Chapter 9

5.2K 128 12
                                    

Sa silid nila Kasandra...

"Hindi ata ako makakatulog sa sobrang excited."

"Buti ka pa nga, e ako maaga pa lang pupunta na kami doon sa mansyon ni Gobernor Raul para mag ayos e."

"Nakikinikita ko na mapapaibig sa akin si Leandro."

"Sabihin na natin na magkagusto sya sayo, pero kapag nalaman na anak ka lang ng katulong at driver baka iwanan ka kaagad, at lalo na pag nalaman ng mga magulang nya.

"Ipaglalaban ako ni Leandro, sya na ang bahala doon."

"Ibang klase talaga ang pantasya mo Kasandra."

"Maniwala ka lang sa akin, tingnan mo na lang."

"Sige na nga."

Maya maya'y pumasok ang mayordomang si Elsa.

"Hoy mga bata mag situlog na kayo at maaga pa tayo bukas!"

Sabi ni Elsa, na nasa kabilang kama.

"Matulog na nga tayo." Naghihikab na sabi ni Luna.

...

Sa kuwarto naman ni Beatrice.

Pinagmamasdan niya ang larawan ni Leandro

"Ako kaya ang isasayaw mo, ako kaya ang pipiliin mo, bakit ako kinakabahan? Mahal kita Leandro, handa na ako na makaharap ka."

Maya maya lang ay humara ito ng salamin, napansin na may tumubong butlig sa kanyang mga braso at ilan sa kanyang mukha,

"Ano ito?"

Pinagmasdan nyang mabuti, natakot siya ngunit hindi nya ininda ito, naisip nya dahil siguro sa pinahid nyang gamot. Hinaplos nya ang larawan at hinalikan ito.

Kinabukasan, abala ang lahat sa pag aayos ng mga dekorasyon sa malaking hardin ng mansyon ni Gobernor Raul Montero.

..............

Sa kwarto ni Beatrice...

"Beatrice mag handa ka na,"

"Opo mama, mag uumpisa na po ako mag ayos."

Nakita niya si Kasandra na nilalapat ang gown sa kanyang katawan, nakabalot ang katawan ni Kasandra kaya hindi pansin ang kanyang pagbabago.

"O bakit nagsusukat ka ng damit Kasandra? Beatrice ano ibig sabihin nito?

"Mama hayaan mo na makadalo si Kasandra para maranasan niya maka dalo sa The Night to remember, matagal na niya pangarap makadalo doon mama."

"Ano?!"

Nakayuko si Kasandra at hindi makatingin kay Donya Martina.

"Mama kung hindi sya makakasama ay hindi na ako dadalo sa kasiyahan, wala akong kakilala doon, gusto ko ng may kausap mama, pagbigyan niyo na po ako, wala naman po ako ibang kaibigan."

"Hmm o sige pumapayag na ako, pero ikaw, alalayan mo si Beatrice naiintindihan mo ba?"

"Opo Senyora Martina."

"Beatrice halika!"

Tinawag nya ito sa labas ng kanyang silid.

"Bakit po mama?"

"Hindi kami makakasama ng iyong ama, dahil biglang tumawag ang kanyang kapatid, may karamdaman ito at Ang iyong ama ang gagamot sa kanya, at kailangan ko ding sumama sa Maynila,"

"Ah ganon po ba,"

"Kaya ikaw na ang bahala magsabi kay kuya Raul, hindi ko na sya tatawagan, sayang at hindi kami makakadalo, ang Tiyo Raul mo ang bahala sayo kaya huwag ka mag alala."

The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon