Chapter 3: Just Happy

234 19 33
                                    

Chapter 3: Just Happy

"Anong nangyari? Bakit kayo nagaaway?" I asked worried.

Patuloy naman sa pagiyak si Mia kaya tumingin ako kay Nate.

"Nate?" I asked again. Pero nilayo niya lang sakin yung tingin niya. Seriously? Pagkatapos nila gumawa ng scene di sila magsasalita? tsk.

"Okay. Screw this. Yana babes pakidala mo muna sa kwarto si Mia, please?" sabi ko kay Yana habang nakapout. Dinala naman nila ni Nics si Mia papuntang kwarto.

"Sis, gamutin mo muna yang si Papa Nate. Ako na maglinis over here." Pabulong na sabi sakin ni Leo. I nodded naman at nag-thank you sakanya.

"You!" I pointed at Nate.

"What?!" Galit na sabe nito. Aba! Siya pa nagalit. I rolled my eyes at him sabay hinila yung right hand niya. Nahiwa kasi siya sa left arm nya dahil sa binatong glass ni Mia.

Kinuha ko yung first-aid kit para i-try gamutin si Nate. Kaso ang dami ng blood. Hindi naman ako takot sa Blood. Pero mabilis akong manghina whenever I see blood. Dati nga nung bata ako nasugat ako sa finger tapos andaming blood halos hindi na ko makahinga sa kaiiyak. Weak diba?

"Ako na!" Masungit na sabi ni Nate habang inaagaw nya ung bulak. Sya na nga tinutulungan siya pa masungit. Ano ba kasing nangyari sakanila ni Mia? Gusto ko magtanong kaso baka sabihin niya nangengelam ako.

"Ako na! Wag mo ko pakitaan niyang topak mo Nathaniel!" Pagalit kong sinabi. Oh Gosh. Pupunasan ko na yung dugo!

Dahan-dahan ko nang pinupunasan yung sugat niya. After ko linisan I covered it with bandage.

'Haay.' I sighed. Tapos na. OK na. Habang inaayos ko yung kit narinig ko namang natatawa si Nate. niliitan ko sya ng mata. Ano naman kayang problema nito? Kanina galit tapos ngayon tatawa.

"WHAT? Alam mo napapraning ka na. Ayos ka na ba? Masakit pa ba?" Tinanong ko sya.

"Liv, nilinis at binandage mo lang sugat ko. Hindi nakakawala ng sakit to." Patawang sabi niya. Beyen, yabang naman. Hinawakan at diniinan ko ung sugat niya.

"ARAY! What the hell?" Pagalit na reaction ni Nate. Bleh! Dinilaan ko siya. Buti nga sakanya.

"Sadista!" Nate said smiling while he pinched the tip of my nose. It's my turn naman to say "aray" habang hinahawakan ilong ko. Bigla naman naging serious uli yung face ni Nate. Tanungin ko na kaya?

"Nate? Do you want to talk about it?" I asked. Wala naman dapat i-kaselos si Mia kung tatanungin ko diba? Matagal naman na sila. Mas matagal pa nga naging sila kesa samen ni Nate. Baka lang may matulong ako.

Nate looked at me with a serious face. Oh Gosh! those beautiful eyes that I used to stare at. Hinde nagsalita si Nate, he just continued to stare at me. Shocks! bumibilis yung tibok ng puso ko. I can feel the color in my cheeks rising. Bakit ganto? Hindi ko din matanggal ung tingin ko sakanya. HELP! 

"Mika?" Someone called me. Shoot! Sana hindi weird tignan ung stare-down namin ni Nate.

"Keith!" mabilis akong napatayo at humarap sakanya. Lumingon naman si Keith kay Nate and nag nod, which is ni'return din ni Nate. Pero parehong seryoso itsura nila. 

"How are you feeling?" I asked Keith to break the awkward silence.

"Medyo nahihilo pa pero ok naman na. U-uhm, ikaw naman yung nagdala sakin sa kwarto ni Leo diba?" Medyo naguguluhan na tanong ni Keith.

"Yes, sino pa ba?" I smiled proudly at him. "Ano ba kasing trip yan at naginom ka ng ganyan?" I asked Keith.

"Alam mo naman na ang dami kong ginagawang projects and ung thesis pa. Give a man a break!" patuksong reply nito. I rolled my eyes at him at pumunta sa side nya para i-one-hand hug sya. Inakbayan nya naman ako and kiniss sa top ng head ko.

The Story of UsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant