PART 4

33 1 0
                                    

AIRISH POV

Nandito kami sa loob ng kotse matapos kaming magtatakbo kanina.

Kaming tatlo lang nila Ericka at ni Russel dito. Hindi ko alam kung nasaan ang iba.
Basta pagkatakbo namin galing sa entrance ay dito kami dumiretso.

Hindi naman namin namalayan na wala sila sa likuran namin.
Sana, wag nila kaing iwanan.

Natatakot na ko kanina pa, pero tinitibayan ko lang ang loob ko para sa mga kaibigan ko dahil kanina pa sila takot na takot at nag iiyakan.

Ayaw kong ipakita sakanila na wala na kaming pag asa.
Kaya kahit natatakot ako ay ipapakita ko sakanila na kailangan naming maging matatag sa pamamagitan ko.

Pero ang nakakatakot lang kasi...
Hindi lang isa yung halimaw. Dalawa sila.
Dalawa silang umaaligid aligid sa paligid namin.

Nasa harapan ng kotse namin sila ngayon at tila naghahanap ng mabibiktima.

" Bes! Natatakot na ko! Ayaw ko na dito! Gusto ko ng lumabas! " si Russel.

" Sige! Lumabas ka! Ayun oh! Magpalapa ka!" Sabi ni Ericka.

" Gaga! Ibig kong sabihin! Gusto ko ng makaalis sa parking na to! I want to go home! " si Russel

" sino bang hindi? Lahat naman diba?! "

" Dalawa na yung namatay! Yung Guard! Saka yung barkada nung maingay na lalaki! Ayaw ko pang sumunod! "

" Walang Susunod! Hindi kita pababayaan! Hindi ko kayo pababayaang dalawa! "

" Paano mo kami ililigtas! E ngawa ka rin ng ngawa diyan! "

" E natatakot din kasi ko! "

" Ewan ko sayo bruha ka! "

" Ssshh!" Saway ko sakanila dahil napagmasdan ko yung halimaw at wala siyang mata.
Sigurado rin akong wala siyang naririnig dahil tapyas ang tenga niya.

Ibig sabihin, pang amoy lang ang ginagamit niya.

" Oh My God! Palapit siya dito! " sabi ni Russel saka siya yumakap kay Ericka.

Ako naman ay umurong lang ng bahagya pero nakatingin pa rin sa halimaw.

Kitang kita ko ang malalaking butas ng ilong niya.
Tama nga ako. Malakas ang pang amoy niya.

Iyon ang ginagamait niya para mahanap niya kami.

" Guys. Kalma lang kayo. Hindi niya tayo naririnig. Hindi niya rin tayo nakikita. Naaamoy niya tayo kaya niya tayo nasusundan." Sabi ko

" Paano tayo kakalma bes! Tingnan mo oh! Ayan na siya! Inaamoy na niya yung sasakyan!" Sabi ni Russel.

Nang tingnan ko si Russel ay namataan ko ang halimaw sa likod niya at magibg ang bintana doon. Nakabukas ng maliit na maliit yung bintana.

Magsasalita palang sana ako na isara niya yun, pero
Nagulat nalang kami ng biglang basagin ng halimaw yung salamin ng kotse namin at mabilis na hinatak nun si Russel.

" Aaaahhhhh!!!!!" Sigaw niya.

Nahatak pa namin ang paa niya kaya nakikipag hatakan kami ngayon sa halimaw.

" aaaahhh!!! Tulungan niyo ko!!! Parang awa niyo na!!! Tulungan niyo ko!!" Sigaw niya habang umiiyak na.

" Hilahin pa natin siya Ericka! Bilis!" Sabi ko pero pag hila namin ay tumalsik lang din kami sa loob ng kotse dahil nahila niya si Russel at sapataos niya lang ang nakuha namin.

Mabilis kong binuksan yung pinto saka ako lumabas.

" Tulungan niyo ko Bes!" Sigaw pa niya.

Lalapitan ko sana siya pero huli na.
Dinukot na ang lamang loob niya at saka kinain nung halimaw.

Scream Shout & Hide 2 ( SSH 2 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon