Prologue

19.3K 371 30
                                    

PARA mas madali niyang makalimutan ang binata ay nagdesisyon siya na pumunta muna ng Australia.

Ngayon ang flight niya at sinundo siya ni Kit para ihatid sa airport.

" Ready ka na girl?" tanong ni Kit habang nakatingin sa luggage niya.

Muli niyang nilingon ang loob ng bahay niya saka malungkot na tumango.

It's been two days matapos nilang mag-break ni Jeihard. At hindi niya kaya na mag-stay ng mag-isa sa bahay niya.

Para siyang mababaliw lalo pa at marami silang memories sa bahay na ito. Hindi magiging madali sa kanya ang kalimutan ito kung mananatili siya dito.

Kaya naman minabuti niyang kumuha ng ticket at magbakasyon muna sa mga magulang niya sa Australia.

Ni-locked niya ang pintuan ng bahay niya saka siya tinulungan ni Kit na buhatin ang maleta niya.

Nang makapasok siya sa loob ng kotse nito ay hindi niya mapigilan ang umiyak.

" Kaya mo ba talaga?" nag-aalalang tanong ni Kit.

" Ang sakit-sakit. Hindi ko alam paano ako magsisimula. Its been two days only and my life is like hell. Hindi siya maalis sa isip ko, Kit."

Malungkot siyang tiningnan ng kaibigan.

" Mahirap talaga sa una, girl. But you'll be fine someday."

Pinunasan niya ang mga luha niya.

" Bakit hindi niya man lang ako pinakinggan? Sobrang sama ba ng ginawa ko? Wala ba'ng kapatawaran yun?"

" Ayaw mo ba'ng hintayin na lang yung kaibigan mo na umuwi? Para magkaliwanagan kayo?"

" Hindi ko na kaya mag-stay pa ng ilang araw na mag-isa sa bahay ko. Our memories are slowly killing me. Ngayon lang ako nasaktan ng ganito. And I honestly don't know how to handle it."

" First time pala pero kung makapag-advice ka sa akin noon akala mo expert na mabigo. Kaloka ka." sabi nito saka sinimulan ng patakbuhin ang sasakyan.

Nang madaanan nila ang bahay ng binata ay sinabihan niya si Kit na bagalan ang takbo ng sasakyan.

Nakita niya si Jeihard na kausap si Mang Abner sa may garden. Sobrang miss na miss na niya ito. Parang gusto niyang bumaba ng sasakyan at yakapin ng mahigpit ang binata.

Ang bigat ng dibdib niya habang pinagmamasdan niya ito. Nandun yung sakit at pagka-miss niya rito.

Muling tumulo ang mga luha niya. At maya-maya pa ay napahagulhol na siya. Ito na muna siguro ang huling araw na makikita niya ito.

Nang lumingon sa kanila ang binata ay pinatakbo na ni Kit ang sasakyan.

" Mali-late tayo sa flight mo. Tama na yan. Wipe your tears."

Binuksan ni Kit ang radio habang nagba-biyahe sila. Sobrang bigat ng loob niya sa gagawing pag-alis.

Maya-maya ay narinig niyang kinanta sa radio ang Only reminds me of you ng MYMP.

I see you, beside me
It's only a dream
A vision of what used to be
The laughter, the sorrow
Pictures in time
Fading to memories

How could I ever let you go
Is it too late to let you know

I tried to run from your side
But each place I hide
It only reminds me of you
When I turn out all the lights
Even the night
It only reminds me of you...

Muli na naman siyang napahagulhol. Kit turned off the radio.

" You need to be strong, Megs. I know kaya mo yan."

Hindi siya umimik. Hindi na niya makita yung masayahing side ng pagkatao niya na positive sa lahat ng bagay. All she can see is darkness. Halos hindi na niya ma-appreciate ang buhay niya.

" Its funny how one person can affect your life. Hindi ko naisip na sa sobrang pagmamahal ko sa kanya halos nakalimutan ko na ang sarili ko. Sana hindi ko hinayaan na hawakan niya yung buong portion ng puso ko. Para kahit nangyari 'to hindi ganun kasakit yung impact. Halos wala na ako'ng itinira sa sarili ko, Kit. Sobrang sakit pala."

" Mas masakit pa nung na-virginan ka niya?" biro nito pero hindi siya tumawa.

" Ay seryoso talaga siya. Take it easy. Life must go on. Heart break lang yan, Megs. Kaya mo 'yan. Ikaw pa ba?"

" Ewan ko. Minsan dumarating rin pala tayo sa punto na halos ayaw mo ng imulat yung mga mata mo sa umaga. Kasi once na gumising ka. Maalala mo na naman lahat ng nangyari. Lahat ng sakit. Tapos lahat ng nasa paligid mo yung ala-ala nyo ang makikita mo. Nakakamatay ng puso."

" Alam mo, girl. Sometimes we create our own heartbreaks through expectation. From the start nagsinungaling ka sa kanya. Kaya sana hindi ka nag-expect ng bongga di ba? And knowing him, siya na yung tumayo na father sa mga kapatid niya eversince their Dad passed away. Kaya masakit rin sa kanya yung nangyari sa kapatid niya. You lied to him thats why now he was blaming you."

" Hindi ko naman alam na buntis si, Zey."

" I know. But the fact that you lied to him mahirap ng burahin yun. Paano ka niyang paniniwalaan kung minsang nagsinungaling ka na sa kanya?"

" So, pati ikaw you're balaming me?"

" I am not taking side with him. I'm just stating the fact. May mali rin naman si Fafa Jei. Because he didn't listen to you first."

Napabuntong-hininga na lamang siya. Nang makarating sila sa airport ay hinatid siya ni Kit hanggang sa loob.

Niyakap siya nito ng mahigpit.

" Take care of yourself, okay? Kaya mo 'yan. Be strong."

" Salamat, Kit. Buti na lang lagi kang nandyan whenever I need you. Ikaw na bahala sa resto ha. I'll miss you."

" I'll miss you more. Hanggang kelan ka ba mawawala?"

" I don't know. Hanggang sa makalimutan ko siya."

" Paano kung hindi ka makalimot?"

Paano nga ba? Hindi siya nakasagot.

" Echos lang. Keribells mo yan. Para sa ekonomiya mag-move on ka. Sige na, ingat ka ha."

Naglaalam na siya dito saka nag-check in. Ilang sandali pa ay pumasok na siya sa waiting area at naghintay na tawagin ang flight niya.

Ang bigat ng dibdib niya ngayon. Parang ayaw niyang umalis. Pero kinakailangan. Ito na siguro yung tamang panahon para bigyan niya naman ng halaga ang sarili niya na binalewala lamang ni Jeihard.

************************************

I'll Chase You Today, You'll Be Mine Tomorrow. COMPLETEWhere stories live. Discover now