Chapter 4

3.1K 97 8
                                    

Chapter 4

Nagising si Angela na parang binibiyak ang kanyang ulo at pag dilat nya ng mata ay nagulat na lang sya na nasa kama sya sa loob ng isang kwarto na hindi nya alam kung sino ang may-ari. Kinabahan sya bigla at tiningnan ang sarili. Mas lalo syang nabigla na iba na ang kanyang suot. Unti-unting nangilid ang kanyang mga luha sa mata, tinitignan nya ang kabuuan ng kwarto at nakita nya ang isang plaque dun na may nakalagay na pangalan ni Striker. Pagkakita nun ay nakahinga sya ng maluwag at inisip ang mga nangyari kagabi. Sumakit lalo ang ulo nya.

"Sh*t! not again please." sabay sapo sa kanyang ulo. Nahiga sya ulit at nagpahinga. Naisip ni Angela na baka nasa trabaho na na si Striker at naiwan syang mag-isa sa bahay. Pagkaraan ng isang oras ay bumangon na sya at naligo. Nangialam sya sa cabinet ni Striker at nanghiram ng damit na kasya sa kanya. Tuwang-tuwa sya habang pinagmamasdan ang sarili suot ang T-shirt at boxer short ni Striker.

"Kinikilig ako!" tili ni Angela habang nakangiti na bumaba para kumain. Hindi nya inaasahan na pagdating nya sa dining area ay may nakahanda na palang pagkain para sa kanya na nakatakip. Mas lalo syang natuwa at tila mas lalong nag-init ang kanyang puso para kay Striker. Ganado nyang kinain ang inihanda ni Striker na pagkain. Naisipan nyang tawagan si Striker pero hindi ito sumasagot kaya tinext nya na lang ito.

To Baby Striker: Hi baby! Good morning! Thank you sa hinanda mong breakfast.

Wala pang isang minuto ay nag-reply na agad si Stiker sa kanya.

From Baby Striker: Don't ever get drunk again and disturb me. Please leave before I get home and lock the door.

"Grabe ka sa akin baby, hanggang text ang sungit mo." sabi ni Angela saka iniligpit ang pinagkainan. Pagkauwi ni Striker ay nadatnan nyang bukas lahat ng ilaw ng bahay nya at pagpasok nya ay nakita nya si Angela na naghahanda ng pagkain sa hapag kainan. Nakita sya agad nito.

"Welcome home baby! Handa na yung dinner." masayang sabi ni Angela na may matamis na ngiti sa mga labi. Nagsalubong naman agad ang kilay ni Striker at lumapit agad sa dining table at hinarap ang dalaga.

"Di ba ang sabi ko sa'yo umalis ka na ng bahay ko bago pa ako umuwi. Bakit nandito ka pa?!" masungit na sabi nito. Imbes na matakot ay yumakap pa ang dalaga sa braso nito saka tumingin sa kanya.

"Sorry na baby. Naisip ko kasi na paghandaan ka ng dinner kaya hindi ako umalis agad. Huwag ka na magalit." sabay pa-cute sa binata. Mas lalo naman nairita si Striker at tinanggal agad ang pagkakayakap ng dalaga sa kanyang braso.

"I---"

"Hep! Mamaya mo na ako pagalitan, umupo ka na lang muna tapos kumain na ng dinner. Alam ko pagod ka sa trabaho." saka inasikaso si Striker at pinagsandukan ng pagkain. Wala naman nagawa na ang binata kundi ang umupo at kumain ng hinanda nitong pagkain.

"May lason ba 'tong niluto mo? Bakit wheat bread ang kinakain mo?" tanong nito.

"Ang harsh mo talaga sa akin, ikaw lalasunin ko? gayuma pwede pa, para sagutin mo ako agad." sabay kindat kay Striker. He just hissed at her and continue eating.

"May tanong pala ako."

"Ano?" masungit na sagot ng binata.

"May nangyari ba sa atin kagabi?" napaubo naman si Striker sa tanong ni Angela at agad naman binigyan nya ito ng tubig.

"Oh my gosh! Am I that wild?" curious na tanong ulit nito.

"Can you please stop saying non sense things?! Just finish your food and leave my house." he coldly said.

"Ulitin kaya natin? hindi ko maalala eh." sabi pa ni Angela na kinatigil ni Striker sa pagsubo ng pagkain.

"Walang nangyari sa atin, okay?! I just changed your clothes because you're soaking with your vomit." sagot nito.

"Kaya pala wala akong maalala saka wala akong naramdaman na kakaiba sa buong katawan ko bukod sa ulo ko. Thank you sa pag-alaga sa akin kagabi baby." sabay yakap ulit sa braso ng binata na agad naman tinanggal ng huli.

"Gabi na. Umuwi ka na sa inyo." paalala ulit ni Striker.

"Oo na, promise uuwi na ako pagkatapos mo kumain." nakangiting sabi ni Angela.

"Tapos na ako kumain."

"T-Teka! hindi mo pa nga ubos yung nasa plato mo. Masama magsayang ng biyaya ng Diyos. Promise uuwi na ako pagkatapos mo kumain saka paghugasan ko na yung mga pinagkainan natin." she said.

"Ako na ang bahala sa mga ito pwede ka na umuwi."

"Payagan mo na kasi ako, pasasalamat ko man lang sa pag-aalaga mo sa akin kagabi. Please baby?" and she pout again and used her charm to make him agree to it.

"Huwag mo akong daanin sa pag-papa-cute mo hindi yan uubra sa akin." but she still continues doing it.

"Pumayag ka na kasi Striker." she insisted. Pero hindi ito sumagot at tinapos lang ang pagkain saka tumayo kaya tumayo na rin sya.

"Ikaw na ang mag-ligpit tapos iwan mo na lang sa kusina at ako na ang maghuhugas." sabi ni Striker saka naglakad papunta sa hagdan.

"Ako na nga----" Masama naman syang tinignan ng binata.

"Oo na nga sabi ko nga ikaw na ang maghuhugas." saka isa-isang niligpit ang pinagkainan nila at si Striker naman ay nagpalit ng damit sa kwarto nya. Pagkababa nya ay nakita nya pa rin si Angela na naka-upo sa sofa. Lumapit agad si Angela sa kanya pagkababa nya.

"Uwi na ako Striker. Thank you ulit." nakangiting sabi nito at tumango lang ang binata.

"Good night! See you tomorrow." sabi pa nito saka mabilis na tumingkayad at binigyan ng mabilis na halik sa labi si Striker na kinabigla naman ng binata at bago pa makabawi ay agad ng lumabas ng bahay si Angela.

"Sweet dreams, baby!" sigaw pa nito ng makalabas ng bahay at napabuntong hininga na lang si Striker. Naisahan na naman sya.

To be continue...

Vote and comment please. Thank you.

When she fell to a nerd guy (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon