Chapter 13

4.6K 132 4
                                    

Kinuha ni Aurora ang lahat ng kanyang mga kagamitan at umalis na ito, naiwan niya ang bag ni Kasandra.Pagka alis ni Aurora.

"Anong gagawin natin ngayon manang Elsa?"

"Ipapagamit  ko itong benditas na ito kay Beatrice para manumbalik ang kanyang kaanyuhan,"

"Pero isang talutot lang yan, may talab kaya?"

"Malalaman natin kapag nagamit na ito ng senyorita,"

"Saan kaya nakuha ni Kasandra yan?" nagtakakang sabi ni Luna.

"Si Aurora siguradong alam nya ito, ngunit imposibleng sabihin nila sa atin ang tungkol dito,"

           Samantala sa mansyon nila Leandro.

Nakita ni Nando na nasa swimming pool sila Kasandra at Leandro na naglalambingan..

Napatingin sa kanya si Kasandra at tinawag niya ito sa pamamagitan ng kanyang mga mata. Nagpa-alam sandali si Kasandra kay Leandro.At nilapitan niya ang kanyang ama.

"Anong ginagawa mo dito? Ilang araw na kitang nakikita dito pero hindi kita matyempuhang lapitan?"

"Tay, kami na ni Leandro!"

"Yan nga ang gusto kong itanong sayo, papano nangyari yon?"

"Huwag na ninyo akong tanungin mahabang storya, hindi ba kayo masaya para sa akin?"

"Pero papano kung malaman na anak kita?"

"Kaya manahimik kayo tay, huwag niyo na akong lapitan, ako na bahala sa sarili ko!"

At tumalikod na si Kasandra..

Nagpatuloy ang kanilang lambingan sa swimming pool, nakatingin sa kanila si Sylvia mula sa terrace ng kanyang silid. Nagseselos sya kay Kasandra, pag nakikita siya ni Kasandra na nakatingin ay lalo siyang iniingit nito, kita niya ang mga mata ni Leandro na mahal na mahal nito si Kasandra, mula ng dumating si Kasandra ay hindi na niya malapitan si Leandro.

...

            Isang araw nagpapahangin sa hardin si Sylvia, nilapitan sya ni Kasandra, alam niyang may gusto ito kay Leandro, naalala niya ang kuwento ng kanyang ina na hindi ito ang tunay na ina ni Leandro.

"Mama, magandang umaga sayo," nakangiting bati ni Kasandra.

"Mama? Pwede ba huwag mo akong tawaging mama!" singhal ni Sylvia.

"E di huwag! Alam ko na may pagtingin ka kay Leandro!" biglang sambit ni Kasandra.

Nanlaki ang mga mata ni Sylvia.

"Anong sinasabi mo?"

"Alam ko lahat ng yan, madalas kitang mahuli na nakatingin kay Leandro at halatang nananabik ka sa kaniya, pero pasensya na po at mas kaakit akit ako sa'yo!"

"Walang hiya ka, ang lakas ng loob mo sabihin sa akin yan, gusto mo palayasin kita dito?"

"Baka ikaw ang palayasin ko!"

Sa galit ni Sylvia ay sinampal niya si Kasandra at sinabunutan nya ito.

"Lumayas ka dito babae ka, lumayas ka!"

Tinulak naman ni Kasandra si Sylvia at nadapa ito sa sahig.

"Hoy babaeng laos at matanda na! layuan mo si Leandro , akala mo hindi ko alam na kalaguyo mo si Mang Nando nakita ko kayong naghahalikan, o ano ka ngayon, hindi mo maaaring ipagkaila yan, makati kang matanda ka!"

Tumayo si Sylvia at akmang sasampalin niya si Kasandra nang biglang dumating si Leandro.

"Anong kaguluhan ito, mama tama na yan!" Sabi ni Leandro at tinabig ang kamay ni Sylvia na padampi sa mukha ni Kasandra.

The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt