PART 6

34 2 0
                                    

NARRATOR

May dalawang babae ang naglalakad sa kalsada.
Nagkekwentuhan sila at nagtatawanan.

Dis oras na ng gabi kaya wala ng gaanong tao sa paligid.
Sobrang tahimik at sobrang dilim ng paligid.

" Sabi ko naman kasi sayo, umuwi na tayo kanina pa. Tuloy, wala tayong masakyan na tricycle. Naglalakad tuloy tayo." Sabi ng isang babae na tila ba'y hilo habang naglalakad.

" Pasensya na ha. Kasalanan ko." Sarkastikong sabi ng isa pa.

" Talagang kasalanan mo. Hayok ka kasi sa alak. Porket nandun si Ryan. Lumalandi ka na. Parehas tuloy tayong lasing at uuwi ng sabog! Patay ako neto sa Tatay ko."

" Inggit ka lang. Kasi walang lumalandi sayo."

" Ewan ko sayo, Lasengga!"

" Look who's talking! "

" Yung Kaibigan mong mas maganda sayo!" Sagot nito na may halong pagmamalaki.

" Wow! Kapal ha."

Habang nagtatalo ang dalawa ay may nagmamasid na sakanila.

Si Prinsipe Syro.

Pero dahil sa lasing ang mga ito ay di nila nararamdaman na may sumusunod na pala sakanila.

Hanggang sa....

" Ay saglit lang. Nalaglag yung hikaw ko, Girl." sabi ng isa saka siya naghanap sa gitna nang kadiliman ng kalsada.

" Ano ba yan! Ginto ba ang halaga niyan?... Haay Naku!!... Bumili ka nalang ng bago!... Sabihin mo kay Ryan mo, ibili ka niya!! Para siya ang gumastos ng pambili mo dyan sa kakereng-kengan mo! Sampung piso lang naman ang halaga niyan e. Sayang na sayang ka! Si Ryan panigurado ibibili ka 'non nang Mamahalin!!"

" Ayaw ko. Nakakahiya. Saka mahalaga sakin yung hikaw na to! Bigay sakin to ni Ben kaya hinahanap ko!"

" anong bigay ni Ben?! Loka! Kasama mo ko nung binili yan!!" Sabi nito saka binatukan ng mahina ang kaibigan niya.

" Heh! Kahit na! Inihanda ko pa rin yun para kay Ben."

" Huh! Ewan ko sayo! Gaga!" Sagot nito sa kaibigan saka sinabayan ng irap ng mata saka ito pumamewang.

Nang di sinasadya ay napatingin siya sa kanan niya at nakita niya ang isang lalaki na nakatayo at nakatingin sakanila.

Walang saplot.

Nanlaki ang mata niya at talagang tinitigan niya ito.

" O! M! G!!! Girl! Girl! Girl, look!! may Hot Guy doon oh. Mukhang wala atang damit! My God!!! So Sexy!! Ang laki!!!" Halos nananakam na sabi ng babae habang tinititigan niyang mabuti ang balangkas ng nakatayong lalaki sa dilim.

" Teka. Malapitan nga. Baka maka'jackpot pa ko sa Lalaking to." Nakangiti at interesadong dagdag nito at lumapit siya sa kinaroroonan ni Prinsipe Syro.

" Hi... ako nga pala si Paula. Ano ang pangalan mo?"
Hindi siya sinagot nito at tinitigan lang siya nito mula ulo hanggang paa.

" Bakit nakahubad ka? Kitang kita tuloy yang malaki mong ano. Hihihi." Sabi nito.

" Nakita mo ba kung nasaan si Balandu at si Prinsipe Pinol?" Blanko at seryoso ang boses na tanong nito.

" Hindi. Saka... i don't know who are they e. " Sagot nito habang nililibot pa rin ang paningin niya sa katawan ng kausap niya.

" Maaari mo ba silang ituro sakin?? Kailangan ko silang mahanap sa lalong madaling panahon, para paslangin."

" Hindi ko nga sila kilala. Sino ba yung mga yun? Mga nakahubo rin ba sila katulad mo? Hihihi. Infairness ha! Malaki pala talaga yang ano mo, kahit hindi pa galit! Hihihi... OhMyGod! Ang tigas pa ng muscles mo oh... " dagdag nito habang hawak ang braso ni Prinsipe Syro.
" Nag-gy'gym ka ba? Kasi kung nag-gy'gym ka, pupuntahan kita. Saan ka nga pala nakatira? "
Tanong nito, pero hindi na siya pinansin ni Prinsipe Syro.

Scream Shout & Hide 2 ( SSH 2 ) (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