Chapter 8

3.2K 96 2
                                    

Chapter 8

Simula ng may mangyari kila Angela at Striker ay medyo naging iba na ang pakitungo ng binata sa kanya. Medyo lang dahil katulad ng dati, sinusungitan pa rin sya nito. Mas madalas naman itong kinukulit ni Angela and Striker's ending up agreeing to what she wants.

Baby

message ni Angela kay Striker ng makita nitong online ang binata. Pero dumaan na ang tatlong minuto ay wala pa rin itong reply.

Baby

message nya ulit dito, pero hindi pa rin sya nito nire-reply-an.

Uy, baby

Baby?

Baby Striker!

Baby, reply ka naman :(

Galit ka ba sa akin? :(

Bati na tayo, please? :(

Baby

Baby

Walang tigil na pag-se-send ng message ni Angela kay Striker. Day off nya at sobrang antok na sya pero gusto nya kasing ayain si Striker na mag-date kinabukasan pero hindi man lang sya ni-re-reply-an nito. Nakapikit na sya sa paghihintay ng tumunog ang cellphone nya at makitang nag-reply ito.

What?

I love you

reply nito habang nakangiti.

Matulog ka na

Asan yung I love you too ko?

Seen

Baby, wag ka naman mang-seenzoned :(

pero seen pa rin sya kay Striker. Naisip nyang tanungin na ito sa balak nya.

Baby, date tayo bukas?

nakita nitong nag-ta-type na agad ang reply ang binata, napangiti ulit sya.

May lakad ako bukas

Saan?

Charity work.

Pwede akong sumama?

She really wants to be with him.

Maaga kaming aalis. For sure, you'll not enjoy there.

Gigising ako ng maaga. Promise hindi ako ma-le-late. Sama na ako please?

Okay din naman sa kanya ang mga charity works, saka makakasama na nya si Striker tapos makakatulong pa sya sa iba.

K

Sama na ako?

4am. Don't be late

Napa-upo bigla si Angela sa kama ng pumayag si Striker na sumama sya.

Yes, baby :*

Seen

Good night,baby

K

kahit maiikli lang ang reply sa kanya ni Striker ay masaya na sya. At excited na sya para sa date nila bukas.

Nagulat si Angela ng kinabukasan ay makita nyang naghihintay na si Striker sa labas ng apartment nya. Hindi pa rin naman sya late sa usapan nila kaya naisip nyang sinusundo talaga sya ni Striker na kinatuwa naman nya at kinakilig. Hindi nya mapigilan ang mapangiti ng makita nya ang binata pagkalabas nya ng bahay.

"Good morning, baby!" masiglang bati nito at mabilis na hinalikan nya ito sa pisngi. Nagsalubong na naman ang mga kilay nito ng tumingin sya rito pero nginitian nya lang ito.

"Thank you sa pagsundo."

"Tss. Baka kasi ma-late ka, madamay pa ako." masungit nitong sagot saka kinuha ang dala nyang bag at pinasok sa loob ng compartment ng sasakyan. Ng matapos ang binata ay saka pumasok si Angela sa loob ng sasakyan kasabay ni Striker. Plano dapat ni Angela ang daldalin ang binata pero ng naka-ilang minuto pa lang silang byahe ay nakatulog na agad sya. Wala kasi syang maayos na tulog nitong mga nakaraan araw kaya hindi nakakapagtaka na otomatikong pumikit agad ang mga mata nya. Nagising na lang sya sa pagtapik sa kanyang balikat ni Striker.

"Wake up, we're already here." sabi nito pagkamulat nya ng mga mata. Umaga na pala at pagtingin nya sa orasan ay mag-a-alas syete na ng umaga. Nakita nyang dumating na rin ang mga ilang kasamahan ni Striker sa trabaho kaya lumabas na rin sya ng kotse. Nag-almusal muna sila bago mag-umpisa sa gaganapin na charity work. Karamihan sa mga volunteer ay mga kasamahan ni Striker sa trabaho, si Angela naman ay magiliw na nakipagkwentuhan din sa mga ito.

"I'm glad na nakasama ka dito sa charity work namin Angela. Ito kasing si Striker, masyadong malihim.. hindi namin alam may girlfriend na pala." sabi ng isa mga katrabaho nya. Hindi naman umimik si Striker.

"Nabanggit nya kasi kagabi sa messenger kaya sabi ko sasama na rin ako." sagot ni Angela.

"Messenger? Nagre-reply na pala si Striker sa messenger?" gulat na sabi ni Enzo, isa sa mga ka-officemate ng binata. Nagtaka naman si Angela.

"Bakit?"

"Sa ilang taon namin na magkaibigan ni Striker, never yan nag-re-reply sa messenger or text. Iba na talaga ang in-love." tukso ng isa pa nilang kasama.

"Tss. shut up." masungit na sabi naman ni Striker. Kinilig naman si Angela sa nalaman nya. Feeling tuloy nya ay napaka-espesyal nya kay Striker dahil nagrereply ito sa mga messages nya. Naging mas maganda ang araw ni Angela at mas naging ganado sa paggawa ng volunteer work. Ng matapos sila ay tumulong din sya sa pagliligpit ng mga gamit.

"Magwalis ka na lang." sabi ni Striker sa kanya sabay agaw ng buhat nitong karton na may laman mga gamot.

"Kaya ko naman yan buhatin."

"Just do what I said." masungit nitong sagot saka naglakad palayo sa kanya. Nakangiti naman at mukhang tuwang-tuwa ang mga tao na nakapaligid sa kanila sa inakto ni Striker. Para hindi na mainis pa ang binata ay sinunod na lang nya ito. Bago magdilim ay natapos na silang lahat at nagsi-uwian.

"Can I sleep over? please?" pangungulit na naman ni Angela.

"No." matigas na tugon ng binata. Nag-pout naman si Angela at nag-pacute dito.

"Promise. Mag-bi-behave ako, just let me sleep beside you. Sige na baby, please?" at hindi nya tinigilan si Striker habang pauwi kaya wala na rin nagawa ito kundi ang pumayag.

"Thanks baby!" sabay halik sa pisngi ni Striker bago lumabas ng kotse at mabilis na pumasok sa loob ng bahay ng binata.

To be continue...

Vote and comment please. Thank you.

When she fell to a nerd guy (Short Story)Where stories live. Discover now