19. Catching Feelings

4.8K 161 15
                                    

#WhatIfTB on twitter!

ARA

"Eh yung mag-pinsan na nagkaka-crush sa'yo nung maliit ka pa, Ara? Natatandaan mo pa?" Tanong ni Mama sa'kin. Kauuwi niya lang from London at gusto niya daw ng oras kasama ang unica ija niya kaya eto kami ngayon sa room niya sa hotel at magkatabing nagkukwentuhan.

"Grabe ka naman mag-throwback, Mama! Galing ka lang ng London uy!" Pagsagot ko sa kanya.

"Eh ano nga anak? Natatandaan mo ba?" Pangungulit pa din ni Mama.

"Opo, Ma. Natatandaan ko po. Ano po ba meron?"

"Nagkita kasi kami ng Mama nung isa dun sa London. Ayun mga 3 days din siguro kaming magkasama. Ito naman kasing si amiga, gusto daw mag-travel alone, but ako na din ang nag-tour sa kanya sa London. Ang saya kasama, at ang daming kwento tungkol sa anak niya, at oo nga pala! Nabanggit niya na dito din daw sa DLSU nag-aaral ang anak niya?" Daldal ni Mama. Tinatawanan ko na lang. Kilala ko naman kasi kung sino ang tinutukoy niya.

"Opo Ma, sa DLSU din yun nag-aaral. Athlete din. Galing mag-basketball nun, Ma! Bansot nga lang."

"Alam mo ikaw kahit kailan mapanlait ka! Patingin nga dun! May picture ba kayo na magkasama?" Hinihila-hila niya pa ang braso ko.

Napangiti ako, naalala ko nanaman na hindi kami nag-uupload ng picture naming dalawa na magkasama.

"Basta, Mama. Mag-promise ka muna."

"Na ano?"

"Na wala kang pagsasabihan kahit kanino at lalo na sa mga fans na may picture kami nito. I-promise mo Ma! Nako talaga!" Bilang pagjo-joke ay niyugyog ko pa talaga si Mama.

"Oo na, promise! May jetlag pa ako! Kung maka-yugyog ka dyan!"

At pinakitaan ko na si Mama ng picture namin ni Thomas Torres.

At sa lahat ng unexpected moments na magte-text 'tong bansot na 'to, ngayon pa talagang si Mama ang may hawak ng phone ko. Nag-appear sa upper part ng phone ko ang text niya.

From: Thom Torres

Congrats on your win, b! Galinggaling. <3

Iniabot sa akin ni Mama ang phone, with a smirk on her face. "Ikaw talagang bata ka, hindi mo naman binanggit sa'kin na boyfriend mo pala."

"Hindi ko boyfriend yan ha! Ikaw talaga! Galing ka lang London, malisyosa ka na." Tatawa-tawa kong sabi.

"Talaga ba? Eh ano ibigsabihin ng "b" sa text niya?"

"Baboy."

"Eh yung heart?"

Sasagot pa lang sana ako nang biglang..

Thom Torres calling...

"Make me believe, Ara." She kissed my forehead at nag-tap sa shoulder ko while wearing that victorious grin.

"Ewan ko sa'yo Ma! Missed you!" Isinigaw ko dahil naglakad na siya papuntang kusina kaya sinagot ko na din ang tawag ni Thomas.

"Hello?" I said as I answered his call.

"Bakit di ka nagre-reply? Hello!" Ang cheerful naman ni Thomas.

"Kasi po si Mama ang may hawak ng phone ko. Bakit ba pinupusuan mo pa yung text mo? Akala tuloy mag-jowa tayo!"

"Chill, Ars. Congratulations baboy! Galing galing!"

"Tsaka yang galing galing na yan..."

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon