Chapter Eight

9.8K 338 74
                                    

HINDI niya malaman kung matatawa siya o ano nang pumunta sa harapan ng binatang namumula ang mukha.

Ano'ng naisipan nito at gustong nakawin ang panty niya? At bakit hindi man lang itinago ng maayos sa bulsa nito para hindi niya nakita?

" I'm asking you, Jeihard. What's the meaning of this?" tanong niya sabay taas ng panty sa harapan nito.

Hindi ito makatingin sa kanya. Hanggang sa napakamot sa batok nito.

" N-Nahulog yan sa sahig ng banyo kanina. Pinulot ko lang." utal-utal na sabi nito.

Umangat ang isang kilay niya. This guy doesn't really know how to lie.

" Eh bakit nasa bulsa mo? Nabitin ka ba kanina kaya pati panty ko gusto mo'ng pagnasaan?" panunukso niya rito.

Hindi ito kumibo. Lalo pa'ng nagkulay kamatis ang mukha. How cute of him when blushing.

" You know what? Kung gusto mo ng panty ko sana nagsabi ka na lang sa akin. You don't have to steal this. I can give you one or even more. Marami ako'ng butas-butas na panty dyan na hindi na ginagamit. I can give them to you if you want." saka siya nang-iinis na ngumiti.

Napailing naman ito.

" Nevermind. I'll go down." saka ito naglakad palabas.

Sumunod naman siya dito.

" Ayaw mo? Why not? O gusto mo swap na lang tayo. Bigyan mo ako ng briefs mo and I'll give you my panty?"

" Hindi na. Nawalan na ako ng gana."

" Weeeh. Hindi nga? Isang briefs dalawang panty ang kapalit how about that?"

Ang sarap talaga nito'ng asarin.

" Shut up, Megan. Sa'yo na yang panty mo."

Napahalakhak siya. Napikon na ito.

" Choosy ka pa. Bargain na nga yun. Parang buy one take one!" sigaw niya pa.

Hindi na ito kumibo at tuloy-tuloy nang bumaba ng hagdanan. Napangiti na lamang siya. Parang siya lang rin noon. Tinangka niyang nakawin ang briefs nito. Kaya lang briefs ni Mang Abs ang nakuha niya.

Natatawa na lamang siya sa tuwing naalala niya ang mga kagagahan niya noon dito. At ngayon mukhang nagkabaligtaran na sila. Dahil ito naman ang handang gumawa ng kalokohan dahil sa kanya.

KINAHAPUNAN nag-bake siya ng banana cake para sa merienda nila. Inihain na niya iyon sa mesa at naglagay rin siya ng pineapple juice.

Nilingon niya si Jeihard na nanunuod ng TV sa sala. Kanina pa siya nito hindi pinapansin matapos niyang asarin sa pagkuha ng panty niya.

" Merienda is ready." sabi niya rito.

Pero hindi ito lumingon. Kaya naman lumapit na lamang siya rito at saka kinuha ang remote at pinatay ang TV.

" Let's eat banana cake."

" I'm not hungry."

Umangat ang isang kilay niya. Nag-iinarte pa hindi lang nagtagumpay sa pagnakaw ng panty niya.

" Gusto ni baby kasabay ka mag-merienda. Tara na."

Napatingin ito sa tyan niya.

" Ayokong sumabay sa bully mo'ng Mommy, baby."

" Arte-arte ng Daddy mo anak. Nakikipag-swap na nga ako sa briefs niya ayaw niya pa."

Tiningnan siya ni Jeihard.

" You're starting to annoy me again."

" Mag-merienda na kasi tayo para shut up na ako."

Hindi pa rin ito tuminag. Kaya naman kinuha na niya ang isang braso nito at pinilit na hinila. Pero hindi ito nagpadala sa kanya.

I'll Chase You Today, You'll Be Mine Tomorrow. COMPLETEМесто, где живут истории. Откройте их для себя