/ / SCENE 17 / /

1.4K 56 27
                                    

[Laureen's POV]

*beep*

From : Iyah Dacer

"My life would be beautiful if you were by my side because you have painted a smile in my heart that will last for a lifetime." 

Ang hilig talaga magpadala ng quotes ni Iyah, nakaka relate naman ako nito. Napatingin ako kay Jake, tumingin siya sa'kin at ngumiti.

*beep*

From : Iyah Dacer

"It's sad to think that a lot of people in hell are begging for one last chance but a lot of people here on earth are wasting those chances"

Is this kind of a sign? Chances....

Malapit na kaming makarating sa Subdivision kung saan andun ang bahay nina Jake at bahay namin. Kung naalala niyo, magkalapit lang ang bahay namin.

Hinatid niya ako sa'min... he opened the door, the typical-gentleman in him.

He guided me para makalabas sa sasakyan niya.

Almost midnight na kaming nakauwi, buti nalang walang traffic.

"Thank you for a wonderful night Jake, especially that perfect dinner." nakangiting saad ko sa kanya.

"You're most welcome Leen. I'm very happy na nagustuhan mo yun. Sana hindi ka napagod masyado." I smile. He's just so caring. Anyone can love this man easily, including me.

"It's worth the drive." I smile again ^_______^

"Sige, pumasok ka na Leen, masyadong malamig na dito sa labas. Good night."

"Okay. Good night Jake." nakangiti pa rin ako at bigla siyang hinalikan sa pisngi at nagtatakbo papasok sa loob ng gate. Para akong sira /  /__\  \ at medyo nakakahiya yung ginawa ko. Pero... jeez.. kinikilig pa rin ako. Ang saya-saya ko. >___<

Pumasok na ako sa gate namin. Ang tahimik. Siguro tulog na ang mga maids namin. Yung gising nalang ay si Manong Guard.

"Good evening po ma'am" bati niya sa'kin.

"Good evening too."

Pumanhik ako papuntang silid ko. Naligo....tapos nagbihis para ready matulog.

I check my phone.

May mga text from Ana...

Natatawa ako sa best-friend ko kasi curious na curious talaga kung saan kami pumunta ni Jake. Matawagan na nga lang.

"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area."

Huh? Bakit hindi ko siya ma contact? Himala. Hhmmmm. Siguro lowbat.

Bukas ko nalang siya tatawagan at magba-bonding kami kasi walang pasok ^_________^

I am still night-dreaming, 'hindi pwede day-dreaming kasi gabi na' hahahahaha. Iniisip ko na ang saya siguro kung magiging kami ni Jake.

Alright, I admit it, I still have feelings for him. Natatakot lang ako at first, pero nakita ko naman ang efforts niya, so maybe it's worth a try, right?

At ang gusto kong unang makaalam ng decision ko ay ang best-friend ko, si Anastasia.

Excited na talaga ako. I can't wait for tomorrow. I yawn.

Tuluyan na akong hinila ng antok.

********************************

"Good morning, beautiful." bati ni Jake sa'kin. Ngumiti naman ako. Ang sarap talaga ng panaginip ko. Morning pa lang, pero nakita ko na ang ka gwapuhan ng mahal ko.

Lumapit siya sa'kin. Kaya inilagay ko ang mga kamay ko sa batok niya, and hug him tight. Panaginip lang naman 'to eh, kaya pabayaan niyo na ako.

I smell his scent... ang bango-bango naman ng mahal ko, kahit sa panaginip, parang totoo. Hhmmmmmmmm

"Hey. Baka maubos ang amoy ko nyan Leen." natatawang saad ni Jake. "Uuyy, in love ka na ulit sa'kin noh?" he's teasing me.

/   /__\   \ anong nagawa ko?! Akala ko kasi panaginip lang. Napatayo ako bigla, I didn't mind na nashock din siya, eh mas nahihiya ako eh, nakakahiya ka talaga Laureen! MyGosh!

"Leen, wait for me..." narinig kong saad niya ng dali-dali na akong bumaba.

Ang init pa rin ng pisngi ko. May payakap-yakap ka pa kasing nalalaman eh! sita ko sa sarili ko.

Pumunta na ako sa dining area, naka handa na ang pagkain, as usual ang tahimik ng buong bahay. Pero ang bilis bilis ng heart beat ko, nakakabingi rin sa lakas ng kabog.

Umupo ako para sana kumain na, para pag takpan ang hiyang naramdaman ko kanina.

"Leen naman eh. Joke lang yun." nakakamot sa ulo na wika ni Jake. Nakakatawa ang hitsura niya, pero pinanindigan ko ang pagtataray.

"Ang aga-aga pa kasi eh, bakit ka ba pumunta dito?!" tiningnan ko siya ng masama, eh kasi napahiya ako sa pagyakap-yakap ko sa kanya eh. Hehehehe >__< Sorry naman po.

"Eh kasi Leen. May problema.." napahinto ako sa pagsubo ng pagkain. Para kasing seryoso 'to masyado nung sinabi niya na may problema. Parang kinakabahan ako. Nakabuntis ba siya?

"K-Kasi si T-Tasha...."

"Anong nangyari kay Ana, Jake?!!!" hindi na ako nakakain pa.

"Reez made a sick-joke, confronting our parents na siya ang totoong anak nina mom at dad.."

"Is it true?!"

"Hindi. Kumuha ako ng P.I..."

"P.I.?"

"Private investigator."

"Then"

"Hindi totoo na siya ang nawawalang anak nina mom at dad."

"Nasan na si Ana ngayon?"

"Hindi namin alam. Walang nakakaalam. Nung sinabi raw nina mommy at daddy, bigla nalang daw tumakbo palabas ng bahay. Walang nakapigil."

"Eh bakit kasi yung Reez ang pinaniwalaan ng mommy at daddy niyo?"

"She sounds so convincing raw kasi...at ganun naman talaga sila kahit noon pa. Mas pinaniniwalaan ang ibang tao kaysa sa'min." malungkot na saad nito.

Parang biglang sumakit ang ulo ko. Saan ba namin pwedeng hanapin si Ana? Kung kailan gusto ko ng sabihin ang nararamdaman ko para sa lalaking ito, saka pa nangyari 'to lahat. How can I be happy when my one and only best-friend is missing? TT__TT

TO BE CONTINUED...

_____________________________________________________

[Author's Note:]

Nakakaloka ang mga pangyayari. Ang gulo naman ng pamilyang 'to. Haaaay. Pero nasan na kaya talaga si Ana? Kailangan ko na bang palitan ang pamagatan ng NASAAN KA ANASTASIA? hahaha. Waley ba ang joke ko? Hahahahaha :))) Pasensya naman po. Haha

Dedicated ang Chapter na 'to para sa bebe Love kong maganda na kamukha ni Barbie Forteza, promise tingnan niyo ang Facebook niya, may hawig talaga sila. Hehehe. Hello bebe LhubCel15.Mwah! Xoxo

Laters, babes ☺

-mynameisLynlee♥

MEANT TO BE? [On-Hold]Where stories live. Discover now