41

2.8K 46 1
                                    

Gian's POV

Kanina pako naghihintay dito sa labas ng office ng CEO ng RGC. Nakaka bwisit na nga e, kanina pako dito pero ayaw akong papasukin! hinahanapan pako ng appointment! Nakuu.. kung hindi lang dahil sa shares at 1M pesos, hindi ko pagtiya-tiyagaan to!

Lumapit ulit ako sa secretary niya para kausapin yung boss niya,"Miss naman, pwedi bang sabihin mo sa boss mo na may importante lang akong gustong sabihin sakanya."

Bumuntong hininga naman siya, nakukulitan na yata saken,"Sir! busy po talaga siya!"

Hayst! 'Gian, tiyaga lang!' sabi ko sa sarili ko.

"Sige na naman, please." pagmamakaawa ko.

"Wait, I'll call him" sabi niya at kinuha yung telepono.

"Sir? May naghahanap po sa inyo, Gian Cruz daw po. Gusto daw po kayong makausap." sabi niya sa kausap niya. Mukha naman siyang nagulat sa sinagot nung kausap niya.

"Hayst! Sir, katulad ng sinabi ko, busy siya. Ako pa mapapagalitan niyan eh!" naiinis na sabi niya saken.

Letse naman! Hindi ba niya ako mapagbigyan kahit ilang minuto lang? Argh! Kainis! Kainis!

"Hi Millie!" bati nung babaeng nakatalikod sakanya. Teka lang? Si Saph to ah!

"Pasok po." secretary sakanya.

Anoo? Siya ganun-ganun lang papapasukin na?!

"Teka nga!" sigaw ko. Napatingin naman silang dalawa saken.

"Gian?" gulat na tawag ni Saph. Anong ginagawa ni Saph dito?

Hinarap ko naman ang secretary na Millie ang pangalan,"Hi Millie!"

Pangagaya ko sa sinabi ni Saph kanina baka sakaling papasukin nako,"Ano? Papapasukin mo na ako?"

Napanganga naman sila ni Saph sa ginawa ko. Lumapit si Saph saken saka ako binatukan!

"Aray! Bakit ba?!" sigaw ko. Nambabatok nalang bigla e!

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

"Kailangan kong makausap yung CEO!" sagot ko. Teka nga!  

Hinila ko siya,"Bakit ikaw, pinapapasok ka niya? Bakit ako, hinde?"

Tumawa naman siya,"hahaha bawal kasi pangit dito e!" =__=

Sige, manlait kapa!>__> 

Tinaasan ko nalang siya ng kilay,"bakit nga?!"

"Basta!, ano bang kailangan mo sakanya?" nagtatakang tanong niya.

Hinila ko muna siya paupo sa isang bench at kinuwento sakanya lahat. Halata naman ang gulat sa mukha niya.

"T-talaga?" hindi pa rin makapaniwalang tanong niya.

I just nod as an answer.

She sighed deeply, "Okay, I'll help you, pero wag ngayon, busy kasi siya. Total samin ka rin nakikitira, sasabihan nalang kita kung kailan."

After that kinuha na niya yung gamit niya at tuluyan ng pumasok sa loob.

Pero bakit nga siya pinapasok??

Dahil sa curious ako naisipan kong tanungin yung secretary,"Miss? Bakit siya pinapasok?"

"Ah, siya lang daw po kasi yung pweding papasukin bilin ni Sir Renz." sagot naman niya habang nakatingin dun sa hawak niyang folder.

"Bakit nga?" okay! Ako na tsismoso!

"Syempre po, girlfriend siya ni Sir!"

Girlfriend? O___O Ibig sabihin, yung lalaking may dalang piza na pumunta sa unit nila kagabe na inaway ko.. Yung...Yung CEO ng RGC?? O.O

(MMGPS) Making My Gay Prof. Straight [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now