10

4.6K 175 10
                                    



Ala-una ng tanghali nang lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Althea mula Canada.

Sinundo sya sa airport ng matalik nyang kaibigan na si batchi.

"tsong!!! na miss kita!" wika nito sabay yakap kay Althea.

"na miss din kita, batch!" sagot naman niya.

"tara, tara, dun ako nag park sa medyo malayo. tulungan na kita dito." sabay hila sa dalawang maletang bitbit ng kaibigan.

-


"hindi mo pa rin napapalitan tong kotse mo." pang-asar ni Althea ng makaabot sila sa sasakyan.

"hindi mo pa rin napapalitan yang pagka mapanlait mo!" balik naman sa kanya.

nagtawanan ang mag kaibigan habang nilalagay ang mga bagahe ni Althea sa trunk ng sasakyan.

nang makapasok na sila sa loob...

"ok, so, san tayo?" tanong ni batchi habang nagmamaneho palabas ng parking lot.

"kain muna tayo, sa MOA."

sabay preno ng malakas ni batchi.

"woah! wait lang, awat! agad-agad, thea?"

"eh gusto ko na sya agad makita. yun yung nasa instagram ni sally, diba? patingin nga." sabay lahad nito ng kamay para hingin ang cellphone ni batchi.

"ayan althea, kaya ka bino-block nung tao e. tsaka akala ko ba may plano ka ha?!"

"trust me batch, parte ito ng plano ko."

"may plano bang inuurada? eh papano ka makakalapit sa shoot, sige nga? bawal ka dun. makikilala ka ng mga staff. at itong mga gamit mo? di man lang ba natin ihahatid to sa Runners?"

"sa unit namin ako uuwi."

"hoy althea! mag kape ka nga para kabahan ka kahit kaunti."

"basta mag drive ka na lang dyan, ok?! dami mong tanong. ano pala info kay mama amanda?" iritang tanong ni Althea.

"ay tsong, tama hinala mo. hindi pa nga alam."

"good job."




flashback

sinundan ni batchi ang mama ni jade habang nag grogrocery at kunwaring binangga ang cart nito.

"oh my! naku sorry po! ok lang po ba kayo?"

"ok lang ako, iho. pasensya na rin."

"ay mam. diba kayo po yung mama ni jade tanchingco?"

"oo, ako nga. kakilala mo pala ang anak ko?"

"ako po si batchi, classmate nila ni Althea nung high school."

"ah ganon ba." pa tango-tango namang sagot ni amanda.

'parang hindi ko naman maalalang kaibigan ito ni jade. ah! baka ni althea. kasi kapareho nyang bihis lalaki.' natatawang isip naman ng matanda.

"kamusta na po sila?" tanong ni batchi na naka cross fingers. :)

"ayos naman sila. hindi nga masyadong nakakadalaw at busy daw masyado sa trabaho. oh sige iho, mauna na ko sa'yo ha" paalam nito.

Stay with meOnde histórias criam vida. Descubra agora