PART 7

30 3 0
                                    

KAHELYA POV

" Hindi pa rin ba natatagpuan ang mga lapastangang yun?" Tanong ko kay Tyros. Aking kabiyak.

Ang tinutukoy ko ay si Prinsipe Pinol at ang kanyang walang modong kaibigang si Balandu.

Dahil sakanya ay puro sugat at tila namumula pa rin ang aking katawan dahil sa mga kagat ng mga insekto sakin.

Hindi ko alam na may ganoong kakayahan pala ang kaibigan niyang alipin na yun. Kakayahang tumawag ng mga insekto.

Ang pinagtataka ko lang.

Ang mga tikbalang na ang pinaggalingan ay mababa ang posisyon ay di binigyan ng kahit na anong lakas o pwersa, pero bakit ang lapastangang si Balandu ay meron?

Saan ba talaga siya nagmula?

Anak ba talaga siya ng mga alipin?

" Huminahon ka, Mahal kong Kahelya. Hindi maiibsan ang mga sugat mo kung ikaw ay magagalit diyan oras oras. " nang aasar na sabi sakin ni Tyros.

" Palibhasa'y hindi ka nabiyayaan ng kahit na anong kakayahan kaya't hindi ka nangangamba sa taglay na kapangyarihan na meron si Balandu." Sabi ko sakanya na tila nagpipigil ng inis ko.

" Hindi naman kataka taka yun, Mahal kong Kahelya. Alam mo ang pinagmulan ni Balandu, malay mo'y pinagpala siya ni Bathala kahit na anak siya ng isang.... alipin?? HAHAHA! At alam mo rin kung nasaang pangangalaga ngayon si Prinsipe Syro? Hindi mo na kailangang magtaka sa posibleng dahilan, Mahal kong Kahelya. "

" Naiintindihan ko ang gusto mong palabasin. Ngunit may kakayahan din si Prinsipe Syro---"

" Kakayahang ano? Magalit? HAHAHA. Ako ba ay iyong pinapatawa? Kayabangan lang ang meron si Prinsipe Syro. At kung tutuusin, ang taglay niyang kapangyarihan, ay meron din ang lahat. Yun ay ang pagtakbo ng mabilis dahil tikbalang siya, at tikbalang ang uring pinaggalingan niya." Sabi niya.

Sa tingin ko ay may nalalaman itong si Tyros na hindi ko nalalaman.

" Ibig mo bang palabasin, si Balandu ay may posibilidad na anak ni Dilawan o kahit na sinong nilalang na may mataas na posisyon sa ating Palasyo?"

" Hahaha! Ewan ko! Hahaha! Sa pagkakaalam natin si Prinsipe Syro ay nagmula sa pamilya ng mabababang uri dito sa palasyo"

" Oo! Ayon sa kwento mo." Sagot ko naman.

" At ang posibilidad na naglalaro sa aking isipan ay Ibinigay ni Dilawan si Balandu, ( tunay niyang anak ) sa mga Alipin dahil si Balandu ay anak niya sa isang Mortal." 

" Ang ibig mo bang palabasin ay pinagpalit ni Dilawan si Balandu sa mga alipin at kinuha niya si Syro para ipakilala na anak niya sa asawa niyang Hari?"

" Maaring ganun na nga, pero hindi pa rin iyon ang dahilan."

" Pero bakit kailangan pa niyang itago kung tama nga ang naglalaro sa isip mo? Ano ba talaga ang totoo?"

" Dahil hindi pwedeng malaman ng kung sino na nagbunga ang pagmamahalan nila ng taga mortal. Baka nakakalimutan mo? Ang itinakdang Reyna ay hindi pwedeng magkaroon ng anak na may lahi ng mga tao."

" Naiintindihan ko na... ibig mong ipabatid na si Balandu ay may lahing tao, at may lahing tikbalang dahil anak siya ni Dilawan at ni Kanor. Tama ba ko? "

" Ang kaibigan kong Mortal. Hahaha" nakangiting sabi niya sakin.

" Siguro'y ikaw ang may kagagawan ng lahat?" Usal ko sakanya habang ang tono ko ay medyo mataas na ng konti dahil nalilito na ko sa sinasabi niya.

Scream Shout & Hide 2 ( SSH 2 ) (COMPLETED)Where stories live. Discover now