PART 6

55 1 0
                                    

GWEN POV

" Akala ko di ka papasok e." Si Diether.

Inantay niya kasi ko sa gate para lang maibigay yung COR kong naiwan ko sakanya.

Buti nga daw at tama siya ng hula kung saan ako hihintayin e.
Gate 2 kasi ako dumadaan, e madami ring gate dito sa university namin. Kaya... Nagpapasalamat na rin siya dahil worth it ang pag iintay niya sakin sa Gate 2.

" Sino yun? Tinitingan ka oh."

Tiningnan ko naman yung tinuturo niya at si Orlan yun.

Napangiti ako sakanya at maging siya sakin.
Si Orlan ang tinutukoy ko ha..

" Wait lang." Sabi ko kay Diether at lumabas ako muli ng gate.

Tumingin muna ko sa kaliwa't kanan ko saka ako tumawid.

Galit ako kay Orlan, dahil sa sinabi niyang pinapaasa ko lang siya at kung ano ano pa.

Nasaktan kasi ko dahil wala naman katotohanan yung sinasabi niya.

Pero, Dahil mahal ko talaga siya. Kaya siguro ganun.

Kasi sabi nga.. Kapag mahal mo ang isang tao, mabilis mo siyang mapapatawad sa isang kasalanang wala namang kakwenta kwenta.

At para sakin, walang kwenta yung kinagalit ko.

Kasi, narealized ko naman na tama siya kahit konti. Pinapaasa ko siya, pero mahal ko naman talaga siya.

Haay! Basta mahal ko siya. At kaya ko siya pinapaasa sa ngayon, ay dahil sa may gusto pa kong bagay na gustong gusto kong makuha.

Saka... May pag asa naman talaga siya sakin e. Yun nga lang.. Di niya alam.

Pero, malaki ang pag asa niya sakin.. Kasi nga, mahal ko siya. Sobra.
Kaya wag sana siyang mangamba.

" Sino yung kasama mo?"

" Ahh. Si Diether. Kaklase ko siya. E naiwan ko sakanya yung COR ko, ibinalik lang niya. Di ko na kasi siya kaklase sa class ko ngayon."

" I see. " sabi niya tapos masama ang tingin niya kay Diether. Tiningnan ko si Diether at ganun din siya kay Orlan.

Teka??

Ano nangyayari sakanilang dalawa??

" Sorry kahapon, Gwen. " Sabi niya.

Ano ba yan!

Magtatanong ako e naunahan pa ko.

" Sorry rin kung umarte akong parang bata. Sorry talaga."

" No.. Ako dapat magsorry kasi nasaktan kita. Di ko naman talaga gustong sabihin sayo yun e. Sorry talaga."

" Wala yun. Basta ikaw. Always forgiven."

" Naks naman. Ganun ako kaimportante sayo?"

" Oo. "

" E di mahal mo ko?"

" Ewan ko." Pumamewang na sabi ko.

" Haha. Nga pala.. Di na kita kukulitin, baka magalit ka na naman e.. "

Ngumiti lang ako sa sinabi niya tapos ay hinintay ko ulit siyang magsalita

" Hanggang anong oras ang klase mo?"

" 5 pa. Dire-diretso klase ko e. 3 hours, tapos 3 subject pa. 1 hour lang vacant ko. 1-2. Bakit?"

" Wala lang. Ahhmm.. Kumain ka ng lunch mo ha. Wag kang magpapagutom."

Scream Shout & Hide 2 ( SSH 2 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon