Chapter Nine

9.9K 355 69
                                    

" SANDALI!"

Napalingon at napahinto siya sa paglakad nang marinig na nagsalita si Manang Inday.

" Bakit ho?" tanong niya rito.

" Magplano muna tayo bago lumusob. Ganito ang gagawin natin. Pagdating natin sa harapan ng mesa nila itataob namin ni Mikkha ang lamesa para magulantang sila."

" Ako ho?" tila gulat na react ni Mikkha.

" Oo. Tayong dalawa. Buntis ito'ng dalawa eh. Mukhang magaan lamang iyong mesa. Kaya na natin iyon."

Tila naman hindi makapagdesisyon si Mikkha kung sasang-ayon o hindi. Hindi kasi ito makabasag pinggan.

" Pumayag ka na girl. Tingnan mo ang asawa mo ow. May nakakandong na babae. Kinukurot pa ang tungki ng ilong ni Kuya Miggy. Mukhang nanggigil sa asawa mo." pagi-engganyo niya rito.

Napabuntong-hininga muna ito. Halata namang nagseselos na rin pero nagtitimpi lamang.

" Baka sipain tayo ng bouncer palabas nito?"

" Hindi yan. Ako ang bahala. Kapag nakita nila na asawa mo ang kakaladkarin mo palabas hindi ka nila sasaktan. Ginawa ko na kay Abner yan noon dito. Nakita ko'ng nakikipagsayaw sa mismong stage noon. Ang ginawa ko umakyat ako bitbit ko ang payong na dala ko at hinambalos ko siya hanggang sa makababa ng stage."

" Expert pala si Manang eh. Yung mga babae ho na table nila. Pwede ko ba'ng hambalusin ng silya? Nanggigil ako Manang." tanong niya.

" Bawal iyon, Megs. Kapag sinaktan mo ang mga higad dito kakaladkarin ng mga bouncers palabas. Takutin mo na lamang."

" Takutin? Paano ho? Magpi-playing sadako ako?"

" Pilosopo ka'ng bata ka. Bahala ka kung ano'ng gusto mo'ng gawin. Pero paalala ko lamang ang mga lalakeng iyan ang gumustong pumunta rito. At trabaho lamang ng mga higad na iyan ang mag-entertain. Kaya kung may dapat ka'ng hambalusin walang iba kundi ang partner mo lamang."

" Manang si Mang Abner mukhang nakatulog na sa kalasingan. Pero may kandong pa rin na babae sa lap niya." si Zey.

" Gigisingin ko ang hukluban na iyan. Tara na. Mikkha, itataob natin ang mesa ha."

" Sige ho."

" Alright. Girls power. Let's go!" at sabay-sabay na silang naglakad palapit sa mesa.

Dim light ang loob ng bar kaya hindi kaagad sila namukhaan ng mga binata habang naglalakad palapit sa mga ito. Plus nakainom na ang mga ito at busy sa pakikipag-usap sa mga babae na nakakandong sa mga lap nito.

Nang makalapit sila sa mesa ay mabilis na pinagtulungan nina Manang at Mikkha ang lamesa saka itinaob. Nagulat ang tatlong lalake nang makita sila at sabay-sabay na napatayo.

Nahulog sa lapag ang mga babaeng nakakandong sa lap ng mga ito. Si Mang Abner lamang ang hindi tuminag dahil nakatulog na ito sa kalasingan.

Mabilis na nagsitakbuhan palayo ang apat na mga babae. At kaagad naman na tila nahulasan sa pagkalasing ang tatlong binata.

" Abner gumising ka!" galit na sabi ni Manang.

" Aba, at ayaw mo'ng dumilat ha." at kinuha ni Manang ang bote ng beer saka ibinuhos sa mukha ng natutulog na asawa.

Nagising ito at pilit na kinilala ang babaeng nasa harapan.

" S-Shinoo kaaa? Bakit mo ako binuhusan ng beer?"

" Ang walanghiya hindi mo ako nakilala? Ako ito si Inday! Tumayo ka dyan at tayo ng umuwi!"

" Shiii Inday my labs ka? Bakit ang ganda mo ngayong gabi? Teka ginu-good time mo ako ah. Huwag mo ako'ng linlangin. Hindi ikaw ang asawa ko!"

I'll Chase You Today, You'll Be Mine Tomorrow. COMPLETEWhere stories live. Discover now