Chapter 30

1.9K 59 1
                                    

Makalipas pa ang isang oras ay lumabas ng silid sila Mila at Belen

KARIO: Magandang umaga sa inyong lahat, kailangan na nating umalis, sampung
oras ang biyahe papuntang Santa Barbara, hindi tayo dapat abutan ng gabi sa
daan, kaya kailangan na natin umalis agad.
LUCAS: Oo dapat na tayong umalis.
BELEN: Kukunin ko sandali ang mga damit natin sandaling sandali lang ako.
ADEL: Nanay sasama ako sa inyo.
BELEN: Halika na magmadali na tayo.

At kinuha na din nila Mila at Hazel ang kanilang mga damit.

MILA: Kayong dalawa sigurado ba kayo na sasama kayo!
PATRICK: Opo.
MILA: Pero natatakot ako para sa inyo baka kayo madamay sa nangyayari
sa aming pamilya.
PATRICK: Bahala na po, gagawin ko po ang lahat para kay Hazel, lahat ng
maitutulong ko, gusto ko syang iligtas.
JASPER: Ganon din po ako.
Makalipas pa ang ilang sandali .

KARIO: Nakahanda na ba ang lahat?
MILA: Oo, nandito na mga kailangan natin.

Lumabas silang lahat ng bahay at sumakay sila sa van ni mang Lucas.
Makalipas ang ilang oras ng biyahe , nasa Sta Barbara na sila

HAZEL: Nasa Sta. Barbara na tayo!
BELEN: Bilisan mo Lucas mag didilim na!
LUCAS: Heto nga at binibilisan ko na, na trapik pa tayo sa Maynila kanina,

Maya maya ay biglang kumagat na ang dilim Habang bumabiyahe sila ay biglang may sumilip, sa kanilang sasakyan, nagsigawan sila sa takot, kinakalampag ang kanilang sinasakyan..

ADEL: Ahhh,!!" nagsisigaw si Adel..
CARMEN: Sindihan ninyo mga kandila madali!!"
BELEN: Manalangin tayo hanggang makarating tayo sa Santa Barbara.

At sabay sabay silang nanalangin.

At maya maya ay nawala ang mga ingay. Nasa Santa Barbara na sila at malapit na sila sa dating bahay nila Adel. Hininto ni Lucas ang van sa tapat nito.

LUCAS: Bilisan ninyo ang pagbaba at pumasok agad ng bahay.
CARMEN:At huwag ninyo papatayin ang mga kandila.
LUCAS: Ako na ang unang bababa at kakatok ako ng pinto, kapag nakita
ninyong bukas na ito bilisan ninyong pumasok.
BELEN: Mag iingat ka Lucas.

The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'Where stories live. Discover now