Chapter 7: Feiro

1.1K 152 2
                                    

Nagising ako sa liwanag ng araw na tumatama sa aking mukha. Muli kong naamoy ang maaliwalas na simoy ng hangin sa taniman ni Kuya Atlas. Isang malinamnam na amoy naman ang aking nalanghap na nagturo sa akin kay Kuya Atlas na nasa kusina, nagluluto ng umagahan.

"Magandang Umaga, Stephen." bati sa akin ni Kuya Atlas ng makita niya akong bumangon sa higaan.

"Goodmorning din po-"

Natigilan ako nang bigla niya akong tutukan ng sandok sa ulo! Tumutulo pa ang sabaw ng niluluto niyang adobo! Anong nangyayari??! Hindi kaya-- masamang tao talaga si Kuya Atlas? Anong pakay niya sa akin?!

"Anong uri ng mahika ang ginamit mo? Sabihin mo!" sigaw niya sa akin habang tumutulo pa 'yung sabaw ng niluluto niya dahil nakatutok sa akin ang sandok.

Tama, hindi nga pala sila nakakaintindi ng english. Hayz. Nagpanic agad ako.

"Paumanhin po Kuya Atlas, isa lamang iyong pagbati na itinuro sa akin ni Ginoong Leo kahapon. Ang ibig sabihin ay, magandang umaga." pagpapalusot ko. Nadamay pa tuloy si Ginoong Leo.

Ibinaba niya naman ang sandok na hawak niya at muling bumaling sa niluluto niya.

"Ganoon ba. Naiintindihan ko. Sige, maligo ka muna. Upang pagkatapos mo ay kakain ka na lang. Nasa maliit na upuan ang damit na susuotin mo ngayong araw. At ang lahat ng iba mo pang gamit ay nasa bayong na." Agad akong tumungo sa banyo para maligo.

Paglabas ko ng banyo ay nakahain na sa lamesa ang mga pagkain. Ambango ng amoy! Mukhang inihanda talaga ni Kuya Atlas ang pinakamasasarap niyang luto. Agad naming inubos ang inihain niya.

Kinuha ko na ang bayong ko-- na parang hindi naman talaga bayong kasi sling bag siya na gawa sa leather. Mukhang ginagamit ito ni Kuya Atlas sa kaniyang paglalakbay. Bakit kaya bayong ang naitawag dito?

"Handa ka na ba, Stephen?" tanong niya sa akin. Tumango ako sa kaniya at nguniti. Ginulo niya naman ang buhok ko at tinapik ako sa balikat.

"Lakad na. Magiingat ka ha?" aniya. Nakaramdam ako ng tuwa sa aking puso. Kahit ilang araw pa lang kaming magkasama ay napagaan na ang loob ko sa kaniya. Pwede ko na nga siyang ituring na tatay eh HAHAHA. Nagtataka din ako, may awasa't anak na kaya itong si Kuya Atlas?

"Maraming Salamat po Kuya Atlas. Babalik naman po ako dito sa susunod na linggo." sagot ko, tinawanan niya naman ako.

Sinimulan ko na ang paglalakad papuntang tarangkahan ng palasyo. Nasa may kalayuan na ako at nilingon kong muli si Kuya Atlas. Muli siyang kumaway. Kumaway din ako kahit hindi ko na maaninag masyado ang kaniyang itsura.

Nakarating na ako sa tarangkahan ng palasyo at nakita ang mga kasamahan ni Kuya Atlas. Mukhang namumukhaan nila ako dahil sa kanilang ekspresyon.

"Diba ikaw 'yong kasama ni Atlas noong mga nakaraang araw? Mukhang kagalang-galang ka na ngayon ah?? Anong ginagawa mo sa palasyo? Bagong trabaho?" tanong sa akin ng isang gwardiya. Mukhang siya ang pinakapinuno ng grupo ah.

"Hindi po ako magtatrabaho, papunta po ako ngayong paaralan dahil inalok po ako ni Ginoong Leo ng libreng pagaaral." pagsagot ko sa kanila, at mukhang nagulat sila sa aking sinabi.

"S-si-- G-ginoong Leo?? E-ehh kung ganoon pala eh dapat pagbutihin mo! Para mapatunayan nating hindi lang mga maharlika ang may kakayahang maging tanyag na mahikero!" aniya. Tumango ako bilang pagsagot.

Nagtagal pa ako sa lugar na iyon at napasarap ang kwentuhan. Nasabi din nila na bihira talagang may makapasok na pangkaraniwang tao sa paaralan na ito. Ilang saglit pa ay nagpaalam na ako sa kanila.

Narating ko ang tarangkahan ng palasyo at sumalubong sa akin ang gwardiyang pinagtawanan ako kahapon. Inabot ko sa kaniya ang asul na papel na ibinigay sa akin ni Ginoong Leo. Agad niya iyong kinuha at may kinuha sa lamesa na isang bagay-- isang bilog na ginto na may nakaukit na "V". Ikinabit niya iyon sa damit ko at agad na binuksan ang tarangkahan.

Djinn: The Four Moons [Completed] (Djinn Series #1) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora