Chapter 20: Cycle

65 2 2
                                    

Chapter 20

"Most of our life is a series of images. They pass us by like towns on the highway. But sometimes a moment stuns us as it happens. And we know that this instant is more than a fleeting image. We know that this moment, every part of it, will live on forever."

“Mikatok!” narinig kong may sumigaw sa baba. Kasalukuyan akong nagbibihis dahil katatapos ko lang maligo. Tinignan ko ang oras. 8:05, nandito pa kaya si Nate?

Ilang seconds lang biglang bumukas yung pinto ng sobrang lakas. “Mika!” Lumingon ako sa pinto at nakita si ate na ngiting-ngiti. “Leanne!” Gaya ko naman sa pagsigaw niya at sabay ngiti din.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako na nakadikit yung pisngi niya sakin. “I’ve missed you much! I got loads of things to talk about!” Sabi nito habang yakap-yakap padin ako. Clingy talaga ni ate forever.

“Kelan ka ba naubusan ng paguusapan?” Nakatawang reply ko sakanya. Binitawan niya na ako at humiga siya sa kama. “So, first things first, okay ba kayo ni Nate?  I mean nandito nanaman siya and all.” Biglang tanong nya sakin. Ha! So nandito pa pala si Nate!

“Ate, hindi ako yung pinunta niya dito , Si Zach. You know that!”

“Oh come on Liv, even Zach knows na you’re always one of the reason why Nate is always willing to go here.”

“That’s so not true ate. Wag kayo mag-assume ng ganyan ni Zach. Seriously.” Reply ko sakanya. Anu ba naman yan hindi na makamove-on sa issue na to.

“Bakit? Kasi umaasa ka?” Sabi nito biglang tawa. Kaya naman binato ko siya ng unan ng malakas.

“Ohh~ defensive!” dagdag nito at binato ko uli siya ng unan at natawa lang siya lalo. Ako? Aasa? Nanaman? Hindi ko na din alam nararamdaman ko o dapat kong maramdaman. Gusto ko sabihin kay ate lahat ng nasa isip ko pero natatakot ako na baka paglumabas na to hindi ko na mapigilan.

“Tawang-tawa ka ah?” sabi ko kay ate habang nagsusuklay ng buhok.

“Alam mo kasi Liv, feeling mo ang hirap mo basahin. Pero sa totoo lang kitang kita sa mga reaction mo yung mga possible na feelings mo. And I bet Nate can still read you like an open book.” Bago pa ako makapagreply biglang bumukas yung pinto ng sobrang lakas.

“Bakit nandito nanaman si Nate?” Sigaw ni Yana mula sa pinto ng kwarto. Here comes the other one! Grabe parang masisira na ata pinto ko dahil sa pagbukas nitong dalawang to.

“Yana Yana!” Bati sakanya ni ate.

 “Hi ate kamusta?” reply ni Yana.

 “Maganda pa din” sagot ni ate kaya nag-roll lang ako ng eyes. Atleast change topic na. Thanks Yana!

“So, bakit nandito si Nate?” or not, ugh!

“Gusto niya makita si Mika.” Singit ni ate.

 “Ganon? Ang arti niyong dalawa ah. Ano to? Balik highschool? Pakiramdaman uli? If I know naramdaman niyo na isa’t-isa!” Sagot naman agad ni Yana.

“Oh my God Yana!!!” reply ko sabay takip ng mukha. Bakit ko ba naging bestfriend tong babaeng to?

“What? I mean naramdaman na yung love, yung feelings. Kung ano-ano iniisip mo kamo.” Biglang segway nito habang nakangiti ng nakakaloko kay ate. Natawa lang naman si ate at nakipag-apir kay Yana.

“Ewan ko sayo! Bakit ka ba nandito?” Tanong ko kay Yana. “Wow! I feel loved.” Sagot nito ng nakahawak sa heart niya na parang nasaktan siya. “May pinadala lang sakin si mama na mga brochures para ata sa wedding. Binigay ko na kay tita sa baba.” Dagdag nito.

The Story of UsOnde histórias criam vida. Descubra agora