/ / SCENE 53 / /

1.2K 66 10
                                    

SCENE #53 :

[Jake's POV]

Argh! Ang gago gago ko talaga. Bakit ko ba nasabi lahat ng yun?!!

Ang gago mo talaga Jake! Ang gago mo talaga Jake! Ang gago mo talaga Jake! Ang gago mo talaga Jake! Ang gago mo talaga Jake! Ang gago mo talaga Jake! Ang gago mo talaga Jake! Ang gago mo talaga Jake! Ang gago mo talaga Jake! Ang gago mo talaga Jake! Ang gago mo talaga Jake! Ang gago mo talaga Jake! Ang gago mo talaga Jake! Ang gago mo talaga Jake!

Kahit ilang ulit ko pa uulitin sa utak ko ang mga katagang yun habang nagmamaneho ako, hindi pa rin mababago ang lahat. Nasaktan ko na naman ulit si Laureen, ang mahal kong si Laureen.

I sigh. Nasuntok ko ang manibela. Itinabi ko muna sa kalsada ang sasakyan ko. Sobrang galit ako kanina at di ko mapigilan ang sarili ko. Iba-ibang scenario ang pumapasok sa utak ko. At sobrang nasasaktan ako. Mahal ko si Laureen, at hindi matatanggap ng letcheng pride ko, kung pati si Laureen kay mapunta kay Patrick. Oo aaminin ko, nasaktan ako nung ipinagpalit ako ni Tricia para kay Patrick. At kanina, parang nauulit na naman ang nakaraan.

/FLASHBACK/

"Uy pare!" bati ko kay Patrick. "Meet my girlfriend, Tricia. Babe, this is my friend Patrick." pakilala ko sa kanila.

Napatitig si Tricia at parang natulala ito. Hindi ko nalang pinansin. At halos lahat naman ng mga babaeng nakilala ko eh ganun ang reaksyong nakukuha kapag nakikita kami ni Patrick. Hindi sa pagmamayabang, pero sadyang mga gwapo talaga kami. Hahahahaha.

2 years ang agwat naman ni Patrick, ako ang mas matanda. Pero nagkakasundo pa rin kami sa halos lahat ng bagay.

"Hello nice meeting you." pakikipagkamay ni Patrick habang nakatingin kay Tricia.

"Babe, sayaw naman tayo oh" yaya ni Tricia sakin. Nandito kami sa isang high-end bar na pagmamay-ari ng isa pang kaibigan namin ni Patrick.

"Babe, I'm tired pa eh." sagot ko. "Alam mo namang kagagaling ko lang sa sakit di ba? Sinamahan lang kita dito kasi sabi mo gusto mo magsaya." malambing na saad ko sa girlfriend ko.

"K fine. But can I dance with Patrick then? Para naman akong timang kapag ako lang nag-iisa ang magsasayaw babe eh." paglalambing din niya. And how can I say no to this girl? I love her so much.

"O sige. Kung yan ang gusto mo ng babe ko."

"Pero pare----"

"Please pare. Ikaw lang naman ang pinagkakatiwalaan ko eh. Alam kong hindi mo tataluhin ang girlfriend ko." bulong ko kay Patrick.

Ngumiti naman ng malapad si Tricia. "Thanks babe." she kissed me on my cheeks.

I smiled at her. "Go and enjoy babe."

Umalis na sila at kumapit pa si Tricia sa braso ni Patrick. Napatingin naman si Patrick sakin, ngumiti lang ako at parang sinasabi na okay lang.

Napatingin ako sa dance floor. Todo hataw kung sumayaw si Tricia at parang umaakit sa lahat ng andun. Pero hindi ko nalang pinansin. Maganda ang girlfriend ko, at alam kong marami ang magkakagusto sa kanya. But I trust her, at alam kong ako lang ang mahal niya.

Napagod na yata siya o umalis lang din siya sa dance floor dahil wala na siyang kasayaw, kasi umalis na si Patrick at papunta sa gawi ko.

"Hey Pat. Why did you leave?" tanong ni Tricia.

MEANT TO BE? [On-Hold]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang