Chapter Three

11.7K 371 66
                                    

KAAGAD siyang tumakbo papunta sa may rest room para sumuka. Konti lang naman ang naisuka niya.

Mabuti na lamang walang tao sa loob ng rest room. Naghugas siya ng kamay saka lumabas na.

Nakita niya si Kit sa labas ng pintuan pagkalabas niya. May bitbit itong bottled water.

" Okay ka lang?" nag-aalalang tanong nito.

Inabot niya ang tubig saka tumango rito. Pagkatapos ay uminom siya.

" Ang baho ng kimchi sa plato mo. Nasuka tuloy ako."

" Konti lang yung kinuha ko naamoy mo pa rin?"

" Maselan nga itong nasa tyan ko 'di ba?"

Hinugot nito ang panyo sa bulsa nito saka pinunasan ang pawis sa noo niya. Nang mapatingin siya sa hindi kalayuan ay nakita niya si Jeihard na papalapit sa kanila.

Ang dilim ng mukha nito nang makitang pinupunasan ni Kit ang pawis niya.

" He's coming." mahinang sabi niya sa kaibigan.

Kaagad namang lumayo si Kit sa kanya. Masyadong takot kay Jeihard.

" Are you okay?" nag-aalalang tanong nito ng makalapit sa kanila.

" Why are you here?" taas ang isang kilay na tanong niya.

" I am concerned. Isn't it obvious?"

" Since when you are concerned about me?" sarkastikong sabi niya saka nagsimula ng maglakad.

" Since I fell inlove with you." diretsang sabi nito habang pilit siyang sinusundan sa paglalakad. Nasa likuran nila si Kit.

Mapakla siyang tumawa saka napailing.

" You fell inlove with me? Really? I didn't know that. Or should I say I didn't feel that."

" Don't be sarcastic, please. I hope we can talk in private. I made my mistakes and I know that. I wanna apologize for hurting your feelings."

" It took three months before you realize that you want to apologize?"

" I will explain everything to you if we will stop walking and talk in private. " saka nito hinawakan ang isang braso niya.

Huminto siya sandali saka tiningnan ang isang kamay nito na nakahawak sa braso niya. Tinanggal niya iyon and she looked at him.

" I went here to attend my friend's wedding and not to talk to you. We have an on going special occassion here so please stop bugging me." madiin na sabi niya saka muling naglakad papunta sa mesa nila.

Nang matanaw niya ang mesa nila ay napakunot-noo siya sa nakita. Parang nagtatalo sina Cj at Zey sa mesa. Solo kasi ng mga ito ang table dahil sinundan sila ni Jeihard.

Huminto lamang ang dalawa nang makitang papalapit na sila. Kaagad na tumahimik ang mga ito.

Tumikhim siya saka umupo.

" Okay lang kayong dalawa?"

Nginitian siya ni Cj.

" We are good. Suplada lang talaga yang kaibigan mo." sagot ni Cj. Apat lang silang nasa mesa ngayon dahil nakita niyang may tumawag kay Jeihard sa isang table.

Tinaasan ito ng isang kilay ni Zey.

" Huwag kasing sinungaling pakisabi dyan sa katabi mo." sagot naman ni Zey.

Nagsalubong na ang mga kilay niya. Kanina pa parang nagsasagutan ang mga ito.

" Girl, may dapat ba ako'ng malaman?" tanong niya sa kaibigan.

I'll Chase You Today, You'll Be Mine Tomorrow. COMPLETEWhere stories live. Discover now