Chapter 2. Lupa kung buldit.

80 1 0
                                    

CHAPTER 2.

This coming school year, I am going to transfer to a new international school named St.Ezekiel University here in Pampanga because we will stay here for good. Dad decided to continue my school here because it's more practical here than in Canada.

I remember when I was a child, I have a playmate.I'm not sure kung matatandaan niya pa ako, pero ako never ko siyang nakalimutan.Nung bagong lipat kasi kami dito sa Pampanga, syempre hindi pa ako marunong magkapampangan kaya wala akong maintindihan sa mga sinasabi ng mga kalaro ko.

One time nagtanong ako sa mga kalaro ko kung paano magkapampangan.

"Pwedi bang turuan niyo kong magkapampangan?" tanong ko.

"Awa, sige mangutang ka."Sagot nila pero 'di ko naintindihan.

"oo sige magtanong ka." Paliwanag niya.

Paano sa Kapampangan yung " Ang pangalan ko ay Jessie Mae S. Manalo"

Nagbulungan sila, tsaka ngumiti.

"madali lang yan." Dagdag ng isa.

"lupa kung buldit, Jessie Mae S. Menyambut." Sabay apir sa kasama niya.

"Sige, ikaw sabihin mo." Banggit niya.

"lupa kung buldit, Jessie Mae S. Menyambut." Medyo alangang kong sinabi.

"lakasan mo." Dagdag pa nila.

""lupa kung buldit, Jessie Mae S. Menyambut." Pasigaw kong sabi.

Nagtawanan sila nang malakas at hindi ko alam kung bakit kaya nakitawa na lang rin ako.

Maya maya may dumating na isang bata, ngayon ko lang siya nakita pero kilala niya ang mga kalaro ko.

"niloloko ka lang ng mga yan." Bulong niya sa akin.

"umalis na nga kayo." Sigaw niya sa mga kalaro ko.

"bakit mo sila pinaalis? At tsaka sino ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Ako si Ronnie Montero,Ron na lang ang itawag mo sa akin.Pinaalis ko sila kasi niloloko ka nila, mali yung trinanslate nila kaya pinagtatawanan ka nila."Sagot niya.

"huh? Sabi ko na nga ba e kaya parang may mali, ano ba ibig sabihin nung lupa kung buldit, Jessie Mae S. Menyambut."? Tanong ko ulit.

Ngumiti siya at parang pinipigilan niya ang tawa niya.

"uhmm, okay. Ang ibig sabihin nun ay mukha akong pwet Jessie Mae. S. Manalo."

I covered my face with my hands and started to cry,

"Okay lang yan, kung gusto mo ako na lang magturo sa'yo e para di kana nila maloko." Offer niya.

"talaga? Sige basta wag mo kong lolokohin ah." Sabi ko

"ako pa, hindi ko kayang manloko ng tao." Sagot niya sabay ngiti.

Simula non, lagi na kaming magkasama at magkalaro, lagi niya na akong tinuturuan magkapampangan.Natigil lang yun nung lumipat kami ng Manila ulit dahil sa business ni Daddy.

So coming back here is not that hard because I can still understand Kapampangan and thanks God for that.

I searched him on facebook, I added him as a friend I even go stalking.Grabe, ang laki na ng pinagbago niya.He seems famous because a lot of pages were tagged on him featuring his good looks. I also read one of the confessions tagged on him,

"He is Ronnie Alcantara Montero, one of the eligible bachelors in the campus, one of the elite and one of the most talented. Ngitian ka lang niya ay parang kusang lumuluwang ang panty mo, para kang matutumba sa lakas ng presence niya.
Despite of his good looks and gifted talents, he never takes advantage of it.Hindi siya yung typical na badboy, paasa o manloloko.No! he's not like that. Kaya hindi nakakapagtakang maraming humahanga sa kanya sa school nila.At aaminin ko, isa ako sa mga hopya sa kanya."

A couple of minutes passed, may nag pop na notifications sa fb ko.I quickly opened it, thinking na baka ina accept na niya friend request ko. I closed my eyes before tapping the notification tab and slowly reading it.

"Viel Sumera added you to a open group _more likes and followers_"Shitty thingy.

Nagpalipas ako nang one week, tiniis kong hindi magbukas ng ano mang social media account 'ko.Sapat na siguro yun para i-accept niya ko, pag hindi pa din,'di na ako aasa pa na naalala niya pa ako.

Lumipas ang isang linggo, alas nwebe ng gabi, nakahiga na din ako.This is it,the moment of truth.Binuksan ko fb account ko sa phone,kinakabahan ako and I have no idea kung bakit,para din akong naiihi. I have 33 notifications, I scroll up and down to double check.Sa dinami dami ng notif 'ko, wala ang nagiisang hinahanap 'ko.

Naiyak ako, para akong tanga para hindi lang inaccept iniyakan ko na.Umasa lang siguro ako nang sobra, pagod din siguro, di ko din alam.

I tried to sleep but over thinking starts to ruin my night.

"hindi ka na kilala nun,wag ka na umasa,masakit lasang tanga" devil side.

"baka naman busy lang siya kaya hindi nakita friend request mo" angel side.

"Busy? One week yun, it would only take a couple of seconds para I accept FR mo, but he didn't" Devil side.

"Alam mo may point ka." Angel Side

"ganito na lang, I pm mo siya.Last move mo na 'to pag di pa din, tumigil ka na." Angel Side

"pwedi din, basta wag ka masyado umasa." Devil Side.

Alas dos na ng madaling araw, I sent him a message.

Jusko!

Para sa ikatatahimik ng utak ko at sa ikakatulog ko.

"Hi Ron, lupa kung buldit Jessie S. Menyambut. Rememeber me? Pasensya na, alam ko late na pero nag istorbo pa din ako. I sent you a friend request. We've been friends once upon a time naman diba? Yun lang.Good night!"

Sent 2:23 am

Tama ba tong ginawa 'ko? Parang napaka desperada 'ko naman.

Ay! bahala na, pagod na kong mag isip pa.Nag fb muna ako para di ako mag overthink ulit, tsaka para magpa antok. Sige, scroll up,scroll up.

Hanggang sa nararamdaman kong bumibigat na ang aking mga mata, papikit na sana,ngunit may status na pumukaw sa aking atensyon.

"Matulog ka na! Maaga ka pang aasa bukas!" posted just now.

Sign na siguro 'to para matulog na 'ko,niri-realtalk na 'ko e.Tinabi ko ang phone ko sa may uluhan at natulog na.

Nang magising ako, kapa agad ng cellphone sa may uluhan,tingin sa oras. 9:50 na.Tas pumikit ako ulit.Naalala kong bigla yung ginawa ko kagabi, kaya dali dali kong binuksan fb ko to check kung nag response na siya.

May nag pop sa messenger ko kaso walang picture, ang bagal kasi ng internet,

Loading...

Shaira Cruz.

"Jes! Next week na pasukan, May mga requirements ka na ba? Para makahabol ka sa enrollment.Sasamahan kita sa school namin.Puntahan kita sa inyo mamaya."

Napabuntong hininga ako ng malalim sa pagkadismaya, akala ko si Ronnie. Maybe he's really busy or he's on a vacation. Maybe I should stop reconnecting with him; it seems that he doesn't care anymore. Maybe I shouldn't expect anything, isa lang naman akong kaibigang kahapon.

Maybe he didn't just recognize me or maybe he doesn't know me at all. Maybe he has his reasons. I don't know but why I'm feeling like I'm broken? The hell.

A/N.
Yes po, kapampangan po ako. Hello sa mga Cabalen!

Shattered Heart.Where stories live. Discover now