D J I N N

2K 142 3
                                    

DJINN: THE FOUR MOONS

The first book of DJINN Series.

Djinn in Roman (pronounced as Jin), in Arabic- Jinn, Anglicized- Genies. -commonly known as spirits or demons, depending on the source.

Marahil ay ang nasa isip natin pagdating sa mga djinn or genies ay mga espirito na kulay asul. Katulad sa mga disney movies o mga kagaya nito. Ngunit sa istoryang ito, maiiba ang bersyon sa itsura ng mga Djinns. Tunghayan ang pagkakaiba, ang panibagong istorya na magdudulot ng pagkamangha at pagkagalak. Gabayan ang istorya, na nababalot ng mahika.

----------------------

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Apat.

Apat na buwan sa kalangitan. Nagniningning kasama ng mga bituwin sa himpapawid. Paano ito nagawa? Magkakaiba man ang laki at sukat ay binabalanse nito ang isa't isa. At punung-puno ito ng enerhiya.

Noong unang panahon, isang hindi kilalang nilalang ang biglang lumitaw sa mundo ng Hesteas, ang mundo kung saan ang lahat ay nababalot ng kadiliman. Ang nilalang na ito ay nagtataglay ng pambihirang abilidad at kapanghyarihan. Ngunit hindi niya inaasahang makikita niya na may mga taong naninirahan sa mundong ito. Sila'y umaasa lamang sa liwanag na binibigay ng mga bituwin sa kalangitan.

At sa buong makakaya ng misteryosong tao, bumuo siya ng dalawang bolang gawa sa liwanag at ibinato ito sa langit. Ang isa ay naging haring araw, na nagbigay ng liwanag sa kalangitan at kakaibang abilidad sa bawat nilalang sa mundong ito. Tinawag nila itong- myriad. Pagkatapos niyang gawin iyon ay naglaho siya nang parang bula.

Paglipas ng ilang oras ay nabalot muli ng takot ang mga tao, sapagkat ang liwanag na matagal na nilang inaasam ay unti-unting nilalamon ng kadiliman. Laking gulat na lang nila na isang bilog na buwan ang lumitaw sa kalangitan. At piling mga tao ang nakaramdam ng kakaibang enerhiyang dumadaloy sa kanilang katawan.

At dito, nagsimula ang lahat sa mundong ito. Kung paanong ang isang madilim na mundo, ay napuno ng mahika at buhay.

Ito ang simula ng nakakamanghang kuwento ng isang lalaking napunta sa mundo ng Hesteas. Paano nangyari iyon? Tunghayan ang kaniyang kuwento.

Djinn: The Four Moons [Completed] (Djinn Series #1) Where stories live. Discover now