Chapter 3

3.2K 103 5
                                    

Chapter 3

The next day himalang walang Angela na nangungulit kay Striker paglabas nya ng kanyang bahay. Hanggang sa makarating sya sa opisina ay hindi nya naramdaman ang presensya ng dalaga. Medyo naninibago sya pero naisip nyang baka sumuko na rin ito sa wakas sa pangungulit sa kanya which gave him the relief. Simula kasi ng bumuntot-buntot sa kanya si Angela ay napapadalas ang pagsakit ng ulo nya at napapadalas din ang paggawa nya ng mga bagay na hindi naman nya usual na ginagawa. Nang dumating ang tanghalian ay pinatawag sya ng guard sa lobby at sinabing may naghihintay daw sa kanya doon. Pagkababa nya ay nakita nya sa labas ng opisina si Angela na tahimik na nakatayo at naghihintay sa kanya. Hindi ito nakangiti ngayon di tulad ng madalas nyang nakikita sa dalaga. Lumabas sya ng building at sakto naman na paglingon ni Angela. Ng makita sya nito ay ngumiti agad ito at tila naging hyper agad, sinalubong sya at saka nilahad ang paper bag.

"I hope hindi ka pa nag-la-lunch, idinaan ko talaga yan dito kasi hindi kita nasundo kanina sa bahay mo." masayang sabi ni Angela.

"Hindi ba sabi ko sa'yo huwag mo na akong dalhan ng pack lunch." sagot naman nito.

"Gusto ko kasing lutuan ka araw-araw ng pagkain para hindi mo ako nakakalimutan kaya tanggapin mo na ito please?" pangungulit nito at wala naman nagawa si Striker kundi tanggapin ang paper bag na may laman na pack lunch.

"Sorry pala kagabi kung nagalit ka sa akin, bati na tayo please?" then she pouted like begging for him to forgive her.

"Paano mo nalaman ang number ko?" tanong nito. Hindi agad sumagot si Angela at tiningnan lang sya.

"Fine, if you don't wanna tell me----" akmang tatalikod na ito ng pigilan sya ni Angela.

"W-Wait! wait!" saka humarang sa daraanan ni Striker.

"N-Nakuha ko sya dun sa pinagdalhan mo ng kotse ko." mahinang sagot ni Angela. Napabuntong hininga na lang ulit ang binata.

"Angela, Can you please stop stalking me? you even sent me a friend request in facebook."

"But I wanna know you more saka i-accept mo na kasi yung friend request ko, promise tahimik lang ako hindi kita guguluhin sa facebook." sabay taas ng kanang kamay nito. He inhaled deep then exhales.

"You're not gonna give up."

"You bet." she confidently said.

"Bahala ka nga." pagsukong sabi nito saka naglakad na ulit papasok ng building.

"I can't fetch you later baby so I'll see you tomorrow." sigaw nito na kinatigil naman sa paglakad ng binata saka mabilis na binalikan si Angela.

"Don't shout here.Nakakahiya." madiin na sabi nito sa dalaga.

"Oopps, sorry." sabay peace sign sa kanya. He sighed.

"Papasok na ako sa trabaho, bye baby." at mabilis na nagnakaw ng halik sa pisngi ni Striker.

"Angela!" saway nito pero nginitian lang sya ng dalaga.

"Pambaon ko lang naman, wag ka naman masyadong conservative sa akin, baby." biro nito sa binata.

"You'll go to work that outfit?" at napatingin naman sa sarili si Angela saka bumaling kay Striker.

"Yes, what's wrong? maganda naman yung dress ko ah? hindi ba bagay?" alalang tanong nito.

"It's too revealing." he said and she smiled agad.

"Aww baby, don't worry I'll make sure that you're the only who can see and touch these." she whispered on his ear that made him flushed. Natawa naman si Angela at mabilis na naglakad palayo sa binata at sumakay ng taxi.

"Crazy." sambit nito saka pumasok na ng building. Kinain naman ni Striker ang dinala ni Angela na pack lunch. Bukod sa nanghihinayang naman syang itapon yun ay masarap naman ang lahat ng niluluto at pinapabaon sa kanya ng dalaga. Natatawa pa sya minsan pag may nakikita syang kung anu-ano sa baon nya na iba't-ibang hugis at mga mukha na katulad ng mga napapanuod nya sa mga anime. Nauubos naman nya lahat ng pinapabaon sa kanya ng dalaga. Ng kinagabihan ay hindi nya ulit nakita si Angela at naisip nyang baka nasa trabaho pa ito. Alas dos ng madaling araw ng marinig nya ang sunod-sunod na pagtunog ng kanyang cellphone at ng sagutin nya iyon ay sinabihan syang lasing na lasing na si Angela sa isang bar at kailangan ng sunduin. Tinanong nya kung bakit sya ang tinawagan at ang sagot naman ng waiter ay ang number nya lang daw ang naka-register sa telepono ni Angela kaya wala na syang magawa kundi ang sunduin ang babae sa isang bar sa Quezon City. Pagdating nya doon ay nakita nyang nakayuko na si Angela sa bar counter at nakapikit na. Ginigising nya ito pero ungol lang ang sagot nito kaya pinangko na nya ito at dinala sa loob ng kotse nya. Balak nya na sana ito i-diretso sa apartment nya pero ng ibababa nya naman ito ay suka naman ito ng suka kaya napag desisyunan nyang iuwi na lang muna ito sa bahay nya. Halos maligo ito sa sariling suka kaya wala syang choice kundi palitan ito ng damit. Pinahiga nya ito sa kama nya at sya naman ay natulog na lang sa sofa.

To be continue...

Vote and comment please. Thank you.

When she fell to a nerd guy (Short Story)Where stories live. Discover now