Chapter 2

3.5K 111 4
                                    

Chapter 2

Halos past six na rin ng hapon ng lumabas ng opisina si Striker at hindi nya akalain na sa paglabas nya ay si Angela na naman ang makikita nya sa labas ng buiding.

"Good afternoon ser! kanina pa po kayo hinihintay ni Ms. Beautiful." sabi ng guard. Ng tumingin sya sa gawi ni Angela ay nakita nya itong mabilis na naglalakad para salubungin sya.

"Hi Striker! Na-miss kita!" masiglang bati sa kanya ni Angela pagkalapit nito sa kanya.

"Pasensya na ser isang oras naghintay sa labas ang gerlprend nyo hindi po kasi pwede magpapasok dito ng outsider, bawal kasi tapos wala rin syang dalang ID." sabi ulit ng guard.

"Okay lang po Manong, ako na pong bahala sa kanya. Salamat po." sagot ni Striker.

"Sige po ser, ingat po kayo." saka lumabas si Striker ng building kasama si Angela. Masaya naman umangkla sa braso ni Striker si Angela habang naglalakad sila.

"Ang kulit mo talagang babae ka." ngiti lang ang sagot sa kanya ng dalaga.

"Umuwi ka na at uuwi na rin ako." masungit nitong sabi.

"Ihahatid na kita,baby pero mas maganda siguro kung mag-di-dinner tayo sa labas, treat kita!" sabay hawak sa kamay ng binata. Nagsalubong na naman ang mga kilay ni Striker.

"Hindi ko ako kailangan ihatid, kaya kong umuwi mag-isa at hindi ako mag-di-dinner kasama ka." saka tinanggal ang pagkakahawak ni Angela sa kanya at dumiretso ng paglalakad papunta sa nakaparadang kotse nya. Sumunod pa riin ang dalaga.

"Eh di sasabayan na lang kita pag-uwi o kaya ipagluluto na lang kita ng dinner." pangungulit nito at humawak ulit sa kamay nya.

"Tss! Hindi ba malinaw sa iyo na ayaw ko na kinukulit?! saka di ba sabi mo nanliligaw ka eh bakit kung makahawak ka sa kamay ko parang sinagot na kita?!" bigla naman napabitaw sa kamay si Angela saka ngumisi sa binata.

"Sorry na baby, huwag ka na magalit. Dapat pala conservative ang panliligaw ko sa'yo, nakalimutan ko kasi." saka nag-peace sign.

"Umuwi ka na." ulit ni Striker saka pinatunog ang kotse.

"Sabay na tayo umuwi, parehas lang naman tayo ng way e."

"Ayoko." saka ito pumasok sa loob ng kotse. Tumahimik bigla si Angela pero nagsalita din pagkatapos ng ilang segundo.

"Drive safely, baby. See you tomorrow." malambing na sabi nito sabay kaway sa kanya. Hindi na ito pinansin ni Striker at pinaandar na ang kotse palabas ng parking area. Naiwan naman si Angela sa parking at umupo sa tabi. Pagkatapos ng limang minuto ay tumayo ito saka naglakad palabas. Nilagpasan na ni Angela ang terminal ng jeep at naisip na maglakad na lang pauwi. Habang naglalakad ay may bumusina sa kanya at paglingon nya ay tumigil ang kotse ni Striker sa gilid nya.

"Get in." utos nito at ngumiti naman ulit si Angela at mabilis na sumakay ng kotse ng binata. Habang nasa byahe ay hindi mawala-wala ang ngiti sa mukha ng dalaga na kinaiinis naman ni Striker.

"Bakit hindi ka sumakay ng jeep pauwi?" tanong nito. Napakamot naman sa ulo ang dalaga saka sya nilingon.

"Wala naman, trip ko lang."

"Sa susunod pag trip mong mag alay lakad pauwi sa apartment mo, mag-iba ka ng daan yung hindi kita makikita." masungit nitong sabi kay Angela.

"Hindi mo lang ako matiis eh." tukso nya dito. Hindi naman sya pinansin ng binata at tahimik na lang na nagdrive. Nagkwento naman ng kung anu-ano si Angela habang nasa byahe sila, hindi maubos-ubos ang mga kwento nito. Hanggang sa umi-stop ang kotse sa isang kanto kung saan malapit na ang apartment na tinutuluyan ni Angela.

"Baba." matipid na sabi ni Striker. Nilingon naman sya ni Angela.

"Mag-di-dinner pa tayo together, sa bahay mo na lang tayo dumiretso." pangungulit ulit nito.

"I said get off now, Angela." madiin na sabi nito pero parang balewala lang ito sa dalaga at parang kinikilig pa.

"Oh my gosh! nakakakilig talaga baby pag binabanggit mo yung pangalan ko." at hindi pa rin ito bumaba ng kotse.

"Kakaladkarin ba kita pababa ng kotse ko?" inis na si Striker.

"Oo na bababa na ako, pero kiss ko muna?" then she pouted her lips and began moving slowly towards him.

"Damn Angela, stop it! get off my f-cking car now!" mahina pero maawtoridad na sabi ng binata. She tried her best not to smile.

"Huwag ka na magalit baby, bababa na nga ako. Good night sa'yo Striker. Bukas ulit." then she winked at him and get off the car. Pagkababa ni Angela ay mabilis na pinasibat ni Striker ang kotse nya at kumaway kaway naman ang dalaga hanggang sa hindi na nya matanaw ang kotse nito. Saka ito tahimik na naglakad pauwi sa apartment nya.

Nang makauwi ay naghanda ng makakain na tinapay si Angela at naisip nitong tawagan si Striker para i-check kung maayos itong nakauwi. Nakadalawang ring lang at sinagot na agad ng binata ang cellphone nito.

"Hi baby!" masiglang bati nito sa telepono.

"How did you get my number, Livori?" inis na tanong ni Striker. Naisip bigla ni Angela ang magkasalubong na kilay ng binata at napatawa sya bigla.

"Secret." Sagot ni Angela dito. Narinig nya itong bumuntong hininga.

"What do you want?"malamig na tanong nito.

"You." Mapang-akit naman na sagot ni Angela at walang sabi-sabi na binabaan ito ni Striker ng telepono. Nataranta naman si Angela at i-di-nial agad ang number ulit ng binata para tawagan.

"Stop pestering me, okay?!" pasigaw na sabi ni Striker pagkasagot nya ng tawag ni Angela. Hindi agad nakasagot ang dalaga sa sinabi nito.

"Ah---I just want to check if you got home safely, I guess you did. Good night, Striker." Saka pinutol ng dalaga ang tawag.

To be continue...

Vote and comment please. Thank you.

When she fell to a nerd guy (Short Story)Where stories live. Discover now