Chapter 22: Ang bagong guro

907 130 1
                                    

Hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang mga sinabi ni Nurse Kajj. Isang selyo sa aking katawan? At hindi sakit sa puso? Bakit sabi ng mga doktor noon sa mundo namin, may sakit daw ako sa puso? Kaya pala minsan ay hindi umeepekto ang mga gamot na ibinibigay sa akin noon. At hindi gumagaling ang sakit ko. Dahil pala ito sa selyo ng mahal na reyna. Nakakapagtaka lang kung papaanong nalagyan niya ako nito? At bakit ako sinusumpong sa mundo ng mga tao kung hindi ko naman ginagamit ang aking mahika?

Ito ang unang araw ko sa ika-unang feiro. Katatapos lang namin kumain nina Lugio at nakakapanibago lang, dahil noong nakaraang linggo ay humihiwalay pa ako sa kanila pagkatapos kumain. Ngayon, kasama na nila ako sa ika-unang feiro.

Ikinwento rin nina Mary na napatawag sa opisina ni Ginoong Leo si Kyl. At mukhang may banta na na pwede siyang patalsikin sa ika-unang feiro kapag inulit niya 'yon. O kapag mas malala pa, pwede raw siyang mapaalis sa paaralan.

Naglalakad kami ngayon papunta sa aming silid-aralan at ito ang unang beses na makakakita ako ng isang tunay na guro! Hindi katulad ni Ginoong Mael na puro pangaalipin ang alam. Biro lang!

"Kumusta ang iyong bakasyon?" nagulat kaming tatlo nang may isang babae ang tumabi sa akin at nangamusta! Si Elise!!

"Kilala mo si Stephen, Elise?" tanong ni Mary sa kaniya. Teka, kilala niya si Elise??

"Magkaklase kami, 'di ba? At sino bang hindi nakakakilala sa kaniya matapos ang Ynsignia noong nakaraang linggo?" mataray na sagot sa kaniya ni Elise. Naramdaman ko naman ang pagtatago sa likod ko ng isang lalaki, si Lugio. Mukhang hindi niya pa rin kayang tanggapin na may isa pang babaeng hindi inaapektuhan ng kagwapuhan niya.

"Hindi ko alam na magkakilala na kayo ni Mary. Paano nangyaring magkakilala na kayo?" tanong ko sa kanilang dalawa habang may nilalang sa likod ko na nanginginig sa takot.

"Tulad niyo ni Lugio, magkasama rin kaming dalawa sa kwarto. Ako 'yung nagpahiram sa kaniya ng damit na isinuot niya noong Ynsignia!" masayang sambit ni Mary.

"Kung hindi ka lang mapilit, hindi ko susuotin 'yon." malamig na sagot sa kaniya ni Elise. Wala talagang makakatalo sa pagiging masungit nitong babaeng ito.

"Mabuti naman at magkakakilala na tayong lahat. Kaya't Elise, hinihiling kong sumama ka na sa amin tuwing kumakain kami." hiling ko sa kaniya. Agad namang tumawa si Mary sa isang tabi.

"Kahit anong pilit mo diyan, Stephen, hindi yan papayag! HAHAHAHA! Ilang beses ko na--"

"Sige." Maiksing sagot ni Elise at nagsimulang maglakad papasok sa aming silid-aralan.

Tumingin ako kay Mary at tinawanan siya. Akala niya hindi papayag si Elise? Ilang linggo na kaming magkakilala niyan kaya't malabong hindi papayag 'yan HAHAHAHA.

"SIgurado ka ba talaga Stephen na hahayaan mo ang isang halimaw na kumain kasama natin?" tanong ni Lugio at agad ko siyang hinampas sa likod para bumalik sa katinuan.

"Hindi halimaw si Elise. Sadyang masungit lang talaga siya. HAHAHAHA!" nagtawanan kaming tatlo at tsaka pumasok sa loob ng silid-aralan. Ilang babae ang nakatumpok sa paligid ni Elise at mukhang gustong magpakilala sa kaniya. Saktong pagkapasok namin sa silid ay ang siyang pagdating ng isang lalaking nakakulay-asul na damit pang guro. Agad na nagsibalikan sa upuan ang mga estudyante at ang upuang natira na lamang na bakante ay ang upuan sa may tabi ni Kyl. Alam kong masama siyang nakatingin sa akin ngayon ngunit alam ko ring wala siyang magagawa. Maari siyang mapahamak kapag sinaktan niya ulit ako.

"Magandang Umaga mga mahal kong estudyante. Nais ko lamang batiin ang mga nakaakyat sa ika-unang feiro. Maaari ba kayong pumuta dito sa harapan upang magpakilala?" aniya at agad na tumayo si Elise. Sumunod na rin ako at umapak sa may kahoy na platform sa unahan. Unang nagpakilala si Elise.

Djinn: The Four Moons [Completed] (Djinn Series #1) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora