Chapter 11

3.6K 104 10
                                    

Chapter 11

Three months later...

"Angela, Hindi pwedeng lagi ka na lang ganyan. Kailangan mo kumain, tandaan mo may isang buhay na rin dyan sa loob ng katawan mo na kailangan ng pagkain at nutrisyon." sermon ni Jules, ang kababata ni Angela.

"Ayoko na nga kumain..hindi rin naman sya tinatanggap ni baby. Kita mo nga isinuka ko din kanina." sagot ni Angela.

Tatlong buwan na rin simula ng malaman ni Angela na nagdadalang-tao sya at tatlong buwan na rin simula ng huli nyang makita si Striker. Sobrang lungkot ang naramdaman ni Angela ng maghiwalay sila ni Striker pero napawi ito ng malaman nya na buntis sya. Muli syang nagkaroon ng lakas para mabuhay at maging masaya. Tatlong buwan na rin simula ng lumipat sya ng tirahan malayo sa ginagalawan ni Striker. Naging abala si Angela sa paghahanap buhay para sa kanilang dalawa ng baby nya. Medyo maselan ang pagbubuntis nya buti na lang at nakita nyang muli ang kanyang kababata na si Jules. Ng mapagdesisyunan nyang manirahan sa Cavite ay hindi nya akalain na makikita nya ang kanyang kababata dun.. at higit sa lahat ay naging kapitbahay pa nya. Ilang taon na rin ng huli sila magkita at mag-usap pero parang walang nagbago sa kanilang pagkakaibigan.

"Please, Jules. Kakain naman ako pag nagutom ako. Huwag ka mag-alala kasi inaalagan ko naman ang sarili ko at ang baby ko."

"Inaalagan? E kung makapag trabaho ka nga halos ayaw mo na nga magpahinga." panenermon ulit nito.

"Best, ang OA mo.. nagpapahinga ako, saka huwag mo nga masyado i-ni-stress ang sarili mo sa akin. Buti pa ang gawin mo maglakwatsa ka para makahanap ka ng girlfriend mo, magpapasko pa man din." tukso ni Angela sa kaibigan.

"Tigilan mo nga ako sa kagaganyan mo sa akin, hindi ko kailangan ng girlfriend."

"Kailangan mo! Hoy Jules! Tandaan mo hindi ka na bumabata.. saka napag-usapan na natin ito di ba, hanggang magkaibigan lang talaga tayo." paliwanag ni Angela.

"Feelingera ka rin talaga best." pang-aasar ni Jules na kinatawa ni Angela. Binato nya ito ng unan.

"Kapal mo talaga! lumayas ka na nga dito sa pamamahay ko." pero tinawanan lang sya ni Jules.

Ilang taon na rin na minamahal ni Jules ang kanyang bestfriend na si Angela at hanggang ngayon ay mahal nya pa rin kahit sinabihan na sya nito na hanggang kaibigan lang ang turing sa kanya nito. Sinubukan nya na ibaling sa iba ang kanyang nararamdaman pero pasaway ang puso nya dahil hanggang ngayon si Angela pa rin ang tinitibok nito at si Striker pa rin ang mahal ni Angela. Sa loob ng tatlong buwan nalaman ni Jules kung ano ang pinagdaanan ni Angela sa nakalipas na ilang taon na hindi sila nagkita. Nalaman at nakilala na rin ni Jules si Striker base sa kwento ni Angela, na halatang mahal na mahal pa rin nito kahit pinaglaruan lang sya nito at iniwan. Hindi mapigilan ni Jules ang magalit at mainis kay Striker dahil nagawa nitong paglaruan ang bestfriend nya.. ang babaeng minamahal nya at inaalagaan. At dahil na rin siguro sa galit ay nagawa nyang hanapin ito sa Quezon City at alamin kung ano na ba ang ginagawa nito matapos iwan si Angela. Mas lalo lang syang nagalit dahil tila wala lang dito ang lahat at masaya sa buhay samantalang si Angela ay mag-isang inaalagaan ang baby nila. Sinubukan kumbinsihin ni Jules si Angela na sabihin kay Striker ang totoo pero ayaw na nitong magkaroon pa ng kahit anong koneksyon sa binata. Napagdesisyunan na pala nitong palakihin mag-isa ang anak. Pero sa tuwing nahuhuli ni Jules si Angela na umiiyak minsan o di kaya ay hirap sa pagbubuntis nito ay mas lalo nyang gustong sugurin si Striker ay bugbugin.

Ng ma-ospital si Angela dahil sa pagta-trabaho ay hindi na napigilan pa ni Jules na sugurin si Striker. Nakipagsuntukan pa sya dito pero wala rin nangyari dahil iginiit nito na matagal na silang tapos ni Angela. Gusto na ni Jules sabihin kay Striker ang tunay na kalagayan ni Angela pero hindi nya ginawa dahil naisip nyang baka mas masaktan lang si Angela kung pati ang anak nito ay itanggi ng sarili nitong ama. Naisip ni Jules na magprisinta at tumayong ama sa anak ni Angela pero tumanggi ito. Napakatigas ng ulo ni Angela na kahit nahihirapan sya ay hindi ito humihingi ng tulong kay Jules. Ayaw nyang kinakaawaan sya. Alam ni Jules na hirap si Angela sa pagbubuntis nito.. may morning sickness kaya madalas late ito sa trabaho. Hirap din si Angela sa pagkain na hindi nya rin alam kung bakit, piling pagkain lang ang kinakain nya at kung pipilitin naman nya kumain ay isinusuka lang nya. Ginagawa ni Jules lahat ng makakaya nya para maalagaan ang bestfriend nya pero ito naman ang pilit na tumatanggi.

When she fell to a nerd guy (Short Story)Where stories live. Discover now