1

1.4K 49 7
                                    

• ara •

Nasira ang maganda kong tulog dahil naririnig ko na naman ang iyak netong si Mika.

"Huy Yeeee! Pucha puyat ako ah itigil mo na yan." Nakapikit kong sabi at tinabingan ko ng unan ang mukha ko.

Natuwa akong tumigil si Mika pero maya-maya ay nagsimula na naman siya.

No choice na kung hindi bumangon at nilapitan ko ang kaibigan ko.

"Ano na naman ba kasing problema mo?" Tanong ko dito at tinabihan ko siya sa kama niya.

"Araaa, eh si Richard kasi may bago ng girlfriend."

"Ano?! Eh hindi ba kakabreak niyo lang?"

Sabay abot niya ng phone sakin at nakita ko nga ang picture ni Richard na may kasamang bagong babae.

"Pucha kita mo ikaw din nagulat, kaya sino bang hindi iiyak ng ganito di ba?" Sagot niya sakin.

"Hay nako Ye, think positive ka na lang. Kaya nga nandito tayo sa Bora para magsaya at makamove on ka di ba? Malay mo nandito na bago mong forever--- Aray!"

"Tangina mo Ara, walang forever! Pinapaasa lang tayo niyan!" Sigaw niya sakin pagkapalo niya sa likod ko.

"Eh di red strings na lang." Natatawa kong sagot at hindi nagsalita si Mika pero nagbadfinger ang ate mo kaya kinagat ko nga.

Naghilamos na ako sa banyo at lumabas ng kwarto. Naabutan kong nagluluto si Kim at Cyd ng breakfast namin.

Taray naman talaga ng magsyota na 'to. Nagiging instant parents sila pag kasama nila kami ni Mika.

Lumabas ako sa may terrace ng tinutuluyan namin dito sa Boracay. Ang sarap talaga ng simoy ng hangin dito. Mga tatlong araw na kaming nandito dahil tinutulungan namin siyang magmove on sa ex niya. Kawawa nga si Mika dahil hindi pa man din sila nag-monthsary ay nagbreak na sila. My poor friend talaga.

Ako naman, wala akong lovelife. Fling lang ganon! Ayoko sa commitment, ayoko matulad kay Mika, masasaktan lang ako.

Pumasok na ko sa loob dahil masyado na akong naiinitan ng araw. Umakyat ulit ako sa labas para tawagin si Mika.

"Hoy higante, tawag na tayo ni itay at inay dun sa baba." Sabi ko dito at tinadyakan ako.

"Ano ba problema mo Ye? Lagi mo na lang ako sinasaktan." Iyak ko kunware at binato ako ng unan niya.

"Tigilan mo 'yan Ara 'di bagay." Sabi niya sakin at lumabas na ng tuluyan ng kwarto.

"Ganda mo talaga sana kaso mapanakit ka lang talaga eh." Sabi ko at lumabas na rin ako ng kwarto.

Nagtipon-tipon kaming apat sabay-sabay na kumain. Nakwento ni Yeye ang balita kay Richard at syempre tulad ko, nagulat din sa balita. Buti na nga lang talaga walang nangyare kay Mika at Richard. Sa pagkakakilala ko kasi sa kanya, fboi eh. Madalas pang nasa bar kaya di talaga mapagkakatiwalaan. Ewan ko ba dito kay Mika dun pa talaga nainlove jusme.

"Last night natin dito mamaya kaya dapat magsaya ka Mika. Ikaw kasi eh, kinukulong mo sarili mo sa kwarto. Sayang lang pagpunta mo dito." Sabi ni Cyd at tumango naman ako.

"True! Kung 'yang ex mo party boy, dapat party girl ka din. Lintik lang walang ganti." Sabi ko at nakipag-apir sakin yung magsyota.

"Pero dahan-dahan lang ah, graduating na kayo parehas baka madisgrasya pa isa sa inyo." Paalala naman ni Kim samin.

So after namin magbreakfast, pumunta ako pool at nagpalamig mag-isa dun. Iniisip ko rin kasi kung paano tutulungan si Mika. I've been in a relationship na before pero di naman kasi seryoso yun kaya nakakamove on naman agad ako.

Habang nag-iisip ako dito sa may sulok ng pool ay nakita ko si Mika na naka bathrobe papalapit sa pool.

