Chapter 28

2.6K 84 8
                                    


Naglakad ang magkakaibigan papuntang stasyon ng tren at sila ay sumakay
Habang nakaupo sila sa loob ng tren ay narinig nila ang himig ng piano.

ADEL: Hazel naririnig mo ba ang naririnig ko.

HAZEL: Oo, anong gagawin natin bumalik na ang sumpa,
Adel anong gagawin natin?

PATRICK: Ano ba mga pinag sasabi ninyo, huminahon naman kayo, please.

JASPER: Oo nga , cool lang kayo, nandito kami.

Maya maya ay may nakita sila sa kanilang paanan na paa ng isang estatwa at ng tumingala sila ay nakita nila ang estatwa ni Kasandra na nakatingin sa kanila at mas lalo silang kinilabutan ng tinuro ni Kasandra ang kanyang daliri sa kanila, nagsisigaw ang dalawa sa sobrang takot ngunit walang boses na lumalabas sa kanila. at humawak sila kina Patrick at Jasper, at nagtakip ng mga mata..

JASPER: Adel ano nangyayari sa inyo.?

Napapatingin ang mga tao sa kanila.

HAZEL: Si Kasandra! si Kasandra nandito na sya, tinuturo nya kami!!"

Maya maya lamang ay biglang nawala si Kasandra.

HAZEL: Adel , wala na!!.

Inalis ni Adel ang kanyang mga kamay sa kanyang mga mata.

ADEL: Hazel papano gagawin natin, tiyak masusundan na nya tayo!

PATRICK: Ano ba mga pinag sasabi ninyo?

JASPER: Pinagtitinginan na tayo dito.

Huminto ang tren sa isang estasyon at sabay sabay sila bumaba, nag, mamadali si Adel at Hazel..

PATRICK: Teka, hintayin ninyo kami.

Paglabas nila ng stasyon

JASPER: Ano ba nangyari?

ADEL: Nakita namin yung estawa nag uumpisa na naman ang sumpa!

HAZEL: Nakita na nya kami!

Napansin ni Jasper na namumutla sa takot ang dalawa.

JASPER: Dyan muna kayo bibili ako ng tubig sandali lang.

At nagpunta ito sa tindahan, sa loob ng stasyon.

JASPER: Pabili nga po dalawang mineral water.

At iniabot kay Jasper ang dalawang bote ng mineral water..pagbalik ni Jasper sa mga kaibigan ay bigla siyang napahinto, may nakita siyang babaeng estatwa sa likod ni Hazel, at nang lalapit na sya ay biglang nawala ito, nangangatog sa takot si Jasper na lumapit..

JASPER: Uminom na muna kayo ng tubig.

Uminom agad ang dalawa at ng matapos uminom ni Adel ay inagaw nya ang natirang tubig nito at sya ang uminom.

PATRICK: Bakit, bakit para ka rin nakakita ng multo?

JASPER: May nakita akong babae na estatwa sa likod nyo, pero nung lalapit
na ako biglang nawala!

PATRICK: Ano ka ba naman Jasper , lalo mo naman sila tinatakot nyan.

JASPER: Totoo nga, hindi ako nagbibiro!!

Lalong kinabahan ang dalawa.
Pagkauwi nila sa kanilang compound ay nadatnan nila si Kario na nakatayo sa compound at naninigarilyo ..

HAZEL: Itay mano po!

"Magandang gabi po " bati ng tatlo.

HAZEL: Itay pumasok na tayo sa loob ngayon na!

Hinila nya papasok ng pinto ang kanyang ama at nakasunod si Patrick.

ADEL: Sandali lang Hazel tatawagin ko sila, babalik agad kami,
tara na Jasper samahan mo ako sa amin.

Pagpasok sa loob ng bahay.

KARIO: Bakit?, ano ba nangyari!?

HAZEL: Itay?! Itay nagpakita na ulit si .. si ...!

KARIO: Sino ?!

HAZEL: Si Kasandra!

Nanginginig sa takot na sinabi ni Hazel.

KARIO: Ha? Papano nangyari iyon?

HAZEL: Nakita ni Adel si Mang Berto at nakasalubong ko sya, at ng lumipas
lamang ng ilang sandali ay nagpakita sa amin si Kasandra, narinig na naman sa
amin ang himig ng piano! nasundan nya si mang Berto itay!!"

KARIO: Si Berto yung kapatid ni Lucas?

HAZEL: Opo.

Dumating si Mila mula sa silid.

MILA: Mabuti at nandito ka na kanina pa ako nag aalala sa'yo!

KARIO: Mila, halika dito may problema!

MILA: Ha ano yon?

KARIO: Nakita nila si Berto yung kapatid ni Lucas at nasundan na sila nung
Estatwang kinakatakutan nating lahat.

MILA: Ano? Panginoon ko , anong gagawin natin?

MILA: Ano? Panginoon ko , anong gagawin natin?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon