lahat. Dahan-dahan itong nag-lakad papalapit kay Chesca. Rinig na rinig mo ang tunog ng takong nito dahil sa suot nitong pulang killer heels.

Unti-unti na ring naaninag ni Chesca ang mukha nito na halos ikinalaki ng mata niya sa gulat.

"Y-..you?"

sa kabilang banda....

"NAHANAP NIYO na ba ang lokasyon niya?" tanong ni Shin kayna Chris at Rae.

"Not yet." tipid na sagot ni Rae.

"Damn." - Max.

Sina James naman ay nag-hahanda ng mga armas na gagamitin nila.

Matagal narin noong huli silang nag-kasama-sama sa isang mission na katulad nito. Hindi nila inaasahan na muli silang makikipag-bakbakan at lumabang mag-kakasama. Matagal na nilang naisipang itigil ito para narin sa kaligtasan ng pamilya nila ngunit dahil sa tulong ng isa sa kanila ay ito muli sila, gagawin ang lahat para mailigtas ang taong iyon.

"Someone's blocking us from tracking Chesca, fck." sambit ni Chris.

"That's what I think too." pag-sangayon ni Rae sa sinabi nito.

"Maybe it's their system. Yun mga taong dumukot kay Chesca ang may gawa. Hindi nila hahayaang malaman natin ang lokasyon nila." sabi ni Max.

"I think not," sabi ni Rae. "Hindi sila ang gumagawa, may iba pa." sabi pa nito na ikinatahimik nila.

"Kung hindi ang mga taong dumukot kay Chesca then who the fcking hell is that?" inis na tanong ni Chase at napahilot ng sintido niya.

Sumasakit ang ulo niya sa sobrang pag-aalala niya sa kapatid.

Tatlong araw na ang lumipas ngunit hindi parin nila malaman ang lokasyon kung saan dinala ang kapatid nito.

Kung iba ang taong dumukot kay Chesa at mag-kaiba ang taong humaharang sa system nila ibig bang sabihin nito ay may iba pang tao ang gustong kumalaban sa kanila?

"YOU!" SIGAW NI CHESCA sa taong kaharap niya ngayon.

Hindi niya inaasahan na siya ang gagawa sa kanya nito. Hindi niya alam na kaya itong gawin ng isang katulad niya. Hindi niya alam na sa likod ng malaangel nitong mukha ay may demonyong nag-tatago sa likod nito.

"Ha, sino nga bang mag-aakalang kaya mong gawin ang ganitong bagay. At ang kapal din ng mukha mong bumalik pa after ng ginawa mo! Isa kang demonyo!" sigaw ni Chesca ngunit tinawanan lamang siya nito.

Ngumisi naman ito bigla at matalim na tumingin sa dalaga.

"O my gosh, my dear Chesca. Hindi mo na kailangan ipamukha pa sa akin na isa akong demonyo dahil alam ko iyon. And about what happened in the past is already past at wala na akong pake sa kaniya. Ang gusto ko lang ngayon ay ang mapabagsak siya at maagaw ang trono niya." sabi nito at humithit ng sigarilyo at ibinuga sa mismong mukha ni Chesca.

"You know what? Hindi ka naman dapat damay dito pero ito lang ang naiisip kong paraan para lumabas siya kung saan man siya nag-tatago." sabi pa nito. Naguluhan naman si Chesca sa sinabi nito.

"Tss, wala akong maintindihan sa sinasabi mo at kung sino mang tao 'yang sinasabi mo ay HINDI ko siya kilala at hindi ko alam kung bakit ako pa." inis na saad ng dalaga.

Lalong lumawak ang ngisi ng babae sa kanya. "Oh dear, kilalang-kilala mo siya. And why is it you? Because your important to her. Isa ka sa mga taong importante sa kanya at taong pinapahalagahan niya. 'Yung tipong ibubuwis ang buhay para lang mailigtas kayo. That's her."

Hindi alam ni Chesca ang sasabihin niya. Naguguluhan siya sa mga sinabi nito. Paanong naging importante siya sa taong hindi niya mawari kung sino? Iniisip niya kung sino ang maaaring taong tinutukoy nito. Wala naman siyang ibang kilala maliban sa mga pinsan niya, sa kapatid niya, sa mga kaibigan niya. Sa RK and DW'x.

Death Wing'x.

Sa hindi malamang dahilan ay biglang bumilis ang tibok ng puso niya.

'What is this? What is this feel?

Bring her down.

Mapalabas siya.

Get her throne.'

Hindi makapaniwalang isip niya.

'No way. Impossible!'

"Base on your reaction... I guess you already know who she is."

Gulat na napatingala si Chesca sa taong nasa harap niya ngayon. Umiling-iling siya na para bang hindi makapaniwala sa mga nalaman niya.

"N-no... That's... That's impossible! She.. She can't be—"

"Oh, yes. She CAN be." pag-putol nito kay Chesa.

Biglang umihip ang malakas na hangin kasabay nito ang pag-kulog at pag-ulan ng malakas.

"Oh, well I guess she's already here." nakangising saad nito.

Kasabay nito ang isang malakas na tunog na nag-pagulat sa lahat dala ng pag-kasira ng pinto na paw bang sinipa para mabuksan.

Napatingin naman ang lahat sa taong bagong daring except Chesca na sobrang lakas ng kabog ng dibdib. Mas lalo namang napangisi ang babaing kaharap niya.

"Finally! You've come, Black or should I call you on your REAL name?"

-
-
-
-
-
-
-
-
-
-

"Scarlett."

✂ - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - ✂

Author:

Guys! KALMA!

Wag niyo akong madaliin sa next update ko please. Malapit na ang test namin at alam niyo na... busy 😶

So what do you think guys?

Hindi niyo siguro ineexpect na this chapter niyo mababasa muli ang pangalan niya haahaha.

- VOTE - COMMENT -

Let me know your violent reaction.

©ReGenie

His Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon