/ / SCENE 64 / /

2.6K 59 42
                                    

SCENE #64 :

[Ana's POV]

"R-Reez?" nagulat talaga ako. Kasi nag-iba talaga ang mukha niya, though yung boses niya, same pa rin.

"What? Don't you know about surgeries?" she rolled her eyes. And I can sense na may nag-iba sa kanya. "Binibiro lang kita. Pero yeah, I've changed my face, to totally forget about the past." umupo siya sa bakanteng silya at bumuntong hininga, "You see, pumunta lang ako dito to say I am sorry sa lahat ng mga nagawa ko sa'yo, sa inyo ni Christian. I've realized na kahit kailan hindi nya talaga ako mamahalin.' bumuntong hininga siya ulit. "Hindi ko maappreciate ang lahat ng meron ako, not until muntik ng mawala sa'kin si Frank... ang lalaking totoong nagmamahal sakin." ngumiti si Reez. At totoong ngiti ang nakikita ko mula sa kanya. "Akala ko, he's just using me. Pero no, mahal na mahal nya pala ako. Nagiging bulag lang ako sa akalang pagmamahal ko para kay Christian. I know you're not interested, pero gusto ko lang talagang mag sorry." hinaplos ni Reez ang tiyan nya na medyo makikita na ang umbok. She smiled, "Frank and I are getting married, and we're having a baby. Sa states na kami titira. Again, I just came here to say, sorry. Mamaya na ang flight namin."

She stood up from sitting. "So, aalis na ako Ana. I hope someday, if not now, you will forgive me. And pagaling ka agad, okay?" ngumiti sya ulit sakin.

Ngumiti rin ako sa kanya. Kahit hirap akong bumangon, I tried to sit sa higaan ko. "Thank you Reez. I know hindi madali ang magpatawad, pero nagpapasalamat ako sa paghingi mo sa'kin ng forgiveness. I just hope you'll be happy with that guy, especially that you're having a baby now."

Ngumiti siya at tumango. "Salamat Ana. Sige aalis na ako. Naghihintay lang sa baba si Frank eh."

Yun lang at umalis na si Reez, ang babaeng dati-rati ay gustong agawin ang lalaking mahal ko. Minsan talaga madali mag-iba ang ihip ng hangin. We'll never know what will hapen. Pero masaya ako para sa kanya, kasi hindi naging huli ang lahat para sa lalaking totoong nagmamahal dito.

 Gumaan bigla yung nararamdaman ko, yung parang nawala yung bigat na nasa loob ko. I smiled absently.

Tao lang din ako, minsan mahirap magpatawad, pero darating ang oras na nararamdaman na natin ang kapatawaran.

Lumipas ang ilang weeks at nakalabas na rin ako ng hospital. Pumasok na ulit ako sa paaralan. Haay naku, nakakabore na talaga mag-aral, lalo na at wala na ang dalawang kaibigan ko dito, sina Laureen at Iyah. Nakakamiss silang dalawa.

Bumalik sa normal yung routine namin ni Christian, ako nag-aaral, siya naman busy sa trabaho. Pero okay lang, nagkikita pa naman kami kapag gabi.

I felt a sudden heat rushed to my cheeks ng may naalala ako.

Waaaaaaaaaaaaaaaa. Bumeberde na naman ang utak ko, naalala ko naman ang abs ng asawa ko. Kyaaaaaaaaaaaaaaa! Kakahiya!!

I distracted myself sa mga naiisip ko. Pumasok na ako sa Library ng tila may nakatingin sakin. Then suddenly a guy approached me. "Hi miss." todo pa ang ngiti.

Yes, gwapo siya, super gwapo. Kamukha niya si Lee Min Ho. Pero loyal ako sa hubby ko noh!

Tinaasan ko siya ng kilay na ikinatawa nya. Aba't! Pinagtatawanan pa talaga ako ng mokong na 'to!

Nilampasan ko lang siya, at diretso kuha sa libro na gusto kong basahin, at umupo sa bakanteng mesa sa loob ng Library. Konti lang ang tao doon, oh well, obviously konti lang ang mahilig magbasa.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Apr 20, 2014 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

MEANT TO BE? [On-Hold]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora