Chapter 17: That Look

66 2 6
                                    

Hinde binitawan ni Nate yung kamay ko at hinila ako papunta sa sasakyan niya. Hinde kame nagsasalita pareho pero nangangati na yung dila ko at gusto ko na siya sigawan at tanungin. 

Nagulat ako nang bigla kaming huminto nung nasa harap na kame ng car niya. He turned around and looked at me. 

"Hahatid na kita." Well, no shit sherlock. Alangan namang hinila mo ko papunta dito para lang may kasama ka maglakad?

Tinaasan ko siya ng kilay at hinintay na mag-explain siya. Nate just sighed and combed his hair with his hands. Halata yung mga bruises niya na malapit sa labi at kilay niya. Damn. He looks so good doing that. Nagulat ako sa bigla kong inisip. Anu bang iniisip mo Mika!

"What?" Nate asked. Huh? Anu yun? May sinabe ba ko?

"Why are you blushing?" 

"W-what?? I'm not!" 

"Baket ka pala namumula?"

"Ha? K-kasi...Kasi galit ako! Para saan yung ginawa mo kanina? Ano yon Nate?!" Wew, muntik na yon. Buti naalala ko yung mga itatanong ko sakanya.

"Para saan? Bagay lang sakanya yon." reply nito saken.

"Bagay? Kelan pa naging bagay sa kahit sino yung black eye na ganyan?" sabe ko habang tinuturo yung muka niya. Bigla naman niya kinuha yung kamay ko na nakaturo sakanya.

"Don't tell me bibigyan mo pa siya ng chance?" Biglang tanong ni Nate. Seryoso ang muka niya habang hawak niya yung kamay ko. Napatitig naman ako sa mga mata niya at hinde alam kung ano ang isasagot.

"I'm hurt Nate. I'm hurt enough to break up with him. Can I just take this one step at a time?" Baket ba parang kelangan agad nila ng sagot? Nakakapagod at nakakstress yung gingawa nila.

"I'm sorry." He said looking at the ground. "We should probably go." he added. He pulled me inside the car and we both went in. 

The drive was silent. It's not awkward and it's not comfortable either. I wanted to ask him if he knows why Keith acts that way towards him. "If you won't stop staring I will stop this car." He said.

"Bat mo ititigil? Masama ba tumungin?" tanong ko. Tumingin naman siya saken ng seryoso. Anong bang problema neto? 

"Okay fine. Hinde na." Masama ba tumitig? If I know nahihiya lang siya kasi andameng pasa ng muka niya. Hmp!

After ilang minutes ng katahimikan dumating na kame sa bahay. Excited akong lumabas sa sasakyan niya. As if naman magstastay pa ko sa loob noon! Hinde na ko makahinga sa bad vibes na binibigay niya.

"Pasok ka muna. Ayusin mo yang muka mo at baka makita ka ni titang ganyan." Sabe ko sakanya mula sa labas ng sasakyan niya.

"Hinde na. Sige pasok ka na." Reply nito at sinumulan na yung engine ng sasakyan niya. Ano bang meron dito? Kanina okay siya, tapos nagalit, tapos nagsorry, tapos nagalit nanaman. Hanggang ngayon galit paden. Ako tong dapat magalit eh. Hayy!

Pumasok na ako sa bahay at nagulat ako sa sumalubong saken. "Sister!! Nabalitaan ni watashi ang scenario na nangyare between Papa Nate and Papa Keith! Okay ka lang ba? Natamaan ka ba?" Nag-aalalang tanong Leo.

"Kanino mo naman nalaman?" Tanong ko sakanya. Ambilis ng balita ah.

"Kay Yana. Kanina pa kame tumatawag sayo pero unattended phone mo!" Nako, malamang kay Chris niya nalaman yon.

"Nakapatay kasi phone ko. Hinde ko nga den alam nangyare e." Totoo naman e. Hinde ko alam baket may galit sila sa isa't isa.

"NAko sis! If I know na-imbyerna tong si Papa Nate dahil ayaw ka pa i-let go ni papa Keith!" sabe ni Leo

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon