/ / SCENE 1 / /

6.3K 254 90
                                    

                                      "MEANT TO BE?"

                             A Story by : mynameisLynlee

WARNING :

Before reading my story, babala lang po, informal ang pagkasulat ng kwentong ito, kaya makakabasa kayo na parang nag-uusap ang characters ng story at ang baliw na author. Hahahahahaha. Salamat sa magbabasa ng kwento kong ito. ♥

________________________________________________________

SCENE #1 :

[Ana's POV]

Month of June.

Kagigising ko lang, kaya napapainat ako.

First semester ngayon ng First Year ko sa kolehiyo.

I can't believe this. I made it to college na. Yay!

Nakaka excite na nakaka takot --halo-halo yung nararamdaman ko. I sighed.

I open my eyes, close it again. I yawn. Inat-inat ulit. Haaay sarap pa matulog ulit eh.

Pero kailangan ko na bumangon. First day tapos late ako, di magandang image. Hay naku, may pa image-image pa akong nalalaman. Hindi naman ako bobo, pero hindi rin ako ganun ka talino kasi opo, tamad ako, tamad akong mag-aral. Kasalanan ko ba kung pagbukas ko pa lang ng libro, eh inaantok na ako?

I'm not like those grade-conscious students, yung kasali sa dean's list. Average student lang ako, na hindi natatakot magbulakbol. Pero I see to it na pasado ako sa lahat ng subjects!

Oh siya, medyo mahaba-haba na ang pakikipag-usap ko sa inyo mga reader/s, naku lagot kayo kung male-late talaga ako! Uupakan ko kayo! Bwahahaha.

Mabilisan akong bumangon, yung parang sa isang sayaw, hindi back flip, yung isa? Gets nyo? Basta yun na yun. Hindi rin naman kasi ako marunong sumayaw, pasensya naman.

Kinuha ko ang towel ko at dali-daling naligo, nag toothbrush at nag bihis ng school uniform.

Nung masiguro ko ng okay na ako, lumabas na agad ako ng kwarto at pumunta sa dining area para kumuha ng sliced-bread, pinalamanan ko ng egg at hotdog, mabilisan ko ring kinain. Nakita ko si Yaya Loring habang umiinom ako ng juice.

"Morning po yaya." bati ko sa kanya.

"Good morning din hija. Ayan tagal mo kasing nagising, hindi ka tuloy nakakain ng mabuti."

"Kakain po ako mamaya sa school yaya. Sige po, male-late na po kasi ako."

"Sige hija, ingat ka."

Dali-dali na akong pumunta sa garage at sumakay sa kotse ko. Oo may kotse ako, regalo nina mommy at daddy nung grumaduate ako nung High School.

Ang traffic masyado. Nakakairita!

After 123456789 hours, narating ko din ang school at pinark na sa Parking Space ang sasakyan ko, malamang sa Parking Space, san ba dapat davah? Shunga ko talaga.

"Shaaaaa!" 

Napalingon ako. Pero di ko naman makita yung tumatawag sa'kin. Hmmm. Kabababa ko pa lang mula sa kotse ng biglang may tumawag sa'kin. Sino kaya yun?

"Maria Anastasia Hortalezaaaa" 

Dahilan para maraming mga students rin ang napatingin sa gawi ko. Opo, yun po ang buo kong pangalan, buong-buong  pangalan. Kulang nalang ilagay pa ang middle name ko eh. Pssh!

MEANT TO BE? [On-Hold]Where stories live. Discover now