Chapter 24

3.7K 117 7
                                    

Nagpunta sila sa Kainan nila Adel malapit sa school.Umorder sila ng soft drink at sandwich at naupo sila sa isang sulok ng kainan.

ADEL: Alam nyo nanaginip ako kagabi.
JASPER: Ano naman ang napanaginpan mo?
ADEL: Hanggang ngayon hinahanap pa din nya tayo.
HAZEL: Panaginip mo lang yan, wala na yun Adel.
JASPER: Sino?
ADEL: Yung estatwa.
PATRICK: Bakit ba lagi niyo pinag uusapan yung estatwa na gumagalaw, totoo
ba talaga yon?

ADEL: Oo totoo yun kaya kami nandito sa Maynila, taga Santa Barbara kami.
JASPER: Nagtatago kayo sa multo hahaha!
HAZEL: Huwag nyo nga kami pagtawanan totoo lahat yan, hindi naman
kami pupunta dito sa Maynila kung hindi totoo yun eh.
JASPER: Totoo ba yung mga ganyang kwento pang pelikula lang yan eh!
PATRICK: Teka may kumakalat ngayon sa social media at sa internet tungkol sa
Estatwa , hindi nyo ba alam?
ADEL: Ano?
HAZEL: Hindi kasi ako nag iinternet ngayon eh,
PATRICK: Kanina bago tayo pumasok nag internet ako at nakita ko yun,
teka mag oonline ako sa iphone ko.
Kinuha ni Patrick ang iphone at binuksan ito,

HAZEL: Patingin nga.,
PATRICK: Yung picture lang ang nakita ko pero hindi ko nabasa ang article.
ADEL: Patingin nga dali!

Nag online si Patrick sa kanyang iphone at nakita nya ito, at kanyang pinakita sa kanila.

PATRICK: Ito yun o, tingnan ninyo!

Kinilabutan sina Hazel sa kanilang nakita.

HAZEL: Adel sya nga!, ayoko na makita yan u..uwi na tayo ,ayoko
makita yan.
Tiningnan ni Adel
ADEL: Yan nga, Hazel natatakot ako baka magpakita ulit sa atin Hazel ano
gagawin natin.
JASPER: Teka huminahon kayong dalawa ano ba?
HAZEL: Pero Adel, hindi sya magpapakita wala naman sumusunod sa atin
na kamag anak na galing Sta. Barbara. Hindi nya alam kung nasaan tayo.
JASPER: Oo nga Adel, huwag ka na matakot nandito ako, sino ba ang nag post
ng larawan na yan Patrick?
PATRICK: Mga estudyante mga taga Maynila din, tingnan mo itong isa kasama pa
nya sa larawan ang estatwa na ito o, at ito naman groupie pa sila, lima pala
silang nag trip pumunta doon. tsk tsk tsk, delikado! Pero bago pa mag post itong mga ito,
ay may mas nauna na, mga Kano yung unang nag post.

ADEL: Ano mas may nauna pa sa kanila?
PATRICK: Oo, nung nakaraang buwan lang ang nakaraan.
teka hanapin natin sa google.
Tinipak ni Patrick ang kanyang Iphone at nakita nya ulit ang estatwa na kauna unahang na ipost.

PATRICK: Eto o, tingnan ninyo, mahigit isang buwan yan, ang pangalan nya Marcus.
HAZEL: Naku, nagkabilugan na nung nakaraang lingo, siguradong wala na sila.
ADEL: Oo nga nakaka awa naman sila.
PATRICK: Eh itong mga bagong nag post? Mawawala din ba sila? Nakalagay dito   
             "uploaded 8 hours ago".
HAZEL: Oo, kailangan masabihan sila kung hindi ay mawawala sila sa kabilugan ng
buwan, kukunin sila ni Kasandra, Adel kailangan natin sabihin sa kanila.
JASPER: Ano ba mangyayari sa kanila sa paglapit nila doon?
ADEL: Magagaya sila sa amin, magpapakita sa kanila tuwing gabi at kukunin
sila sa kabilugan ng buwan.

Tiningnan nya ulit ang post at may nakita si Patrick.

PATRICK: Naku meron na naman na ibang grupo ang nag post, may kuha din
sila nung estatwa tingnan ninyo ito? mga foreigner din.
HAZEL: Siguradong nakita nila ito sa internet kaya nila ito pinupuntahan.
JASPER: Oo nga, gusto ko nga din makita eh hehe para malaman ko kung totoo!
ADEL: Huwag ka magbiro ng ganyan Jasper.
JASPER: Hindi ako nagbibiro, gusto ko talaga puntahan yan, mahilig ako mag
ghost hunting.
ADEL: Tumigil ka na nga Jasper.
HAZEL: Kawawa naman ang mga taong yan, Adel dapat I message natin na
maglakad din sila ng patalikod at umalis na sila kung saang lugar sila, para hindi
sila masundan ng sumpa.
ADEL: Pero baka hindi maniniwala sa atin yung mga yun,.
HAZEL: Oo nga no, pero message na rin natin, Patrick akina ang iphone mo ako na ang mag me message sa kanila.

Nag iwan ng message si Hazel sa mga nag post.

HAZEL: O ayan nasabi ko na, sana paniwalaan nila ito, dahil kung hindi
kawawa naman sila.
JASPER: Ang importante ligtas na kayo.
ADEL: Sa ngayon lang Jasper pero hindi pa kami nakakaligtas.

The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon