PART 5

53 2 0
                                    

ORLAN POV

Inaral ko yung mga sinabi ni Ms Queenie. Sinubukan kong mag isip ng mga dahilan at nagdugtong dugtong ng posibleng kwento pero, may mali.

Kaya ang ginawa ko ay pinuntahan ko si Simon. Siya yung investigator na humawak sa kaso ni Cheryl noon. Gusto kong makakuha ng impormasyong nakuha niya noon para di ako mahirapan ng todo.

" Oh? Dela Cruz? Napadaan ka sa opisina ko. Do you need anything? "

Kahit kelan mayabang ang taong to.

Parehas lang naman kami ng rango pero kung umasta akala mo boss.

" Magandang Hapon sayo, Simon. May kailangan kasi ako sayo."

" Yun! Tama ang ginagawa mong lumalapit ka sakin. Ano ba ang maipaglilingkod ko sayo?"

" Ikaw ang may hawak sa kaso ni Cheryl Leonardo dati, diba?" Tanong ko sakanya. Tiningnan niya ko ng diretso at parang may iniisip siya na di ko maintindihan.

" Oo. Ako nga. Binitawan ko na siya dahil wala naman akong napapala. Napapagod lang ako pero wala naman akong matibay na impormasyong nakukuha."

" Kinuha ko kasi yung kaso. Gusto kong tulungan si Ms. Leonardo. Hihingi sana ko sayo ng mga kopya mo. Anything na nakuha mo nung hawak mo pa yung kasong to."

" Ha?! Tanga ka ba, Inspector Dela Cruz?! Haha! Wala kang makukuhang impormasyong mahusay sa kasong yan! Kaya nga binitawan ko e. Dahil walang mapapala! Puro kwento lang ang inabot ko at walang ibang ebidensyang nagtuturo sa pagkawala niya!"

" Mas mabuti kasing pinaghihirapan ang isang bagay at hindi sinusukuan agad agad, Simon. Kaya... Pahingi nalang ako."

" Sige. Bahala ka. Ikaw rin. Mapapagod ka lang at magmumukha ka lang tanga sa ginagawa mo."

" Simon. Ito ang trabaho natin. Ang maghanap at mapagod kahahanap. Kaya siguro hindi mo nakita at nalaman ang dahilan ng pagkawala niya, dahil wala ka naman ata talagang ginagawa? Tama ba ko?"

" Yabang mo ha! Ano ba talaga ang gusto mong palabasin?! Na mas magaling ka sakin?"

" Hindi ako nakikipagpagalingan sayo. Ginagawa ko lang yung trabaho ko."

" Wala kang makukuha sakin dahil itinapon ko na lahat ng hawak kong impormasyon. Sinasabi ko sayo. Story line lang ang mabubuo mo sa kasong yan."

" Wala ba talaga? Kahit natira? Wala?"

" Wala nga! Bakit naman ako magsisinungaling? "

" Baka kasi may tinatago ka or pinagtatakpan lang na tao? Imposible kasing wala kahit konti... Saka... Bakit mo itatapon ang isang impormasyon na galing sa mga taong makakapagturo ng katotohanan sa isang kasong hawak mo?"

" Pinagbibintangan mo ba ko na may alam sa kasong yan? "

" Di kita pinagbibintangan. Sinasabi ko lang kung ano yung ipinapakita mo sakin."

" E gago ka pala e! "

" Huminahon ka. Napaghahalataan ka e."
Pagkasabi ko noon ay umalis na ko.

Parang tanga!

Nagtatanong lang ako pero, nagagalit.

Napaghahalataan tuloy siya.

Di kaya??

May kinalaman talaga siya kaya kahit may ebidensya? Di niya inililitaw??
O... May pinagtatakpan talaga siya?

Shit!!

Nakakainis!!

Pag napatunayan kong may kasalanan siya.. Di ko siya sasantuhin.. Malalagot siya sa batas.

Scream Shout & Hide 2 ( SSH 2 ) (COMPLETED)Where stories live. Discover now