Ano kayang naisip neto at mukhang magsswimming siya ngayon. First time nga niya actually, nagswimming lang siya kung kailan aalis na kami bukas dito sa Bora.

Nakatingin lang ako sa kanya dahil may shades naman ako panangga sa silaw ng araw. Dahan-dahan niyang hinubad yung bathrobe niya and boom! Naka bikini ang lola niyo. Gusto kong matawa pero lumangoy na lang papalapit sa kanya para pagtripan ko siya.

"Anong nakain mo't naisipan mong magswimming, aber?" Natatawa kong tanong sa kanya at tumalon na siya sa pool.

"Wala. Naisip ko namang sayang yung bayad ko dito kung hindi ko gagamitin yung pool dito sa inupahan nating rest house." Sagot niya sakin.

"Ano ng balak mo?"

"What do you mean?"

"Tangina neto, natural edi yung sa ex mo!" Sigaw ko dito at natawa siya ng bahagya.

"Edi wala, dun siya sa bago niya bwisit siya." Sagot niya sakin at sumisid na siya sa ilalim ng pool.

Kawawa naman 'tong kaibigan ko pero sabi nga suportahan na lang para lumaban.

Maghapon kaming ganito dito. Swimming, meryenda, tulog then repeat hanggang sa inabot na ng gabi. Napagdesisyunan naming gumalang apat para sulit ang Boracay namin.

Bumili kami ng kung anu-anong pagkain, pa-henna sa katawan, at kung anu-ano pa. May mga parties din dito na may free drinks na pinapatos naman naming apat.

"You know what, bakit kaya hindi mo sagutin iba mong manliligaw?" Tanong ni Kim pagkainom niya ng beer sa maliit na baso.

"Ayoko nga Kim, karamihan sa mga yun mga di ko type. Pramis." Sagot naman ni Mika.

"Type kase neto mga Chinito ganon!" Sabi ko naman.

"Weh, bat si Kie---"

"Oh wag na magsabi ng pangalan, past is past na." Natatawang sabi ni Mika kay Cyd at tumango na lang siya.

"Pero ano kayang biggest revenge pwede dyan sa ex mo? Grabe eh, ilang araw pa lang may bago na agad!" Sabi ni Kim.

"Ganun talaga, maraming back up." Sagot ko naman.

"Syempre Ara knows." Sabi naman ni Mika at nag-apir kaming dalawa. Kilala talaga ako ng babaeng 'to. Hahaha!

"Weird netong naisip ko pero bakit kaya di mo gantihan na kunware may girlfriend ka?" Biglang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Kim. Imposible, di gagawin ni Yeye yon.

"At sino namang babae ang pwede?"

Mas nanlaki ang mata ko dahil mukhang game na game naman si Mika sa naisip na idea ni Kim.

"Try mo maghanap dito." Sabi ni Kim at tumingin naman si Mika sa paligid.

"Bat mo pa pahihirapan sarili mo, nandito naman si Ara?"

"Huy bat ako?" Tanong ko kay Cyd. Putek bigla na lang naisip na ako.

"Oo nga Ara! Ikaw na lang." Sabi ni Kim.

Napatingin naman ako kay Mika na natatawa sakin.

"Grabe ka sakin Victonara ah, kala mo naman ang panget ko. Mas maganda pa nga ko sa mga fling mo sa La Salle." Sabi naman ni Mika sakin at tinulak ako ng bahagya.

"Wait lang, payag ka ba Mika si Ara magpanggap na girlfriend mo?" Tanong ni Cyd kay Mika.

Bigla akong kinabahan sa mga trip neto. Matrip akong tao pero yung mga panggap-panggap na yan, hindi eh.

"Ayos lang, actually gwapo si Vic ngayon and note, isa kaya sa mga pinagseselosan ni Richard yan si Vic eh." Sagot ni Mika na halos ikasuka ko na except sa gwapo daw ako. Very madalang sabihin yan ni Mika sakin eh.

"Ikaw ba Ara payag ka?" Tanong naman sakin ni Cyd.

Fuck, di ko maimagine na magiging girlfriend ko ang isa sa mga bestfriends ko. Maganda si Mika pero shet hindi talaga!

Faking ItWhere stories live. Discover now