Chapter Nine : Royals

26.5K 662 53
                                    

Dedicating to KingKy-

HIS GANGSTER QUEEN : Nine

THIRD PERSON

Unti-unting nagdadatingan ang mga mag-aaral ng Royal University at unti-unti naring nagdadatingan ang mga alumni.

Syempre, hindi mawawala sa mga istudyante ang pagpapayabangan dahil sa mga suot nitong magagarang damit. Mga usapan ng pamilya o sa madaling salita, payamanan, pagandahan. Mula sa mga bagong mag-aaral ng R.U, hindi maiwasang mapahanga ng mga ito sa mga nagdadatingan na alumni lalong-lalo na sa ang mga mag-aaral noong batch 20** - 20** o mas kilala bilang sa tawag na Royal Batch.

Tinawag itong Royal Batch dahil ang batch na iyon ang may pinakakakaibang batch sa lahat.

Kilala ang Royal University bilang "elite school" kung saan lahat ng mag-aaral dito ay puro mayayaman o may kaya at galing sa magandang pamilya pero, ang Royal Batch ay ang maituturing na may pinakamayaman na batch sa buong kasaysayan ng R.U. dahil karamihan sa mga ito ay galing sa kilalang pamilya, lalong-lalo na ang mga apilyedong....

Lauren

Santiago

Raymundo

Go

Kwon

Villafuente

Grayson

Park

Browne

Walter

at

Fox.

Mga kilalang pangalan sa Asia at pati narin sa buong mundo.

Lahat ng tao sa loob ng grand hall ay biglang napalingon at napatigil nang pumasok ang apat naggagandahang babae kasama ang apat na naggagwapuhan na mga kalalakihan. Halos ang lahat ay hindi maalis ang tingin sa kanila.

Ang mga babae ay nakasuot ng cocktail dress, ang isa ay nakasuot ng fitted dress, kitang-kita mo ang magandang hubog ng katawan ng mga ito. Ang dalawang lalaki naman ay nakalong-sleeve na tinupi hanggang siko at nakabukas ang unang dalawang bitones at ang dalawa pa ay nakasuot ng shirt na pinatungan ng coat.

Hindi maiwasang mapahanga at ang iba naman ay mapanganga sa akin nilang ganda at kagwapuhan. Simple lang ang mga ito ngunit agaw pansin parin sila. Idagdag mo pa ang pagiging sopistikada ng mga babae at ang matitipunong lalaki. Hindi mo manlang mahahalata na may anak na ang mga ito.

"Grabe. Ang gaganda at ang gugwapo nila shet."

"Sana pinanganak ako ng maaga para naabutan ko pa sila dito."

"Nakakainggit."

"Sabi na sila rin ang magkakatuluyan."

"Wow~"

"They look more beautiful and handsome."

"Fck! Sila ba ang Royals?"

"Bes, sara bibig."

"Nga-nga, men."

"They came."

"The Royals came."

Napangiti nalang ang Royals nang makita nila at marinig ang mga reaksyon ng mga ito. Walang pinagbago.

"It's good to be back."

"Indeed." Chris said and gave Rae a smile.

Agad namang dinaluhan ang Royals at iginaya sa naka-assigned table exclusively para sa kanila lamang.

Ibinansag ang pangalang 'Royals' sa kanila dahil maituturing silang 'Most elite students of Royal University'. Minsan narin nilang pinamunuan ang R.U. o sa madaling salita tinitingala at nirerespeto sila ng mga istudyante rito pati narin ang mga guro. Ginagalang at takot banggain dahil narin sa kaya nilang gawin at impluwensya ng mga pamilya nito. Prince and Princesses ika nga nila at syempre, hindi mawawala ang tinatawag nilang King and Queen.

Speaking of the devil, muling napatigil at natahimik ang paligid nang pumasok naman ang isang tao na alam nila na sa mga myembro ng Royals ay siya ang pinakadelikado at hindi mo talaga gugustuhing banggain. Hindi nila inaasahang makakadalo ito ngayong gabi. Tindig, presenya at ang tingin palang nito ay magbibigay kilabot na sayo. Ibang-iba na ito simula noong huli itong tumapak sa loob ng R.U.

The owner new of the University and the one and only King of Royal University, no other than Chase Walter.

Chase didn't mind the people around him and just walk straightly towards where his friends are, halos lahat ay nakasunod ng tingin sa kanya. Agad umupo si Chase sa bakanteng upuan kaharap ng nakangising si Micky Kwon.

"Akala ko hindi ka na pupunta?" May mapang-asar na tonong nito rito ngunit isang malamig na tingin lang ang ibinigay nito.

"Chill bro! Oo na, tinatamad ka na mag-salita, okay," sinamaan siya ng tingin ni Chase. "Joke lang bro, beast mode agad." Wika ni Micky at nakuha pang bumulong.

"I still can here you, pabo." Chase coldly said.

"Peace bruh." Wika ni Micky at nakuha pang ngumiti at mag-peace sign.

Hindi maiwasang kiligin ng mga babae nang makita ang ginawa ni Micky.

'Tsk. Iba talaga ang kagwapuhan ko pero sorry na lang... I'm already taken.' Sa isip ni Micky at tinignan ang katabi. Ang babaeng pinakamaganda sa paningin niya, Maxxine Grayson- Kwon.

Bumalik na ingay sa paligid at bumalik na rin sa kasiyahan ang mga tao. Nag-simula na ang selebrasyon at nakihalubilo narin ang Royals sa mga istudyante maliban kay Chase, as always. Balak lang sana ng mga ito na um-attend at magparamdam ngunit napilit sila ng isang Alexandra Go, ang isang taong hindi natakot lapitan sila ngayong gabi at ng isang Chesca Walter kaya wala ng nagawa ang mga ito at nakisaya narin. Pagkatapos rin kasi ng gabing ito ay balik na muli sila sa pagiging busy.

Dahil narin sa bagot at ingay ay naisipan ni Chase na lumabas at mag-ikot-ikot sa paligid. Malaki ang pinagbago ng R.U sa mga nag-daang taon, mas lalo itong nag-improve, mas lumaki at mas gumanda. Hindi alam ni Chase kung saan siya pupunta at natagpuan niya na lang ang sarili na katayo at nakatitig sa harap ng isang malaking puno.

"Nandito ka pa rin." Bigla niyang nasabi at napatingala sa isang sanga nito. "Dito ang pangalawa nating pagkikita." Bulong niya sa hangin.

"Dito ang tambayan mo." Lumapit siya rito at umupo sa ilalim nito. Inalala ang mga masasayang alaala na meron sila.

'I wish I could still be with you.'

Biglang lumakas ang simoy ng hangin. Pumikit si Chase at dinama ang malamig na hampas nito sa kanyang balat.

Katahimikan ang namayani sa buong paligid.

Ilang minuto pa siyang namalagi doon nang makaramdam siya ng isang presensya na nagpadilat sa kanya. At isang tao ang hindi niya inaasahan na makikita niya muli rito.

.
.
.
.
.
.
.
.

"Santiago?"



✂ - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - ✂

TRANSLATE:

'Pabo' - 'stupid' (kor.word)

---

Author's Note:

Sorry rin kung dissapointed kayo na hindi si Queen ang nakita niya hahahaha✌ peace bruh.

Sino kaya itong si Santiago?

Boy or Girl?

His Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon