I Almost Do

2.6K 109 30
                                    

#WhatIfTB

~

ARA

"..and your Philippine SuperLiga All Filipino Conference 2017 Champions.. the Petron Blaze Spikers!!!"

Naramdaman ko yata ulit yung puso ko na nadurog sa libo-libong piraso dahil ginawa ko talaga ang lahat para ma-extend ang finals series na 'to. Kaso wala eh, nakuha din ng Petron ang Game 2.

Nakatingin lang ako sa kanila habang nagsasaya sila at ako naman ay nakaupo.

"Okay lang yan, achi chebs. Bawi tayo next season.." Pag-co-comfort ni Des sakin, pero alam naman niya na dadamdamin ko pa din 'to. Ito lang ang ayoko sa sarili ko kapag natatalo kami.. pakiramdam ko ako lagi yung nagkulang.

Napangiti naman ako ng bahagya nang makita kong masaya naman si Mika at Bang. Maya-maya pa ay tinawag na kami dahil mag-a-awarding na. Pagtayo ko ay sakto naman na nakasalubong ko si Ate Cha.

"Ara.." Napa-pout si Ate Cha kaya hindi ko na napigilang yumakap sa kanya at humagulhol ng iyak. Hinagod niya naman ang likod ko habang patuloy ang pag-iyak ko, "Ara, wag ka na umiyak. Bawi tayo next season.. You did your best, okay?"

Tumingin ako kay Ate Cha at pinunasan niya yung muka ko. Pinunasan ko na din muka ko. Nahiya na ako eh pero malungkot pa din.

"Hay nako, ang baby Ara namin hindi na yata lalaki." Pang-aasar ni Ate Cha para mapangiti ako. Successful naman siya.



Medyo um-okay na ako through awarding, lalo na nung nalaman ko na ako yung 2nd best open hitter. Tumayo na ako dun with the bear and the flowers at kasunod ko naman na si Majoy at Mika.

Tumingin sakin si Mika at sinabing, "Congrats! Malakas pa din ha!" Natawa naman ako, "Strong 'to noh." Sagot ko sa kanya.

"May celebration kami ng Petron mamaya. Samin muna si Bang ha?" Pagpapaalam ni Mika.

Nag-thumbs up naman ako, "Understood na yun daks!"

"Sama ka?" Tanong niya naman.

"Baliw! Sa Petron na yun! Sa Taft na lang ako!" Sagot ko sa kanya.



Nakita kong nag-smirk si Mika sa akin at natawa. Nakipagpalit siya ng pwesto kay Majoy dahil ini-a-announce pa naman yung ibang awardee.



"Ayan ka nanaman e.." Pagpigil ko sa kanya.

"Gaga ka daks! Wag mo tatawagan ha! Umayos ka!" Pagpapaalala ni Mika.



Noong UAAP days kasi namin, tuwing masama loob ko sa talo namin, may isang tao akong gusto laging makausap. Si Mika na lang ang sinabihan ko na pigilan ako dahil nga may kanya-kanya na kaming buhay.



"Pigilan mo lang, Ara. Wala na ako sa tabi mo para pigilan ka pa. Malaki ka na.." Sabi naman ni Mika.

Natawa naman ako, "Sabi ni Ate Cha hindi na daw yata ako lalaki."

"Feel na feel mo naman yang pagka-baby mo!" Sabay batok sa akin ni Mika.



~



Pagkatapos ng awarding, naligo lang kami sa dugout at saka lumabas ng arena. Nagpaalam pa sa akin si Bang bago umalis. Sinabihan ko na lang siya na mag-ingat siya. Hindi din ako sumabay sa van ng team, nagbyahe na ako pabalik sa Taft.

Dumaan lang ako saglit dun sa karinderya malapit sa dorm para bumili ng pagkain ko.

"Tita Bebang, dalawang order nga po ng pork adobo tapos tatlong kanin, take out po ah." Sabi ko naman at umupo ako saglit.

What IfWhere stories live. Discover now