Chapter Five

11.8K 330 23
                                    

NANG sumapit ang alas tres ng hapon ay kinatok siya ni Kit sa opisina niya.

" Girl, andyan na si Fafa pogi." sabi nito na mukhang kinikilig.

" Bakit para ka'ng kinikilig?"

" May dala kasing flowers. Tinotoo na yung sinabi niya na manliligaw sa'yo. May lahing chekwa nga lang may araw pa eh."

Inayos niya saglit ang mesa niya saka tumayo na at lumabas. Sumunod si Kit sa kanya.

Nang makita niya ang binata malapit sa may entrance door ay may hawak nga itong bulaklak. Bouquet of red roses.

" Hi, Mommy Megan. Flowers for you." all smile na bati nito sabay abot ng bulaklak.

Kaagad naman siyang kinilig dahil sa pagbati nito. Yung pagsabi nito ng Mommy Megan ay feel na feel niya talaga.

" Thank you."

" Are you ready to go?" tanong nito saka kinuha ang baggage niya.

Tumango siya saka humarap kay Kit.

" Alis na kami. Ikaw na bahala dito ha."

" Okies. Ingat. 'Bye, Daddy Jei." paalam pa nito sa binata. Ngumiti naman si Jeihard dito.

Pinauna siya nitong lumabas at nang sumapit na sila sa parking area ay ipinagbukas siya nito ng pinto. Saka ito tumungo sa trunk para ilagay ang maleta niya.

" Are you hungry? Any cravings?"

Umiling siya.

" No cravings for now. But I feel sleepy." sagot niya saka isinandal ang ulo sa upuan.

" Its not rush hour yet. So, in few minutes we'll be home and you can take a nap."

Hindi na siya umimik. Pinatakbo na nito ang sasakyan. Fifteen minutes lamang ang lumipas at nasa harapan na sila ng bahay niya.

Binuksan niya ang pintuan niya saka pumasok. Pinagmasdan niya ang kabuuan ng bahay. May ilang alikabok sa mga appliances at furniture. Tatlong buwan kasing walang naglilinis dito.

" Your house is dirty. Is it okay if I call Rita to come over and clean first? Because I don't want you to do all the cleaning here."

Napalingon siya rito. Wala rin naman siyang plano na linisin ito lahat. Bigla siyang napangiti ng may maisip.

" Is that a yes? I'm gonna call Rita now so you can rest."

" You told me that you are willing to do everything just to win me back right?"

Sandaling kumunot ang noo nito at pagkuway napatango.

" Then clean my house. Part ng panliligaw mo ang linisin ang bahay ko."

" What?! Why me? Rita can do this."

" Sino ba'ng nanliligaw? Ikaw o si Rita?"

Napakamot ito sa ulo saka inilibot ang paningin sa palibot ng bahay.

" Yes or no? You can leave now if you don't want. Madali naman ako kausap."

" Ofcourse yes." labas sa ilong na sagot nito.

" Napipilitan ka yata?"

Pilit itong ngumiti sa kanya.

" Hindi ah. Willing ako'ng pagsilbihan ka."

" Okay. Kung ganun twice a week pupunta ka dito para linisan ang bahay ko."

" What?! Twice a week? Akala ko ba ngayon lang 'to?"

I'll Chase You Today, You'll Be Mine Tomorrow. COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon