43

2.8K 52 0
                                    

Christian's POV

Sinundo nakame nung kaibigan ko. Nagdala na rin siya ng gasolina para sa sasakyan ko. Agad na rin kaming umalis sa lugar na yon. Syempre naman, kailangan ko pang masulit yung natitirang oras na kami pa ni hyerie! Habang nasa daan kame ay may nakita akong parang theme park, kaya tinigil ko muna yung kotse ko dun.

Bakas naman sa mukha ni hyerie ang pagtataka,"Bakit tayo tumigil?"

"Basta!" sagot ko. Lumabas ako ng kotse at pinagbuksan siya ng pinto.

Lumabas naman siya pero hindi pa rin naalis sa mukha niya pagtataka.=___=

"Anong gagawin natin dito? Malapit ng magsimula yung seminar! Late nako kahapon kaya hindi nako pweding malate ulit! Atsaka isa pa, hindi pa tayo naliligo oh!" sunod-sunod na reklamo niya.

"Wag na tayong mag attend, Date nalang tayo." sabay hila ko sakanya papasok sa theme park.

Nagbayad muna ako ng entrance fee bago kami tuluyang pinapasok.

Hawak-hawak ko lang yung kamay niya habang naglalakad kame. Pero hangang ngayon ay hindi parin maipinta ang mukha niya. Ganon ba talaga kaimportane yung seminar na yun para sakanya?=__=

Humarap ako sakanya at iniangat ang mukha niya,"Ayaw mo ba talaga?"

Napa sigh naman siya atsaka nagpout,"Hindi naman sa ganon." 

Nagsigh siya at yumuko,"Kaya lang, hindi pa tayo naligo! Tapos...Tapos" bigla namang namula ng sobra ang mukha niya.

"May sakita ka ba?" nag aalalang tanong ko. Nilagay ko pa yung likod ng kamay ko sa noo niya para tignan kung nilalagnat siya. Ang pula kasi talaga ng mukha niya eh.=___=

Inalis niya yung kamay ko sa noo niya tapos nagpout ulit,"Ehh? Wala akong sakit! Masakit lang talaga yung ano... Yung... Ah! Basta! Tara na nga!"

Bigla nalang niya akong hinila dun sa may nagtitinda ng hotdog. Ano ba yung masakit?=___=

"Bili muna tayo, gutom nako." sabi niya.

Bumili ako ng dalawa. Syempre tig-isa kame. Umupo muna kami sa may bench para kumain.

"Hyerie?" tawag ko kaya lumingon siya, busy kasi siya sa pagkain e. Mukhang gutom talaga.

"Ano ba yung masakit sayo?" Nag-aalala talaga kasi ako.

"Acck! Acck!"

Inabutan ko siya ng tubig. Nasamid yata siya sa tanong ko. 

Bumalik din yung pamumula sa mukha niya, "Christian naman eh! Wag mo na ngang itanong yan! Kasalanan mo naman yun e!"

Ako? Bakit ba kase?=___=

"Pero? Okay ka lang ba talaga?" tanong ko ulit.

"Oo, wag ka ng mag-alala, okay?" sabi niya at ngumiti kaya hindi nalang ulit ako nagtanong.

"Christian! Tignan mo yung malaking bear oh! Ang cuuute!" =___=

"Gusto ko yun! Kumuha tayo dali~!" pagkatapos ay hila-hila na niya ako papunta doon.

"Manong? Pano po makakakuha nun?" tanong niya sa mama na nagbabantay doon.

"Ah, kailangan niyo lang pong makashoot ng bola ng 10 times ng sunod-sunod." sagot nung mama sakanya.

hinila-hila naman niya yung polo shirt ko at ngumiti ng napakalapad. Parang alam ko na ibig sabihin ng ngiting yan.=__=

"Manong, pwedi po bang bilhin nalang namin yung bear na yun? Kahit magkano po." sabi ko sa nagbabantay. Hindi naman kasi ako shooter eh.

(MMGPS) Making My Gay Prof. Straight [UNDER REVISION]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang