Chapter 31 : The Promise

24.1K 697 35
                                    

HIS GANGSTER QUEEN : Thirty-one

"Is she going to be fine?" nag-aalalang tanong ni Liza kay Chase.

Napabuntong hininga naman si Chase at tinignan siya, "Hope so. Let's give her some time."

Tumango naman ang iba sa sinabi ni Chase at nag-siakyatan na sa kani-kanilang kwarto.

Napahilamos nalang ng mukha si Chase at tinignan ang saradong pintuan ng kapatid.

Tatlong araw na matapos ang pag-dukot sa kapatid niya. Nag-aalala na rin siya dahil tatlong araw ng hindi lumalabas ang kapatid sa silid nito at madalang kumain. Hindi niya alam kung ano ang sinapit ng kapatid dahil mukang na-trauma ito at ayaw mag-salita. May mga natamong sugat si Chesca ngunit mababaw lamang ang mga ito at pagaling na ang mga marka nito sa pulsuhan gawa ng pag-kakatali sa kapatid niya. Pero may isang katanungan ang bumabagabag sa kanya ngayon,

Sino ang tumulong kay Chesca?

Muling napahilamos ng mukha si Chase sa mga iniisip niya. Naalala niya muli ang nadatnan nila noong araw na dapat ay ililigtas nila si Chesca,

"Are you sure that she's here?" tanong ni James kay Chris.

Tumango naman si Chris bilang sagot, "I can't be wrong. WE can't be."

Nag-katinginan naman silang lahat,

"Something seems not right," sambit ni Micky. "Bakit walang mga bantay?"

Kahit naguguluhan ay pinag-patuloy nila ang pag-pasok sa loob ng lumang warehouse ngunit gulat nalang ang naging reaksyon nila nang makita ang loob,

Puno ito ng dugo at mga taong mukang wala ng buhay.

"Are we late?" mahinang tanong ni Chase.

"I think not," sambit ni James nang bigla silang makarinig ng taong umiiyak.

Lahat sila ay napalingon sa lugar na iyon at nanlaki ang mata sa nakita.

"Chesca!" sigaw ni Chase at tumakbo papunta sa kapatid.

Hindi nag-dadalawang isip ay niyakap niya ang kapatid. Lalo namang lumakas ang hikbi nito at ginantihan ng yakap ang kapatid.

"O-oppa..."

"Shh~ everything's will be fine now. You're safe now, oppa is here. Hindi ko na hahayaang maulit pa 'to." pag-tatahan niya sa kapatid.

Kumalas niya ng yakap at tinignan ang kapatid. Puno ng dugo ang suot nito ngunit wala namang makitang sugat si Chase.

"What happened?" biglang tanong ni Chris ngunit tinignan lamang siya ng kapatid at nag-patuloy sa pag-iyak.

"Shh~ may masakit ba sayo?" tanong ni Chase. Umiling lang ang kapatid.

"Then-"

"Ahm, guys," pag-putol ni Shin kay Chase na umagaw ng atensyon nila. Lahat sila ay napatingin sa kanya maliban kay Chesa na nakatungo at umiiyak parin. "Might want to see this, specially Chase."

Nag-katinginan ang apat at lumapit kay Shin.

"Just stay here." sambit ni Chase sa kapatid at lumapit narin sa apat na kaibigan na tila natigilan.

"What?" tanong niya ng makalapit ngunit natigilan rin siya nang makita ang bangkay na tinitignan nila.

"L-lyka?" hindi makapaniwalang tanong ni Chase.

"Bakit nandito....?" tanong ni Micky.

Lahat sila napatingin kay Chesca dahil siya lang ang makakasagot ng mga tanong nila. Ngunit lahat sila nag-panic nang makitang wala ng malay ang kapatid.

Itinakbo nila sa pinakamalapit na hospital si Chesca and Chesca insisted na sa bahay nalang siya mag-sstay pag-kagising nito.

Tumayo na si Chase at kumatok sa pintuan ng kapatid.

"Chesca?" nag-babakasakaling sumagot na ito.

Wala siyang narinig na kung ano kaya bahagya niyang binuksan ang pintuan. Nakita niya ang kapatid na nakatanaw sa labas ng bintana. Kahit alam niyang kailangan nito ng oras ay pumasok parin siya at umupo sa kama nito dahil alam niyang mas kailangan ng kausap ng kapatid niya.

Tinignan siya saglit ng kapatid at tumingin muli sa labas ng binta.

"Can we talk?" tanong niya ngunit walang sagot na dumating. Napabuntong hininga nalang si Chase at akmang tatayo na nang mag-salita ang kapatid,

"I'm fine." sambit ni Chesca ngunit nakatingin parin sa labas.

Tinignan ni Chase ang kapatid, may malalim itong iniisip pero sapat ng malaman niya na okay na ang kapatid. Biglang lumingon sa kanya ang kapatid kaya napaayos siya ng upo.

"Are you missing unnie?" out of blue na tanong ni Chesca.

Napakunot ang noo ni Chase sa biglang pag-tanong nito. Sino ang tinutukoy niya?

"Scarlett."

Tila huminto ang tibok ng puso ni Chase ng marinig ang pangalang iyon. Ito ang unang beses na marinig niya ang pangalan na iyon mula sa kapatid.

"Do you miss her?"

"Very." wala sa sariling sagot ni Chase. Mahina lang ngunit sapat na para marinig ni Chesca.

"What if.... You just find out that she's alive? What are going to do?"

"Just like to you, sis, hindi ko hahayaang mawala ulit siya sa'kin." sagot ni Chase na nag-pangiti sa kapatid.

"Get out now, brother, I'm going to sleep." sambit ni Chesca at nag-lakad na papunta sa kama niya.

"What?" tanong niya sa naguguluhang kapatid, "Oppa, I want rest." sambit niya pa at nahiga na.

"Fine. Sleep well, sis." sambit ni Chase at kinumutan ang kapatid bago halikan ang noo nito at lumabas na.

CHESCA

I sighed.

Gusto kong sabihin kay oppa pero nangako ako.

I'm sorry oppa, but I'll have to keep from all of you that I saw her and she's the one who save me.

His Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon