4

139 11 6
                                    

• ara •

"First thing na dapat gawin, dapat relationship goals kayo para mas kapakapaniwala."

Nandito kami ngayon sa isang resort sa Laguna. Walangya kasi 'tong si Kimmy eh. Imbis na pahinga namin ni Yeye, dinala kami sa resort. Well, relaxing naman pero hay mas gusto kong magstay sa dorm lang.

"Hay nako, ako ang president ng KaRa loveteam kaya dapat sweet kayo oy!" Sigaw ni Kimmy samin ni Mika.

"Kasi naman, nakakaantok lang talaga dito promise." Sabi naman ni Yeye sa kanya.

"Pucha, relationship goals talaga kayo parehas antukin!" Sigaw ni Kimmy samin at pinicturan niya kami ni Yeye na nakahiga sa kama.

Nandito kasi kami sa hotel ng resort. Wala talaga akong gana magswimming kahit pa ang ganda ng panahon dito. Pero dahil mapilit talaga 'tong si Kim napagayak na rin kami ni Mika.

"Oh ayan, matchy-matchy kayo. Black couple ganern!" Masayang sabi ni Kim samin nang makita niya ang outfit namin.

Nakablack na sleeveless si Mika at ako naman ay nakablack shirt at maiksing shorts lang. Chineck din ni Kimmy kung anong panswimming attire ko at natuwa naman siya dahil black din daw ang sinuot namin ni Mika.

Lumabas na kaming tatlo ng hotel. Si Kimmy panay kuha ng picture saming dalawa ni Mika para daw legit relationship goals.

"Magholding hands naman kayo dyan mga bes para sweet." Bulong samin ni Kim at pinagdikit niya ang kamay namin ni Mika.

Alam kong clingy 'tong si Mika pero shet lang ang awkward sa pakiramdam ng ganito. Hindi nakakatuwa promise.

"Picturan ko kayo ah." Sabi ni Kim samin at pumwesto siya sa harap namin ni Mika.

Pa-stolen shot ang ginawa namin ni Yeye. Imagine niyo na lang holding hands while walking ang peg namin.. pak ganern! Pero ang eww sa pakiramdam sobra.

"Shit Ye, di ako sanay." Sabi ko sa kanya at binitawan ko ang kamay niya.

"Pota, arte mo. Mas maganda pa nga ako dun sa Bang mo eh." Sabi niya at tinulak niya ko ng mahina lang naman.

"Eh ano naman, gusto ko siya bilang girlfriend. Ikaw.. gusto ko lang as a friend." Sagot ko at inirapan niya lang ako.

Habang naglalakad kami papuntang pool, syempre may mga taong nakakakilala samin dito. Badtrip nga dahil akala ko medyo masosolo namin ang resort na 'to, deins pala.

"Uy may ibang tao ah, pa sweet kayo konti, okay?" Paalala samin ni Kim kaya nagdikit na naman kami ni Mika. Inakbayan niya ako at nilagay ko naman ang kamay ko sa may bewang niya.

"Pucha, bagay talaga." Komento ni Kim nang nakita niya ang ginawa namin ni Mika.

Nakarating na kami sa pool at nagswimming na kaming tatlo. Kinalimutan muna naming tatlo ang pagpapanggap at best friends mode on muna kami.

Masaya ako everytime na magkakaroon kaming tatlo ng solo moments. Pag kaming tatlo lang kasi mas maraming kaming nagagawa kesa pag kasama namin yung team namin. Ayos lang din naman pag mga seniors lang, walang mga bata. Yung iba kasi samin, wild eh kaya bawal muna sa bata.

Habang nagkakatuwaan kaming tatlo dito sa pool, napansin kong pinagtitinginan ng mga lalake si Mika. Eto talaga major problem ko pag kasama namin si Yeye, lapitin talaga ng boys kaya ako naman syempre kailangan panindigan ang pagpapanggap. I have to show them na yung tinitignan nila ay sa akin.

Hinila ko si Yeye papalapit sakin at niyakap. Halatang nagulat siya sa ginawa ko dahil nagstiff ang katawan niya. Tinignan ko naman si Kim na nanlaki ang mata sa ginawa ko. Anak ng tokwa neto, siya 'tong push ng push sa pagpapanggap namin tapos isa din siya sa magugulat.

Faking ItWhere stories live. Discover now