16

5.2K 193 34
                                    


Dalawang linggo na ang nakalipas mula ng nag birthday si Althea.

Sa loob ng dalawang linggong yun, halos hindi sya umaalis sa tabi ni Jade.

Asikasong asikaso nya ito mula sa paghahanda ng almusal sa umaga hanggang sa pagsundo galing trabaho sa gabi.

Paminsan minsan ay pumupunta pa rin sya sa Runners habang na sa trabaho si Jade pero para asikasuhin na lang ang nalalapit na pagbenta nya ng bar na ito.

Ginagawa ni Althea ang lahat para mapatunayan kay Jade na nagbago na sya.

Hindi rin naman sya nahihirapan dahil sa gusto nya ang ginagawa nyang pagsuyo sa love nya.

Medyo nahihirapan nga lang syang sundin ang first rule ni Jade lalo pa't magkatabi silang natutulog tuwing gabi.



Last Night...


Nakahiga na sila sa kama ng magkayakap.



"how was your day, love?" tanong ni Althea kay Jade.


"sobrang nakakapagod, love. ang ganda lahat ng shots ni Kathleen. nahirapan kaming pumili ng gagamitin sa print ads. eh ikaw?"


"well, not good. kinausap ko yung mga partners ko sa Runners. sinabi ko sa kanila na ibebenta ko na ang shares ko. they're not happy about it." sambit ni Althea habang inaalala ang negosyong matagal nyang minahal at inalagaan.


"hhmmm... eh ikaw, what do you feel about it?"


ganito na ang naging takbo ng pagsasama nila ngayon. lahat ng bagay ay pinaguusapan nila.

wala na silang tinatago sa isa't-isa kaya masayang masaya si Jade dahil nakikita nyang honest na si Althea sa kanya and open na sila sa isa't-isa.


"sad pero ok lang. ganon talaga. life must move on. I'm set for greater things now, diba?" ngumiti ito kay Jade.

"love, kung ayaw mo i let go ang negosyo mo, nasasayo naman yan." mahinang sagot naman nito sa kanya.

"ok nga lang. ano ka ba. maybe I just need some cheering up, you know." sabay taas baba ng kilay nito at malapad na ngiti.

"hay na ko althea, matulog na tayo. goodnight." at tumalikod naman si Jade sa kanya pero lalo pa nyang hinigit ang pagkakayakap dito.

"love naman eh.." paglalambing ni Althea.

"ano?"

"hindi mo ba na mimiss?" bulong nito malapit sa tenga ni Jade na nagpatayo sa balahibo ng huli.

umikot naman si Jade paharap balik kay Althea.

"honestly, yes. of course I do. pero hindi pa ko ready. I want to make love to you pag wala na lahat ng sakit dito." sabay turo nito sa kaliwang dibdib nya.

"I'm sorry love. I understand. take all the time that you need." sabay halik nito sa noo ni Jade.


Sa totoo lang, more than enough na kay Althea na binigyan pa sya ng isang pagkakataon ni Jade.


Stay with meWhere stories live. Discover now